- 6 months ago
- #gmaintegratednews
- #gmanetwork
- #kapusostream
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
đź—ž
NewsTranscript
00:00Ai,ere!
00:04Nagkasalpukan ng pampasaherong barko at fishing vessel na iyan sa dagat malapit sa Lusena Port, sa lalawigan ng Quezon.
00:11Batay sa investigasyon ng Philippine Ports Authority, may pagkakamali ang fishing vessel na galing sa Tayabas, Quezon
00:17dahil sinalubong nito ang barkong palabas mula sa Lusena Port.
00:21Ayon sa Philippine Coast Guard, wala namang naitalang nasaktan sa insidente.
00:25Hindi rin daw nagka-oil spill.
00:27Inilipat sa ibang barko ang mga pasahero at natuloy rin sa kanilang biyahe pa marinduke.
00:32Nagkaareglo na rin ang mga may-ari ng magkabanggaang barko at fishing vessel.
00:42Patay ang 6 na sakay ng isang ferry na papuntang Bali sa Indonesia matapos itong lumubog.
00:48Ayon sa National Search and Rescue Agency, 65 tao ang sakay ng barko.
00:53Lahat sila Indonesian.
00:5420 siyam ang naisalba habang 30 ang nawawala pa.
00:58May sakay rin 22 sasakyan ang barko.
01:01Sinus pindi kagabi ang search and rescue operations pero ipagpapatuloy tumuli ngayong araw.
01:08Tutulong na rin daw ang polisya at militar sa paghahanap.
01:13International Criminal Court is now in session.
01:17Rodrigo Roa Lutero.
01:24Nagpasa ng ikalabing isang batch ng mga ebidensya ang prosecution team ng International Criminal Court sa defense team ni dating Pangulong Rodrigo Duterte para sa kaso niyang Crimes Against Humanity.
01:36Batay sa dokumentong may pet siyang July 1, 1,062 panibagong ebidensya ito.
01:42Kabilang sa mga ebidensya, ang may kinalaman sa pagpatay ng Davao Death Squad noong termino ni Rodrigo Duterte bilang alkalde ng Davao City.
01:50May mga bagong ebidensya rin tungkol sa mga naging pagpatay sa Barangay Crimes Operations noon namang presidente na si Duterte.
01:57Kasama rin sa huling itinasa ng prosecution ang contextual elements at background information sa kaso.
02:04Samantala, tinanggihan ng ICC ang petisyon ng kampo ni Duterte na i-disqualify ang dalawang judge sa kanyang kaso.
02:10Inihain ng kampo ni Duterte ang petisyon dahil kabilang sina Judge Wayne Adelaide Sophie, Alatini Ganzo at Judge Maria del Socorro Flores Leira sa mga nagpahintulot ng imbistigasyon ng ICC sa Pilipinas.
02:23Sila rin ang mga hukom sa pre-trial chamber 1 sa kaso ngayon ni Duterte.
02:28Batay sa desisyon, hindi nakita ng bias o impartiality ng ICC plenarist si Nalera at Alatini Ganzo.
02:35Malili na ang petisyon ng depensa at posibili raw itong magdulot ng delay sa kaso.
02:39Sa September 23, nakatakadang isagawa ang confirmation of charges hearing sa kaso ni Duterte.
02:45Binigang diin ang U.S. Embassy at Department of Foreign Affairs ang kahalagahan ng Subic-Clark Manila Batangas Railway Project.
02:54Layon daw nitong makalikha ng maraming trabaho at makatulong sa ekonomiya ng Pilipinas.
02:59Balit ang hatid ni J.P. Soriano.
03:01Sa 2025 Independence Day celebration na inorganisa ng Embahada ng Amerika sa Pilipinas,
03:11formal na inanunsyo ni U.S. Ambassador to the Philippines, Mary Kay Carlson,
03:15ang tulong pinansyal mula Amerika para maumpisahan na ang Subic-Clark Manila Batangas o SCMB Railway Project.
03:23Last week in Washington, we announced funding for a major freight rail line linking Subic-Clark Manila and Batangas
03:31under the Luzon Economic Corridor Initiative, creating jobs and driving innovation in both of our countries.
03:41Matatanda ang unang iminungkahi ang pagbabalik ng SCMB Project noong nakaraang administrasyon,
03:47pero hindi umusad ang negosyasyon kasama ang China.
03:50Ayon kay Foreign Affairs Secretary Teresa Lazaro, magkakaroon ng malaking epekto sa pag-unlad ng ekonomiya at ng bansa,
03:58ang SCMB Project.
04:00Which is designed to link the three major ports in Luzon and decongest traffic in the port of Manila.
04:08This flurry of activities are a testament to the strength and depth of the relations.
04:14Sa pagbisita ni U.S. Defense Secretary Pete Hegset sa bansa nitong Marso,
04:18isa sa mga ipinangako ng Amerika sa Pilipinas ay daragdagan parao ni U.S. President Donald Trump ang tulong
04:25para mapalakas pa ang defense capabilities ng Pilipinas.
04:30Iminungkahi ngayon ang ilang mambabatas sa Amerika ang pagsusulong ng pagbuo ng isang joint ammunition manufacturing factory
04:38at storage facility sa Subic na isang dating U.S. naval base.
04:43Wala pang bagong pahayag kaugnay sa mungkahing ito si Defense Secretary Gilbert Teodoro
04:47na isa rin sa mga bisita ng U.S. Embassy sa 2025 Independence Day Celebration.
04:53Pero nauna nang sinabi ni Teodoro na bagaman wala pa silang formal na abisong natatanggap mula sa Amerika.
05:00Welcome development daw ito dahil tiyak na makikinabang dito ang sandatahang lakas ng Pilipinas.
05:06Present din sa pag-tipo ng U.S. Embassy ang mga ambasador ng bansang kaalyado ng Pilipinas
05:12at tinatawag ngayon na grupong Quad na kinabibilangan ng U.S., Australia, India at Japan.
05:20Ang Department of Foreign Affairs nagpasalamat sa mga bansang kabilang sa Quad
05:24sa pagtugo nito sa mga nararanasang harassment ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
05:29We are more than friends, partners, and allies. We are family.
05:35As we mark Independence Day, we renew our commitment to our shared ideals.
05:40Ang 2025 Independence Day Celebration,
05:43dinaluhan ng mga matataas na opisyal ng gobyerno at ilang personalidad.
05:47Present din na mga kinatawa ng Philippine media,
05:50gaya ni na Senior Vice President and Head of GMA Integrated News, Regional TV and Synergy,
05:55Oliver Victor B. Amoroso, at Assistant Vice President and Deputy Head of GMA Integrated News Operations,
06:02Reina Ann S. Dimapawi.
06:05JP Soriano, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
06:11Nagluloksa ang mundo ng showbiz sa pagpanaw ng veteran entertainment columnist
06:16at talent manager host na si Lolit Solis.
06:20Balikan natin ang naging buhay ng nag-iisang manay ng Philippine show business
06:24sa report na ito.
06:36Kilala sa nakatutuwang paraan ng pagpapasalamat at pagbati
06:40at tapang sa pagkatanggol sa mga hinawakang artista.
06:48Yan ang entertainment columnist, manager at host na si Lolita Solis.
06:52Mas nakilala sa palayaw ng Lolit.
06:55Nagtapos siya ng kursong mass communication sa University of the Philippines.
07:00Nagsimula ang karera ni Lolit bilang police beat reporter noong 1970s.
07:061980s, pinasok niya ang mundo ng show business at naging talent manager.
07:11At sa paglipas ng panahon, ilang malalaking artista ang kanyang hinawakan.
07:15Kabilang sinadating senador Bong Revilla, Congresswoman Lani Mercado, Gabby Concepcion,
07:21Ami Austria, Tonton Gutierrez, Glide Del Mercado at Paulo Contis.
07:271995 na maging host siya ng kapuso showbiz talk show na StarTalk,
07:32kung saan tumatak ang pabati segment niya.
07:352016 naman nang maging host siya ng kapuso feature show na Celebrity TV.
07:44Naging miyembro rin siya ng council ng Starstruck Season 5
07:47at naging segment host ng Starpock Estorbo sa AA sa BB ng Super Radio Dizzy BB.
07:55Sa paglipas ng mga taon, humarap din si Manay Lolit sa ilang pagsubok sa kalusugan.
08:00Sa kabila nito, patuloy pa rin ang kanyang pagiging magiliw sa social media.
08:06Ngunit gaya ng ibang bituin, lumamlam din ang liwanag ni Manay Lolit.
08:11Ngayong araw, kinumpirma ng kanyang anak na si Sneezy na pumanaw ang kanyang ina sa edad na 78.
08:19Naka-heart attack ang kanyang ina at namatay sa ospital.
08:22Bumuhos ang pakikiramay sa mga naulila ni Lolit.
08:26Sa kanyang huling IG post, pinasalamatan ni Nay Lolit ang mga doktor na tumulong sa kanya.
08:33Aubrey Carampel, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
08:40Sa susunod na taon na, sisimulan ng EDSA Rehabilitation.
08:44Inanunsyo yan ang DPWH matapos ang isang buwang palugit ni Pangulong Bongbong Marcos
08:48para pag-aralang muli ang rehabilitasyon.
08:50June 1 ang suspindi ng proyekto dahil matagal at sagabal sa publiko
08:54ang dalawang taong tansya batay sa unang plano.
08:58Kakailangan rin ding ipatupad ang inanunsyo noong odd event scheme sa EDSA
09:01para mabawasan ang volume ng sasakyan.
09:04Isusumitin ang DPWH sa Pangulo ang kanilang rekomendasyon
09:07oras na maisipin nalala ang teknolohiyang gagamitin.
09:11Tuloy rin ang plano ng Department of Transportation na pagdagdag ng bus sa EDSA busway
09:15at pag-aaralan ng pagpapaaga sa operasyon ng MRT.
