Skip to playerSkip to main content
Minamadali na ng Senate Committee on Finance ang pag-amyenda sa panukalang 2026 budget para hindi i-reenact o ulitin ang national budget ngayong taon. 


Sa gitna ‘yan ng suspensyon ng sesyon sa Senado matapos magkasunog sa Senate building kahapon.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Minamadali na ng Senate Committee on Finance ang pag-amienda sa panukalang 2026 budget
00:06para hindi i-re-enact o ulitin ang national budget ngayong taon.
00:11Sa gitna po yan ang suspensyon ng sesyon sa Senado matapos magkasunog sa Senate Building kahapon.
00:18Nakatutok si Maki Pulido.
00:23Gipit na nga ang schedule na suspindi pa ang Senate session ngayong araw
00:27matapos magkasunog kahapon sa 3rd floor ng Senate Building.
00:31Nag-inspeksyon lang muna kanina si Senate President Tito Soto para alamin ang tindi ng pinsala ng sunog.
00:37Kahit na holiday bukas sa Pasay City dahil Pasay Day,
00:41papasok ang mga Senador para sa pagpapatuloy ng period of amendments.
00:45Paspasan na ayon kay Senate Committee on Finance Chairperson Sen. Sherwin Gatchalian
00:49para maiwasan ang re-enacted budget.
00:51Kung wala beriya, inaasahang simulan ng bicameral conference sa December 11
00:56at mapirmahan ang bicameral report ng December 16
00:59o isang araw bago ang Senate Christmas break.
01:02Target mapirmahan ni Pangulong Bombo Marcos
01:04ang General Appropriations Act sa December 29.
01:07Very tight, to be honest about it.
01:09Kasi like pag titignan mo nga yung bicameral na mention ko,
01:133 days lang yung binigay namin sa sarili namin.
01:16So we have to really work fast and find a common ground.
01:21Kung dati, sarado sa publiko ang bicameral conference,
01:24ngayon naka-livestream ito.
01:26Sa bicam, pag-iisahin ang Senate at House version ng panukalang budget
01:30at isang yugtong ito sa budget process kung saan nagkakaroon noon ng budget insertions.
01:35Inaasahan ni Gatchalian na magkakaroon ng mainit na debate sa ilang issue,
01:39isa ang unprogrammed budget, lalo't tinapyas ito ng Senado,
01:42sa P170 billion mula sa P230 billion.
01:46Pusible ring pagtalunan ang dagdag na budget para sa rehabilitasyon
01:51ng mga probinsyang nasalangta ng mga bagyo.
01:53Para matapos ang bicam sa loob ng tatlong araw,
01:56gusto ni Gatchalian limitahan ang diskusyon sa mga pagkakaiba lang ng House at Senate version.
02:01So, I would suggest,
02:05dahil naka-upload naman na ito sa website at yung Senate third reading version,
02:13at kung ano yung mga differences doon, yun na lang ang pag-uusapan.
02:17I would propose na ganoon na lang,
02:19na wala na tayong pag-uusapan outside of those,
02:22kung hindi talaga magiging unwieldy.
02:24Iniimbisigahan pa ang sanhinang sunog sa third floor ng Senate building.
02:28Nang apulahin na mga bumbero ang sunog,
02:30nag-leak ang tubig sa session hall,
02:32pati sa ibang bahagi ng gusali.
02:34Pero kaninang tanghali,
02:35bukas na mga ilaw sa session hall
02:37at meron na rin air conditioning.
02:39Pinatutuyo na lang ang carpet
02:40at sinitcheck ang mga nabasang electrical wiring.
02:43Para sa GMA Integrated News,
02:45Mackie Pulido Nakatutok, 24 Horas.
02:47PINATUTY
02:51PINATUTY
02:52PINATUTY
Be the first to comment
Add your comment

Recommended