Skip to playerSkip to main content
Bumulusok sa -3 ang "net trust rating" o tiwala ng mga Pilipino kay Pangulong Bongbong Marcos, base sa pinakahuling survey ng SWS. Tumaas naman ang kay Vice President Sara Duterte.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Bumulusok sa negative 3 ang net trust rating o tiwala ng mga Pilipino kay Pangulong Bongbong Marcos base po sa pinakahuling survey ng SWS.
00:11Tumaas naman ang kay Vice President Sara Duterte, ang paliwanag ng kumpanyang nagkomisyon sa survey sa pagtutok ni Darlene Cai.
00:18Sumadsad sa negative 3 ang net trust rating ni Pangulong Bongbong Marcos base sa pinakahuling survey ng Social Weather Station o SWS nitong Nobyembre.
00:31Mas mababa yan sa positive 7 net trust rating noong Setiembre at sa positive 18 noong Hunyo.
00:37Bagamat may 38% na may malaking tiwala sa Pangulo, nahila yan ng 41% na may maliit na tiwala sa kanya.
00:45Ang survey na kinomisyon ng strat-based consultancy ay isinagawa noong November 24 to 30.
00:51Sabi ng strat-based consultancy, panahon yan ang matinding pagbatikos ng publiko sa kontrobersiya sa flood control projects,
00:58partikularang malawak ang kilus protes sa laban sa katiwalian noong November 30.
01:02Corruption is on the top of mind ng ating tao. Araw-araw pinag-uusapan.
01:07Galit ang tao at humihingi na may panagutin ng Pangulo and it's towards the end of December.
01:14Wala pang pinananagot. And that captured, I feel, the frustrations ng tao on this issue of corruption.
01:22Sabi ni strat-based group founder and CEO Victor Andres Manhit,
01:26posibleng naapektuhan ang trust rating ng Pangulo sa takbo ng aksyon ng gobyerno laban sa katiwalian.
01:32Pinangako ng ating Pangulo na may mananagot. Remember na siya ang nag-umpisan itong issue ng flood control.
01:39Tama nga naman, no? Makakahiya. Sabi niya, mahiya naman.
01:43Kaya makakahiya at makalulungkot habang nahihirapan ng taong bayan. Pero meron na bang napanagot?
01:48Hindi ito ang unang pagkakataon na nakakuha ng negative net trust rating ang Pangulo.
01:53Noong Marso hanggang Mayo, nakakuha na rin siya ng negative rating.
01:56Sinusubukan pa ng GMA Integrated News sa makuha ang panig ng palasyo ukol sa risulta ng survey.
02:02Samantala, nagtala naman ang positive 31 net trust rating si Vice President Sara Duterte sa kaparehong survey.
02:0856% na nagsabing may malaking tiwala sila kay Duterte, habang 26% na nagsabing may maliit silang tiwala sa kanya.
02:16Ang net trust rating ni Duterte noong Nobyembre, mas mataas ng 6 na puntos na nakuha niya noong Setiembre.
02:22Sabi ni Manhit, nang isinagawa ang survey ay hindi pa raw isinasampanoon ng reklamong plunder at iba pa laban kay Duterte sa Office of the Ombudsman.
02:31Matatandaang nitong Desyembre inihain niya ng ilang civil society groups.
02:36Maari pa raw makaapekto sa opinion ng publiko kung may susunod bang legal actions na sangkot si Duterte.
02:41Hindi na pag-uusapan ngayon yung issue laban sa Vice Presidente.
02:46Tandaan natin ay this is the end of November at may nag-file ng kaso sa kanya I think two weeks ago.
02:54So hindi na capture, may nag-file sa Ombudsman.
02:57So noong mga panahon nagsasurvey, ang nasa taas ng pananaw ng taong bayan
03:03ay yung palaking mga rally, mobilisasyon, ang inihingi ay may panagutin tungkol sa flood control.
03:11Malayo sa issue nito ang ating Vice Pangulo.
03:14Sinisikap din ang GMA Integrated News sa makuha ang pahayag ng Vice Presidente ukol dito.
03:19Para sa GMA Integrated News, Darlene Kai nakatutok 24 oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended