00:00Bukod sa bigas, iniutos na rin ni Pangulong Bongbong Marcos sa National Food Authority
00:05ang pagbili ng mais na posibleng simulan sa susunod na taon.
00:10Pero ayon sa isang grupo, e hindi pa rin sapat ang dami ng binibili ng NFA
00:16na kinagamit lang tuwing may emergency.
00:19Nakatutok si Darlene Kai.
00:24Tanong ng mga magsasaka kay Pangulong Bongbong Marcos
00:26nang dumalaw siya sa Munoz, Nueva Ecija.
00:28Paano matutugunan ng pamahalaan ang mababang presyo ng pagbili sa ating mga produkto na agrikultura
00:39at mapababa ang gastos sa mga inputs ng pagsasaka?
00:45Sagot ng Pangulo, iniutos niya na rin ang pagbili ng National Food Authority
00:49ng mais mula sa mga magsasaka bukod pa sa palay.
00:52Rice and corn talaga yung NFA.
00:55Ang presyo na yan ay kailangan maganda ang hanap buhay ng ating mga farmer.
01:01Lahat ng mga inputs, lahat ng pati sa buying price,
01:05lahat yan ay pag-tipiyaki namin na sapat para naman yung ating mga farmer
01:11ay may hanap buhay naman at mapakain ng kanilang mga pamilya,
01:15mapag-aral ang kanilang mga anak.
01:17Ibig sabihin, hindi yan niya bibilhin ang mais at palay sa presyong ikalulugin ng mga magsasaka
01:22kahit pa magbura ito sa mga pamilihan.
01:25Hindi magbabago ang buying price ng palay ng NFA.
01:29Hindi namin ibababa ang buying price.
01:32Hindi lang naman sa ang support na nabibigay natin,
01:34hindi lamang dun sa palay buying,
01:37kung hindi, sa iba't ibang inputs.
01:40Kasama sa mandato ng NFA ang pagbili ng palay mula sa mga magsasaka
01:44para may buffer stock ang pamahalaan na maaaring gamitin sa emergency situations
01:48kabilang ang food emergencies kung edeklara ito.
01:52Ang pag-asa ay maisama na rin ang mais sa mandatong yan.
01:55Sa ngayon, mas mahal ang bilhin ng NFA sa palay kumpara sa umiiral na farm gate price
02:00na ayon sa Philippine Statistics Authority ay pababa mula Enero
02:04at mas mababa rin kumpara sa parehong panahon noong 2024.
02:08Kung mais ang pag-uusapan naman,
02:11mas mahal ang farm gate price itong unang bahagi ng taon
02:14kumpara sa huling quarter ng 2024.
02:16Pero tingin ng Sinag o sa mga industriya na agrikultura,
02:19hindi sapat ang dami ng binibili ng NFA na buffer lang kung may emergency.
02:24Hindi makakatulong to support our farmers yung binibili ng NFA
02:30dahil wala pang 2%.
02:33Ibig sabihin, yung 98% ng harvest or this cropping season up to December,
02:42hindi makakatulong yung NFA.
02:44So kung isatalo pa yung corn, tapos ang budget,
02:48e ganun pa rin, wala rin puwenda.
02:51Dapat daw dagdagan ang pondo ng NFA para makabili sila sa mas maraming magsasaka.
02:55Sa akin, mas maganda directly kung bumili ang farmer.
03:01Kung nagbenta ang farmers ng 10 pesos,
03:04for example, magbigay na lang ng incentive na 5 piso.
03:08Kesa yung NFA is buying at 24 pesos,
03:12pero limited na tao lang ang pabibigyan.
03:15Sabi naman ng NFA,
03:16posibleng sa susunod na taon pa simulan ng pilot implementation
03:19ang pagbili rin nila ng mais na ikakasamuna sa mga piling lugar.
03:23Mula sa Nueva Ecija para sa GMA Integrated News,
03:27Darlene Cai, nakatutok 24 oras.
Comments