Skip to playerSkip to main content
[Trigger warning: Sensitibong balita]


Sa walang saysay na pagpatay nauwi ang isang panibagong away-kalsada na na-hulicam sa Dasmariñas, Cavite. Apat na buwan lang ‘yan matapos ang serye ng mga road rage na ikinabahala noon ng Transportation Department at kinondena pa ng pangulo sa isang vlog. Batay sa imbestigasyon sa bagong insidente, away-trapiko ang ugat ng pamamaril. Patuloy na tinutugis ang gunman.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Magandang gabi po, Luzon, Visayas at Mindanao.
00:05Sa walang saisay na pagpatay na uwi,
00:09ang isang panibagong away kalsada na nahulikam sa Dasmarinas, Cavite.
00:14Apat na buwan lang yan matapos ang sere ng mga road rage
00:16na ikinabahala noon ang Transportation Department at
00:19kinonde ba na pa ng Pangulo sa isang vlog.
00:23Batay po sa investigasyon sa bagong insidente,
00:26away trafico ang ugat ng pamamaril.
00:29Patuloy na tinutugis ang gunman at nakatutok si Jomer Apresto.
00:36Umaga nitong miyerkules, makikita ang pagdaan ng dalawang sasakyan na yan
00:41sa Abansantos Avenue sa barangay Salitran 3, Dasmarinas, Cavite.
00:45Pareho silang huminto.
00:47Nagbukas ng bintana ang driver ng pulang kotse
00:49at sabay ulit silang dahan-dahang umandar.
00:53Pero ilang saglit lang, humarurot na ang pulang kotse
00:57at naiwan na ang puting pickup na minamaneho
01:00ng 54 anyos na si Mayo Junel Santos na empleyado ng Meralco.
01:05Sa kuhang ito, makikita na si Santos na duguan.
01:09Pinagbabaril pala siya ng driver ng pulang kotse.
01:12Ayon sa isang saksi,
01:13nagulat na lang sila ng makarinig na mga putok ng baril.
01:16May dalawang putok na magkasunod,
01:19tapos yung ugong ng sasakyang na humarurot,
01:23mabilis lang.
01:24Sinubukan pang isugod sa ospital si Santos,
01:26pero hindi na rin siya umabot ng buhay.
01:29Ayon naman sa katrabaho ng biktima,
01:31walang nakakaaway sa kanila si Santos.
01:33Kagagaling lang din raw nito sa kanilang opisina sa Dasmarinas
01:36at papunta sana siya ng Ortigas nang mangyari ang pamamaril.
01:40Nagpaalam na rin daw siya sa mga gwardya doon
01:42dahil magre-retiro na sana siya sa katapusan ng buwan.
01:4635 pa siya eh na magre-retiro.
01:50Ay wala, napakabayit no.
01:52Sabi naman ang malapit na kaibigan ng biktima,
01:55halos kalalabas lang ni Santos ng ospital
01:57at kababalik lang niya sa trabaho.
01:59Wala raw siyang alam na nakakaaway ng kanyang kaibigan
02:02dahil wala naman itong bad record
02:04lalo na sa kanilang barangay.
02:06Wala talaga.
02:07Talagang totoo, hindi siya mahilig makipagaaway.
02:10Napakabayit na tao talaga.
02:12Ayon naman sa polis siya,
02:13away-trapiko ang nakikita nilang pangunahing motibo sa pamamaril.
02:17Ito po ay isang incidente po ng road rage po.
02:22Ayon po ay base po doon sa mga saksi po doon sa mga bystander po
02:28doon sa lugar ng pinangyarihan.
02:31Pero hindi pa malinaw kung saan bahagi ng kalsada
02:33unang nagkagirian ng dalawa
02:35at kung ano ang dahilan nito.
02:37Kinundin na naman ang Meralco
02:38ang pagkamatay ng kanilang empleyado
02:40at nagpabot ng paikiramay sa pamilya ni Santos.
02:43Nakikipagugnay na rin daw sila sa mga kaanak ng biktima
02:46para magbigay ng tulong.
02:47Nakikisa rin umano ang Meralco
02:49sa investigasyon ng otoridad
02:50at sa paghahanap sa motoristang namaril.
02:53Patuloy naman ang backtracking at follow-up operation
02:55ng otoridad para mahuli ang gunman.
02:57Nakipagugnay na rin daw sila sa Land Transportation Office o LTO
03:00para matrace ang pulang kotse na ginamit sa krimen.
03:04Para sa GMA Integrated News,
03:07Jomer Apresto nakatutok 24 oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended