00:00Magandang gabi po, Luzon, Visayas at Mindanao.
00:05Nauwi sa aksidente ang ilang beses na paghinto at pagharurot ng isang kotse sa Cavite.
00:12Nahulikam ang pagbangga nito sa isang bahay, Barangay Hall, ilang sasakyan at nasa limang individual.
00:18Umabot pa sa puntong hinimatay ang mismong driver nang kausapin siya ng mga otoridad.
00:24Nakatutok si Pam Alegre.
00:25Mastan ang kotse nito sa CCTV footage nitong Martes ng umaga.
00:32Mabagal ang takbo ng sasakyan at nagdulot pa ng pagsigip ng trapiko sa National Highway sa Barangay San Rafael 3 na Valletta Cavite.
00:39Naisip daw ng mga taga-barangay roon nakatukin ang kotse dahil baka may nangyayari na sa driver.
00:43Maya-maya pa nag-swerve ang kotse at bumangga sa isang van sa kabilang lane.
00:47Una bangga niya po yun, tumigil ulit siya, bigla naman siyang umatras naman.
00:53Huli kam din ang biglang pag-atras ng kotse at pagsalpok sa isang bahay.
00:57Saglit itong huminto at humarurot ulit.
00:59Bumangga naman sa harapan ng multi-purpose hall ng barangay.
01:02Inararo rin ang kotse ang isa pang kotse, dalawang rider ng motorsiklo at tatlong empleyado ng barangay.
01:08Narito pa rin yung bumper ng kotse dahil ito yung bahay na binangga niya ng umatrasya rito.
01:14Andito rin yung pinsalang iniwan dahil hanggang ngayon nakalaylay pa rin yung yero ng alulod.
01:19Ang driver, umusad ng kaunti matapos makabangga ng mga tao.
01:23Hinarang at pinatigil siya ng ilan pang mga taga-barangay hall.
01:26Ayon sa taga-barangay, habang nakikipag-usap sa mga otoridad,
01:29ang babaeng driver, hinimatay kaya dinala sa ospital.
01:32Walang nasawi sa mga nabangga pero nagtamo sila ng mga sugat at dinala rin sa ospital.
01:36Sa ngayon po, nasa ospital po siya, nagpapagaling.
01:40Kasi po, dun sa aksidente, nagtamo po siya ng fracture sa kanyang hita.
01:46Bali, nadurog po yung buto niya doon, so kakailanganin po na lagyan ng bakal at saka sebentohan.
01:53Sa ngayon po, ay matibay po at buo po ang desisyon po namin na magsampa po ng kaukulang kaso.
02:03Iniimbisigahan na ng polisya ang insidente at inaalam kung bakit nawalan ng kontrol ang driver ng kotse.
02:08Para sa GMA Integrating News, Bam Alegre, Nakatutok 24 Horas.
02:16Sampai jumpa.