Skip to playerSkip to main content
Handa ang kamara sakaling paboran ng Korte Suprema si Vice President Sara Duterte batay sa mga technicality ng hinaharap niyang impeachment complaint. Kung sakali, puwedeng maghain uli ng articles of impeachment laban sa kanya pagkatapos ng one year bar rule, ayon sa isa sa mga impeachment prosecutor.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Handa ang Kamara sa kaling paboran ng Korte Suprema si Vice President Sara Duterte
00:04batay sa mga technicality nang hinaharap niyang impeachment complaint.
00:08Kung sakali, pwedeng maghain ulit ng Articles of Impeachment laban sa kanya
00:12pagkatapos ng One Year Bar Rule ayon po sa isa sa mga impeachment prosecutor.
00:17Nakatutok si Tina Pangaliban Perez.
00:22Pinabalangkas na ng Kamara ang sagot nito sa mga katanungan ng Korte Suprema
00:27kognay sa petisyon ni Vice President Sara Duterte na humaharang sa impeachment complaint laban sa kanya.
00:33Kabilang sa tanong ng Korte Suprema kung ano ang nangyari sa unang tatlong impeachment complaint na inihain laban kay Duterte.
00:41Matatanda ang magkakasunod na inihain ang tatlong impeachment complaint
00:45na hindi na gumalaw hanggang sa umarangkadang ikaapat na impeachment complaint noong February 2025.
00:52Sabi ni Manila Representative Joel Chua, isa sa House impeachment prosecutors,
00:58sinunod daw ng Kamara ang konstitusyon, ang rules on impeachment at mga dating desisyon ng Korte Suprema
01:05lalo na sa One Year Bar Rule na nagbabawal sa mahigit isang initiated impeachment complaint
01:11sa isang impeachable official sa loob ng isang taon.
01:15Ang tinutukay na jurisprudence ni Chua ay ang desisyon ng Korte Suprema sa dalawang kasong kumwestyon
01:21sa impeachment complaint laban kay na Chief Justice Silario Davide at Ombudsman Mercedes Gutierrez.
01:29Dito inilatag ng Korte Suprema kung ano ang ibig sabihin ng pag-initiate ng isang impeachment complaint
01:35na siyang basehan ng One Year Bar Rule.
01:37Una, ng filing ng verified complaint at pag-refer sa House Justice Committee for action.
01:45Ito po yung supposedly dapat nangyari sa unang tatlo ng mga impeachment complaints.
01:51Pero hindi po ito nangyari. There was no referral to the House Committee on Justice.
01:57But the fourth impeachment complaint, at isa po ito doon sa mga requirements din po,
02:01ng Francisco at ng Gutierrez ay yung pagkakaroon po ng one-third filing ng House members
02:09to the House Secretary General. Ito po yung nangyari sa fourth impeachment complaint.
02:15Umaasa si impeachment prosecutor Joel Chua na mapagde-desisyonan nito ng Korte Suprema
02:21sa lalong madaling parahon para hindi na rin anya ito magamit
02:24para lalo pang patagalin ang impeachment proceedings.
02:27Wala pong dahilan para antayin ng Senado kung ano po ang magiging desisyon ng Korte Suprema
02:35dahil wala naman pong TRO na nilalabas.
02:41So sa ngayon, dapat po mag-proceed pa rin po ang trial hanggat hindi po ito pinapahinto ng Korte Suprema.
02:48E sa delay po na nangyari sa Senado, parang aabot na rin tayo sa One Year Bar Rule eh.
02:53Pero paano kung pumanig ang Korte Suprema sa BSE?
02:56Well of course, kumitiyaro, di siyempre susunod ang impeachment court.
03:02But of course, we will do all our legal remedies para ito ay malif.
03:11At alam naman po natin na lagi na itong ginagawa naman po natin ay nasa tama.
03:17Ang articles of impeachment, pwede naman daw ihain ulit matapos ang One Year Bar.
03:23Kung wala namang violation eh, ang pinagbabawal lamang is yung period.
03:30So pwede, as is, as is.
03:32Para sa GMA Integrated News, Tina Panganiban Perez, Nakatutog 24 Horas.
Comments

Recommended