00:00Rodrigo Duterte
00:02Posibleng makaharap ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court o ICC
00:14ang ilan sa mga biktima umano ng madugunyang kampanya kontra droga.
00:20Mahigit tatlong daang biktima na ang nakapasa para lumahok sa pre-trial proceedings.
00:26At nakatutok si Salima Refran.
00:30Kulang isang buwan bago ang confirmation of charges hearing ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court o ICC
00:38iniulat ng Victims Participation and Reparation Section o VPRS
00:43na tatlong daan na tatlong biktima ng drug war ang pasado sa kriteriya para makibahagi sa pre-trial proceedings ng Korte.
00:51Kabilang sa kriteriya ang kumpirmasyon ng kanilang pagkakakilanlan,
00:54ang kumpirmasyong nakaranas sila ng pinsala at kumpirmasyong ang mga ito ay dinulot na mga krimeng ibinibintang laban kay Duterte.
01:03Kabilang sa magiging testimony ng ilang saksi, ang kawalan ng dignidad sa kamatayan ng kanilang kaanak at kung paano nalang ito itinapon na parang baboy.
01:14Ayon sa ICC-accredited counsel na si Atty. Joel Butuyan, malaking bagay ang mga testimonya para malaman kung mananatiling crimes against humanity of murder lang
01:24ang kakaharapin ni Duterte o kung palalawigin ito para sakupin ng iba pang krimen.
01:30Sa range of crimes that were committed during the drug war, ang pinakamarami actually ay yung mga illegal imprisonment, yung mga illegal detentions.
01:37Arbitrary detention.
01:39Almost half a million yan. Yung murder, ang maximum estimate is mga 30,000. Pero yung illegal imprisonment, almost half a million ang nag-suffer dyan.
01:51Dati nang sinabi ng ICC sa GMA Integrated News na maaaring makaharap ng mga saksi si Duterte kung iharap sila sa Confirmation of Charges Hearing.
02:01Sa Confirmation of Charges Hearing sa September 23, dedesisyonan kung itutuloy ang kaso sa trial o ibabasura ito.
02:09Patuloy na kinukuha ng GMA Integrated News ang panig ni Duterte.
02:14Para sa GMA Integrated News, Salima Refra, Nakatutok, 24 Oras.
02:21Patuloy na kinukuha ng GMA Integrated News, Salima Refra, Nakatutok, 24 Oras.
Comments