Skip to playerSkip to main content
Planong kuwestyunin ng isang election lawyer ang batas na nag-urong ng Barangay at SK election sa 2026 imbes na sa Disyembre. Labag aniya ito sa Saligang Batas.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Planong questionin ng isang election lawyer ang batas na nag-urong ng barangay at SK Elections sa 2026.
00:06Imbes na sa Disyembre, labagaan niya ito sa saligang batas.
00:11Nagbabalik si Sandra Aguinaldo.
00:17Pirmado na ni Pangulong Bongbong Marcos ang batas na nagpapahaba
00:21sa termino ng barangay at sangguni ang kabataan officials sa apat na taon.
00:26Sa batas din ito, pinagpapaliban ang barangay at SK Elections sa November 2, 2026
00:33na dapat sana ay sa December 1 ng taong ito.
00:36Magkakabisa ang batas matapos ma-publish sa Official Gazette at Newspaper of General Circulation.
00:43Pero ngayon pa lang, naghahanda na ang election lawyer na si Romulo Macalintal
00:48na dumulog sa Korte Suprema para maharang ito.
00:51Aniya, labag sa saligang batas ang pagpopostpone sa eleksyon.
00:55Ang term nila hanggang December 31, 2025 eh.
01:01So, pagka yan ina-ex, hindi tayo nagkaroon ng eleksyon sa December 1, 2025.
01:06Yung period from December 1 hanggang November 2026,
01:11yan ay hindi na natin sila inihalal.
01:14Ang sabi nga ng Supreme Court, that constitutes appointment, legislative appointment.
01:21Pino na rin niya kung bakit inilipat ang eleksyon sa November 2.
01:25Sa araw na ito, mas ginugunita ang araw ng mga patay sa ilang probinsya
01:30imbis na November 1.
01:31Pakikita mo na mukhang hindi ito pinag-aralan mabuti.
01:34Sinabi nila na ang susunod na halalan ay sa first Monday of November 2026,
01:40yan ay November 2, at yan ay All Souls Day.
01:44Paano ka magkakaroon ng halalan sa November 2, 2026?
01:48Ganong karamihan sa mga electorate natin ay nasa kanika nilang mga probinsya,
01:54sa mga namatay nilang mga kamag-anak.
01:57Aminado naman si Comelec Chairman George Erwin Garcia na hindi pa sila nakararanas
02:02ng eleksyon na ginawa ng November 2.
02:05Pero susunod daw sila sa batas.
02:07Wala namang kaming diskresyon sa mga date na nakalagay dyan.
02:10Siguro ang kadahilanan ng Kongreso, yun lang naman ang ating pwedeng mabasa
02:13sa ginawa ng Kongreso na date na yan,
02:16ay kaya nila naligay ang November 2 dahil at least bakasyunan,
02:21dire-diretso na andyan na yung mga kababayan natin sa bawat mga barangay
02:24na nagsiuwian para ma-observe yung All Saints Day, All Souls Day natin
02:28na isang traditional Filipino celebration.
02:31Pero dahil sa posibilidad na ma-question ang batas sa Korte Suprema,
02:36ipagpapatuloy ng Comelec ang paghahanda sa BSKE sa December.
02:41Nakahanda rin aniya ang Comelec na gumawa ng IRR
02:44o Implementing Rules and Regulations
02:46ng nasabing batas sa loob ng siyam na pong araw mula sa efektivity nito.
02:51Pero kung tuluyang mapospon ang BSKE para sa susunod na taon,
02:55ay kailangan aniya ng dagdag na budget ng Comelec.
02:58Inaasahan kasi nilang madaragdagan ang butante
03:01dahil magsasagawa pa sila ng registration.
03:05Tatandaan po ng lahat na una,
03:08nagparehistory lang po tayo lately,
03:11nung nakaraang linggo,
03:13na inabot ng 2.8 million na mga bagong butante sa 10 araw lamang.
03:19Plus, kung walang eleksyon sa December 1,
03:22mag-re-resume tayo ng registration.
03:24Ngayong third week ng Oktubre,
03:26at ito'y matatapos ng July ng next year,
03:292026,
03:30we will require,
03:32request additional more or less,
03:33palagay ko mga 4 billion pesos.
03:35Sabi naman ni Budget Secretary Amen ang pangandaman,
03:39bibigyan nila ng karagdagang pondo ang Comelec
03:41para sa BSKE kung kakailanganin.
03:44Para sa GMA Integrated News,
03:47Sandra Aguinaldo,
03:48Nakatuto 24 Horas.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended