00:00Nagpatuloy ang pamamahagi ng chairmanship ng 41 Komite ng Senado.
00:05Pinakamarami ang hawak ni Sen. Alan Peter Cayetano,
00:08habang kay Sen. Rodante Marcoleta ang makapangyarihang Blue Ribbon Committee.
00:13Nakatutok si Mav Gonzalez!
00:1833 sa 41 Komitees ng Senado ang naipamahagi na ang chairmanship sa mga senador.
00:24Pinakamarami ang apat na pamumunuan ni Sen. Alan Peter Cayetano,
00:27kabilang ang Komitee on Accounts at Justice.
00:30Tigtatlo naman si Sen. Aimee Marcos, Pia Cayetano, Robin Padilla at Bongo.
00:36Nakuha naman ang first-time Sen. na si Sen. Rodante Marcoleta
00:39ang makapangyarihang Blue Ribbon Committee na nag-iimbestiga sa mga anomalya sa gobyerno.
00:45Si Sen. Wynn Gatchalian ang hahawak sa Komitee on Finance na sumisilip sa national budget.
00:50Napunta naman kay Sen. Camille Villar ang Komitee on Environment
00:53habang sa kapatid niya at dating DPWH Secretary Sen. Mark Villar ang Komitee on Public Works.
00:59Kay Sen. Rafi Tulfo ang Komitee on Migrant Workers at Public Services.
01:03Habang ang Komitee on Social Justice at Games and Amusement
01:06napunta sa kapatid niyang si Sen. Erwin Tulfo
01:09na papa-imbestigahan daw ang lumalalang problema sa online gambling.
01:13Kung ako po masusunod, ora mismo dapat itigil na ang online gambling.
01:20Because of the fact, masama na po ang nangyayari.
01:25Karamihan hindi na nagagawa ang trabaho.
01:28Take the case of that lawmaker na nahuli,
01:32nag-online sabong yung isa, card games.
01:37Nakakahiya naman, di ho ba?
01:39We have to stop this. This is getting serious by the day.
01:44So online gambling must, not should, must be stopped.
01:50We can only recommend to Malacanang, to the executive,
01:55our position right now kasi wala pa po tayong batas.
02:00But given the chance, definitely, kung tatanungin niyo ako,
02:04ayoko na ng online gambling.
02:06Ang mga miyembro na rin ng mayorya na sina Sen. Bam Aquino at Kiko Pangilinan
02:11nakuha ang Committee on Basic Education at Agriculture.
02:15Mananatili naman kay Sen. Bato de la Rosa,
02:17ang Committee on Public Order and Dangerous Drugs.
02:20Kay Sen. Jingoy Estrada, ang Committee on National Defense.
02:23Committee on Rules, si Majority Floor Leader Joel Villanueva.
02:27Kinanggap naman ni Minority Sen. Ping Lakson,
02:29ang Committee on Electoral Reforms.
02:31Isischedule daw niya agad ang pagdinig sa Anti-Political Dynasty Bill
02:35na layong ipagbawal tumakbo sa parehong syudad o probinsya
02:38ang kaanak ng isang re-electionist incumbent
02:41hanggang second degree of consanguinity o affinity.
02:44Walo na lang ang natitirang komite.
02:46Sa mayorya, si Sen. Lito Lapid na lang ang walang komite chairmanship.
02:50Si Sen. Minority Leader Tito Soto,
02:52otomatikong miyembro ng lahat ng komite.
02:54Para sa GMA Integrated News,
02:57Mav Gonzalez, Nakatutok, 24 Oras.
03:01Tinukoy na rin ang iba pang senador na mamumuno
03:04sa natitirang Senate Committees
03:06na dagdag sa pamumunuan ni Sen. Bato de la Rosa
03:10ang Committee on Civil Service, Government Reorganization
03:15and Professional Regulation
03:16at kay Sen. Mark Villar
03:18ang Government Corporations and Public Enterprises.
03:21Sa mayorya naman, pamumunuan ni Sen. Meg Zubiri
03:25ang Economic Affairs, Culture and Arts
03:28kay Sen. Lauren Legarda
03:30at kay Sen. Risa Contiveros
03:33ang Women, Children, Family Relations and Gender Equality.
03:37Tatlong komite na lang ang natitira sa ngayon.
03:40Samantala, dineklara namang Deputy Majority Leaders
03:43sina Sen. J.B. Ejercito
03:45at Sen. Rodante Marcoleta
03:47habang Deputy Minority Leaders
03:50sina Sen. Contiveros
03:52at Sen. Zubiri.
Comments