Skip to playerSkip to main content
Tumaas ang bilang ng mga walang trabaho sa bansa nitong Setyembre kumpara sa parehong buwan noong 2024. Sa construction sektor, posibleng nakaapekto ang imbestigasyon sa mga flood control project. Sa Visayas at Mindanao naman asahang makaaapekto ang lindol at mga bagyo.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Tumaas ang bilang ng mga walang trabaho sa bansa nitong September, kumpara sa parehong buwan noong 2024.
00:08Sa construction sector, e posibleng nakaapekto ang investigasyon sa mga flood control project.
00:14Sa Visayas at Mindanao naman, asahang makakaapekto ang lindol at mga bagyo.
00:20Nakatutok si Maki Pulido.
00:21Matapos ang may dalawang buwang paghahanap, bigo pang makahanap ng trabaho ang bagong graduate na si Rika.
00:31Mahira po sobra. Sabi daw po, pagkatapos mo daw po mag-graduate, yung trabaho na daw po yung maghahanap sa'yo pero hindi po talaga ganun.
00:40Problema rin niya, ngaabot daw sa isang libong pisong gastos para sa requirements tulad ng NBI, police at medical clearance.
00:47Siyempre po, gusto ko po agad tumulong po sa parents ko pero hindi pa po. Medyo umaasa pa rin po. Like pangpamasahe po, ganun po. Sa parents pa rin po.
00:56Sa pinakahuling survey ng Philippine Statistics Authority, bahagyang tumaas sa 3.8% ang mga walang trabaho nitong September 2025, kumpara sa 3.7% noong September 2024.
01:08Katumbas yan ng 1.96 milyong unemployed nitong Setiembre, mula sa 1.89 milyong walang trabaho sa parehong panahon noong nakaraang taon.
01:19Pero kung ikukumpara sa August 2025, bahagyang bumaba ang bilang ng mga unemployed nitong Setiembre.
01:25Kumpara noong September 2024, bumaba rin ang bilang ng underemployed o mga may trabaho pero hindi buo ang bilang ng oras sa trabaho nitong September 2025.
01:36Pero kumpara sa datos noong August, mas mataas ang underemployment rate nitong Setiembre.
01:41Si Gerald, on-call driver, kaya tatlong araw lang sa isang linggo may trabaho.
01:46Ilang buwan na rin siyang naghahanap ng full-time work pero bigo pa rin hanggang ngayon.
01:50Meron akong college, high school na anak. Tapos mga gastos namin sa bahay.
01:57Hindi ko kaya ng on-call lang, ng hindi full-time. Dapat full-time.
02:03Para makasurvive.
02:06Sa sektor ng construction na italang may pinakamataas na underemployment pero sa sektor ding ito, ang tumaas ang bilang ng trabaho.
02:15Pusibling may epekto ang investigasyon sa mga maanumaliang flood control project ayon kay National Statistician Dennis Mapa.
02:21Pusibling na may mga workers but the workers are not able to, a number or a portion of the workers hindi nagkaroon ng 40 hours job.
02:32Some of them are hired let's say as a temporary hand or partial lang yung kanilang work done in that particular week.
02:42Wala pang dato sa epekto ng lindol at bagyo sa Visayas at Mindanao pero sabi ng PSA, may epekto ito sa bilang ng mga mawawala ng pinagkakakitaan sa mga apektadong regyon.
02:53May mga weeks na titigil ang economic activity sa isang area for example. So that would have impact.
03:03But of course, pwede naman na sa ibang lugar magkakaroon naman ng pagtaas.
03:10Pero dahil bare months na, pusibling dumami ang trabaho sa ibang lugar, particular sa service at retail sector.
03:16Steady rin sa 1.7% ang inflation rate o bilis ng pagtaas ng bilihin.
03:20Kaya mas may enganyo rin gumastos ang mga mamimili.
03:24Para sa GMA Integrated News, Makipulido na Katutok, 24 Horas.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended