State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.
00:00Naging horror ride ang isang atraksyon sa peryahan sa San Jacinto, Pangasinan.
00:12Nadiskaril ito at bumigay ilang sandali matapos paanda rin.
00:16Labing dalawa sa tatlongpong sakay ang sugatan kabilang ang ilang minordiedad.
00:21Sinuspindi muna ang operasyon ng peryahan habang nagpapatuloy ang investigasyon.
00:25Dakihati sa linya ng mga pribadong sasakyan ng mga bus sa EDSA Carousel matapos isara ang ilang bahagi ng kanilang linya dahil sa EDSA Rehab.
00:36Mula sa Pasay City, may live report si Jamie Santos.
00:40Jamie?
00:46Atong Paskong Pasko pero tuloy ang trabaho para sa pagsasayos ng EDSA.
00:51Kaya naman kahit marami ang nakabakasyon, nakaranas ng mabigat na daloy ng trapiko sa EDSA.
01:02Gaya ng nakaschedule kahit gabi na at Pasko pa, puspusan ang pagkukumpuni sa bahagi ng EDSA Pasay, Corner Rojas Boulevard.
01:10Binabakbak ang bahagi ng kalsada dahil re-blocking ang gagawin.
01:14Ibig sabihin papalitan ng bago ang semento.
01:17Isinara ang bahagi ng kalsada maging ang Bus Carousel Lane.
01:21Kaya naman nagiging mabagal ang usad ng mga sasakyan.
01:25Pasado alas 4 ng hapon, bumagal din ang daloy ng trapiko sa bahagi ng southbound ng EDSA sa Guadalupe.
01:32May mga inilagay ng signages na nagbababala sa mga motorista tungkol sa pagsisimula ng pagsasara ng ilang bahagi ng kalsada.
01:40Umabot hanggang buwendiya ang traffic sa southbound lane.
01:43Sa northbound naman ang EDSA, nakaranas ng mabigat na daloy ng trapiko ang mga galing o dumaan sa Ayala Flyover.
01:52Pagbaba kasi rito, sasalubong ang mga gumagawa ng asfalto sa naturang bahagi ng kalsada.
01:57Nakadagdag pa sa pagsisikip ng daloy ng trapiko, ang mga nakaparadang truck at sasakyan ng mga taongan na nagsasagawa ng roadworks.
02:04Inaaspalto ang north at southbound lane ng EDSA bus carousel sa bahagi ng EDSA Orense.
02:13Dahil dito, nakihati muna sa ibang lane ang mga bus ng EDSA carousel.
02:18Medyo delay ng konti.
02:19Yung kita din naapektuhan din kasi sobrang bagal.
02:23Paliwanag ng transportation department, ngayong araw lang yan at balik dedicated lane ang mga bus bukas.
02:29Sa Taft Avenue sa Pasay, dalawang lanes ang hinarangan para sa gagawin namang re-blocking.
02:45Tuko din ang traffic kanina sa Rojas Boulevard na bahagi rin ang phase 1 ng EDSA rehab.
02:50Inilabas na rin ang DPWH ang schedule ng pagsasayos sa iba pang bahagi ng EDSA.
02:56May re-blocking o pagbubungkal ng mga lanes sa southbound lane mula Taft Avenue hanggang Ayala underpass exit.
03:04Gayun din sa northbound mula Rojas Boulevard hanggang EDSA Orense.
03:09May mga asphalt overlaying naman sa tramo hanggang Ayala underpass sa northbound lane.
03:14Pati sa Luring Street hanggang Ayala underpass sa southbound lane.
03:18Magdamaga ng unang bugso ng EDSA rehab hanggang sa January 5.
03:23Pero simula January 5 hanggang May 31, 2026, nakaschedule na lang ang paggawa mula alas 11 ng gabi hanggang alas 4 ng madaling araw.
03:32Atom, pinapayuhan ng DPWH ang mga motorist na kung maaari gumamit ng alternatibong rito para makaiwas ka sa posibleng pagsisikip ng daloy ng trapiko at magingat sa kanila mga biyaheng ngayong Kapaskuhan.
03:49Maligayang Pasko Atom at sa ating mga kapuso.
03:52At yan ang latest mula rito sa EDSA Pasay. Balik sa'yo Atom.
03:55Merry Christmas at maraming salamat, Jamie Santos.
03:59Isang linggo, bago pa, magbagong taon, pero may mga nasugatan na lapnos ang balat at natanggalan pa ng kuko dahil sa paputok.
04:08Sa tagig, isang rider ang muntik namang madali ng whistle bomb na sinindihan sa gitna mismo ng kalsada.
04:14May report si Jonathan Andal.
04:15Mag-aalauna ng madaling araw kanina nang sindihan ng isang whistle bomb sa gitna ng kalsada sa barangay Hagonay sa tagig.
04:26Tsempong dumaan ng isang motorsiklo.
04:28Buti na lang hindi na dali ang rider na tuloy-tuloy nakaraan.
04:32Ang nagsindi ng whistle bomb na tuntun na ng pulisya.
04:35Nag-sorry na siya.
04:36Pero titikitan pa rin dahil sa paglabag sa ordinansang naglalaan ng designated firecrackers and fireworks area.
04:41May multayang 5,000 piso at pwedeng may kasamang kulong na aabot ng 6 na buwan.
04:53Sa Tondo, Maynila naman, kaliwat kanan din ang pagpapaputok sa kalsada ng ilang kabataan sa pagsalubong sa Pasko.
04:59Yung mga kabataan kasi dito, matitigas yung ulo.
05:03Kahit pagsabiham mo sila na bawal magpuputok.
05:05Delikado lang po, pwede po magkasunog.
05:07Bawal din sa Maynila ang pagpapaputok kung saan saan.
05:10Kung may mga masuswerting hindi na pupuruhan,
05:13meron na ang isinugod sa ospital matapos mapatokan sa mga dalire.
05:17Ang 13-anyos na binatang ito, napulot daw ang iligal na paputok na plapla sa kasinindihan.
05:22Anong leksyon ang natutunan mo dyan?
05:27Dalawang bata naman ang nadali ng paputok sa Baguio City.
05:30Ang isa nalapnos ang kamay sa hindi patukoy na klase ng paputok.
05:33Habang ang isa, natanggalan ang dalawang kuko nang maputokan ng iligal na five star
05:38na ipinahawak lang daw sa kanya ng mga kaibigan.
05:40Sa Negros Island, isang 14-anyos ang napaso ang ulo.
06:07Dahil sa sumabog na boga, may sampung taong gulang namang naputokan ng triangle.
06:13Sa dato sa Department of Health, may 28 fireworks-related injuries na mula noong December 21.
06:18Higit sa kalahati rito, 19-anyos pababa.
06:20Pinakamarami rawan nasaktan sa five star, boga at triangulo.
06:24Naka-code white na tayo.
06:25Ibig sabihin, naka-alerto.
06:26Nakahanda na yung mga tools.
06:28Reminder na itong malaking ragaring ito, itong malaking martilong ito,
06:33kapag matigas ang ulo, yan ang sumasalubong sa nasasabogan.
06:37Sa Jose Reyes Memorial Medical Center,
06:40inihanda na ang lagaring ginagamit pamputol,
06:42mga stainless steel pins na pandurog,
06:45at ang orthopedic handset na ginagamit sa pag-oopera ng buto.
06:49Sa kabila ng panganib sa paggamit ng mga paputok,
06:52malakas pa rin ang bentahan sa fireworks capital of the Philippines ang Bokawe Bulacan.
06:56Kahit pa doble na ang presyo ng mga ito kumpara noong nakaraang taon.
06:59Dati, kahit maka-5,000 akat, dalawa sako na yun.
07:02Ngayon, eto nalang, kakaunti na lang.
07:05Nasa 10K na rin.
07:06Pwede pwede ito ma, sir.
07:08Mababa na yung supply natin, sir.
07:10Naubos na yung mga nakuha ng nakaraang.
07:12Sabi ng mga nagtitinda,
07:13naka-apekto ang sunod-sunod na bagyo,
07:15kaya hindi nakagawa ng maraming paputok ang mga manufacturer.
07:18Tumaas din daw ang presyo ng kemikal na gamit nila.
07:20Kinakalampag naman ang Philippine Pyrotechnic Manufacturers and Dealers Association,
07:24Inc. ang gobyerno para masawata ang mga hindi lisensyadong nagtitinda ng paputok
07:29na malaking bantaraw sa kanilang siguridad.
07:32Yung Divisoria area, I don't know if they have licenses to sell.
07:37So, yun, apektado rin po kami doon.
07:40Kasi imbes na pupunta dito sa mga legit na may physical stores,
07:45some would go there.
07:47Eh, wala naman pong mga lisensya.
07:49Kasama sa mga bawal na paputok,
07:51ang Watusi, Papa, Plapla, Piccolo, Five Star at ang bagong Dart Bomb
07:56na kapag bumagsak, sumasabog agad.
07:59Nabistadong itinitinda na rin online.
08:02Ang pagbibenta po online ay may ipinagbabawal.
08:05Ang magiging penalty po nito ay nasa 30,000 na multa
08:09hanggang isang taong pagkakakulong po.
08:12Jonathan Andal nagbabalita para sa GMA Integrated News.
08:16Diretso sa pamamili ng laruan ng ilang chikiting
08:19na nakatanggap ng Aguinaldo ngayong Pasko
08:21habang ang ilang pamilya sa mga park
08:24o kaya'y theme park, nagpasko.
08:26Live mula sa Maynila,
08:27periport si Von Aquino.
08:29Von!
08:32Atom, sinulit na ng ating mga kababayan
08:35ang pagbabanding kasama ang pamilya
08:36sa iba't ibang pasyalan dito sa Maynila ngayong Pasko.
08:39Tapos, makakuha ng Aguinaldo sa mga Ninong, Ninang, Tito at Tita.
08:49Sugod na agad ang mga bata sa mga tindahan ng laruan
08:52sa mall na ito sa Divisorya, Maynila.
08:54Yung mga pag nirigalo sa kanya na pera,
08:57binili lang ng laruan.
08:58Bilin laruan po.
09:01Tapos yung binabili mo ng laruan,
09:03kanino galing?
09:04Sininang po namin at dito.
09:08Sino may birthday kapag Christmas?
09:10Si Jesus.
09:12Kinaaliwan naman ang mga mascots
09:14sa Pasig River Esplanade sa Maynila.
09:16Enjoy sa view at food trip ang ilan.
09:19Maganda naman po kasi ano,
09:22parang frisco siya.
09:24Masarap po lahat.
09:25Masasarap po lahat ang pagkain dito sulit.
09:28Napuno naman ang mga namamasyal ang Rizal Park.
Be the first to comment