09:19Ito ang GMA Regional TV News.
09:26Arestado ang siyam na Chinese nationals na pinaniniwala ang sangkot sa Scam Hub
09:31sa isang subdivision sa mandawi dito sa Cebu.
09:34Bago ikasang operasyon, isang babae ang humingi ng tulong
09:38dahil hindi umano siya pinapayagang makalabas ng mga banyaga.
09:42Pinipilit umano siya at ang kanyang mga kasamahan na magtrabaho sa mga Chinese.
09:47Tumambad sa operasyon ang iba't ibang kagamitan kabilang ang mga cellphone, tablet at computers.
09:53Walang pahayag ang mga banyaga.
09:55Lima sa kanila ang dinala sa ospital matapos tumalon mula sa second floor ng gusali.
10:01Nakikipagugnayan na sa Bureau of Immigration ang CIDG
10:04para sa background check ng mga Chinese national.
10:06Inaalam din ng CIDG kung konektado ang gumanoy Scam Hub
10:11sa naunang nadeskubring Scam Hub sa Cebu City at isa pa sa mandawi.
10:20Arestado naman ang tatlong nalaki sa Mangaldan, Pangasinan
10:23matapos maaktuhang sinachap-chap ang isang taksi.
10:26Puwento naman ang ari ng sasakyan,
10:28kinuha ng bago nilang driver ang taksi sa kanilang bahay sa Kaluoka noong Sabado.
10:32Mula linggo hanggang lunes, hindi na raw makontak ng mag-asawa ang bagong driver
10:37tapos nadiskubre nilang inalis ang GPS ng taksi.
10:41Sa tulong ng kanilang installer at pulisya,
10:44natunto nilang taksi sa isang bentahan ng spare parts
10:47o katayan ng mga sasakyan sa barangay na Balwan sa Mangaldan.
10:52Nasa ang panan ng kaukulang reklamo ang mga sospek
10:54na tumangging humarap sa kamera at magbigay ng pahayag.
10:57Patuli naman ang imbesigasyon ng pulisya.
11:02Mga mare, reunited ang ilang ex-PBB housemates sa outside world.
11:13Sa Instagram post ni Mom Clarice de Guzman,
11:16kasama niya ang ilang ex-housemates.
11:18Kabilang dyan ang latest evictees na si Dustin Yu at Bianca De Vera.
11:23Bago niyan, may IG story rin ang isa pang ex-PBB housemate na si Josh Ford
11:27habang nasa isang restaurant kasama ang iba pang housemates.
11:31Say niya, hindi na munggo ang kanilang ulam.
11:36And speaking of PBB, sumabak ang Big Four duo sa unang bahagi
11:41ng One Million Votes Challenge.
11:44Nanguna riyan ang Breka o ang duo ni na Brent Manalo at Mika Salamangka.
11:48May natanggap silang 200,000 votes.
11:51Mga kapuso, tuloy pa rin ang unlimited voting para sa gusto niyong maging big winners
11:55sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
11:58Abangan mamaya ang second part ng One Million Votes Challenge,
12:039.35pm sa GMA Prime.
12:05Bukas naman, Sabado, mangyayari na ang Big Night.
12:109.15pm yan sa GMA.
12:12Update po tayo sa pagpunta ng mga kaanak ng ilang nawawalang sabongero sa DOJ
12:18sa ulat on the spot ni Chino Gaston.
12:21Chino?
12:25Rafi, nakikipag-usap ang ilang mga kaanak ng mga nawawalang sabongero
12:29dito sa mga kawani ng kagawaran ng Department of Justice.
12:35At maya-maya lamang ay inaasang haharap nga sa mga tauhan ng media.
12:40Hindi na raw ikinagulat ng mga kaanak ng mga nawawalang sabongero
12:43ang mga binitawang salita ni Julie Patidongan
12:46na nagdidiin sa negosyanteng si Atong Ang
12:49pati ang dating aktres o ang showbiz personality na si Gretchen Barreto.
12:54Ano man ang resulta ng kaso,
12:55ang importante raw ay makamit ang hustisya para sa kanilang mga mahal sa buhay.
12:59Ikinatuwa raw nila ang mga naging rebalasyon ni Patidongan
13:04dahil matagal na rin naman silang naniniwala na may kinalaman si Ang
13:08sa misteryosong pagkawalan ng 34 mga sabongero.
13:12Nagtungo sila sa Department of Justice para daw pasalamatan
13:15si Sekretary Crispin Rimulya pati na ang mga opisyal na tumulong
13:19at walang pagod na tumutok sa kaso.
13:22Sa ngayon ay kakalabas lamang ng mga ni Sekretary Crispin Rimulya
13:30at nagbibigay ngayon ng pahayag dito sa mga personalidad ng media
13:35na nagbabantay dito sa labas ng Department of Justice.
13:39At yan ang latest mula rito sa Lunsod na Maynila.
13:41Balik sa niyo, Rafi.
13:42Maraming salamat, Chino Gaston.
13:44Maraming salamat, Chino.
Be the first to comment