00:00Iaapel na naman ng Kamara sa Korte Suprema ang deklaransyong unconstitutional
00:05ang Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
00:09Sa gitna naman ng butokan kanina para South Speaker,
00:11nag-walk out ang apat na congressman mula po sa Davao City,
00:15kabilang ang tatlong Duterte.
00:17Nakatutok si Tina Paganiban Perez.
00:22Hi, President Martin Romualdez.
00:25Si Congressman Martin Romualdez ng 1st District ng Leyte pa rin ang Speaker ng Kamara.
00:30Siya lang ang nominado kanina.
00:33269 sa 290 na congressman na dumalo kanina ang bumoto kay Romualdez,
00:38habang 34 ang nag-abstain.
00:40Hindi ko kayo iiwan sa gitna ng unos.
00:44Gaya ng ama ng tahanan na hindi natutulog kapag may bagyong papasok.
00:53Babantayin natin ang ating kapulungan.
00:56Sisiguruduin kung walang bubong ang babagsak, walang pader magigiba at walang miyembro ang mapapabayaan.
01:04Nahalal na senior deputy speaker si David J.J. Suarez ng Quezon 2nd District
01:10at majority leader si Ilocos Norte 1st District representative at presidential son, Sandro Marcos.
01:17Si Congressman Marcelino Libanan, ang minority leader.
01:20Si Congressman Paulo Duterte ng 1st District ng Davao City,
01:24ang anak nitong si Congressman Omar Vincent ng 2nd District ng Davao City,
01:29ang pinsa ni Congressman Paulo na si Congressman Harold ng Pwersa ng Pilipinong Pandagat o PPP,
01:34at ang kaalyado nilang si Congressman Isidro Ungab ng 3rd District ng Davao City,
01:40walang binoto.
01:41Hindi rin daw sasama sa minority group at magiging independent daw sila.
01:46Sa isang pahayag, sinabi ni Congressman Palong na nag-walk out silang mga taga Davao City
01:51matapos ang roll call dahil ayaw nilang maging political puppet na nagpapanggap na public servants.
01:58Sa kanyang speech, sinabi ni Speaker Romualdez na isa sa mga haharapin nila sa 20th Congress,
02:05ang impeachment ni Vice President Sara Duterte.
02:07The Supreme Court has spoken and we recognize its decision.
02:14But let it never be said that the House of the People bowed in silence.
02:22Ayon kay House Prosecutor Manila Representative Joel Chua,
02:26magsusumite ang Kamara ng Motion for Reconsideration.
02:29Ang ilan, nangangamba ng isang constitutional crisis dahil sa desisyon ng Korte Suprema.
02:35Ayon ang isang maaring maging sitwasyon where we will be at the stand-off
02:40if the Senate will decide to proceed despite the Supreme Court decision,
02:45that will really give rise to a constitutional issue of crisis yan.
02:49Para sa GMA Integrated News, Tina Panganiban Perez, Nakatuto, 24 Horas.
Comments