00:00Balita naman po mula sa Nigeria.
00:0211 Pinoy ang nakakulong doon ngayon.
00:05Ayon sa Economic and Financial Crimes Commission ng Nigeria,
00:09naghahin ng guilty plea sa Korte ang mga naturang Pinoy para sa cyberterrorism at internet fraud charges.
00:15Kasama rin nilang ikinulong ang dalawang Chinese, isang Malaysian at isang Indonesian.
00:21Ayon sa tagapagsalita ng EFCC,
00:24sangkot ang mga ikinulong sa recruitment ng mga kabataang Nigerian para sa identity theft
00:30at pagtapanggap bilang foreign nationals.
00:34Sinintensyan sila ng isang taong pagkakulong at muntang pig 1 million Nigerian Naira
00:39o mahigit 35,000 pesos.
00:42Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs ang pagkakulong ng mga naturang Pinoy.
00:46Pinututukan na raw ito ng Embahada ng Pilipinas
00:48at pibigyan ng legal assistance ang mga apektadong Pilipino.
00:54Kainwestiyon ni outgoing Senate Minority Leader Coco Pimentel
01:03ang pag-usog sa schedule ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
01:08Ang isa naman sa mga kaalyado ang Senator-elect ng vice
01:10na niniwalang hindi siya mapapatalsik sa pwesto.
01:14Balitang hatid ni Mav Gonzalez.
01:18Hindi pa man nagsisimula ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte
01:22naghamon ang mga kaalyado niyang uupo bilang Senator Judge
01:26na kasama rin niya ngayon sa The Hague.
01:28Lintik lang ang walang ganti.
01:30Pumanda sila.
01:32Ayaw niyong tumigil, purbahan natin.
01:36They will not be able to remove the Vice President.
01:40Itaga mo sa batuyan, itaga niyo sa batuyan.
01:43Walang mangyayari.
01:46The Vice President will stay as Vice President.
01:49Sabi ni Presidential Sister Senator Amy Marcos,
01:52masaya siyang nausog ang kalendaryo ng impeachment
01:54dahil marami pang panukalang batas na dapat ipasa
01:57bago matapos ang 19th Congress.
02:00Mula June 2 sa June 11 na ang presentation ng impeachment charges,
02:04pag-convene ng impeachment court,
02:06at panunumpa ng Senator Judges.
02:08Para sa akin, yun ang importante makatulong sa tao
02:11at tigilan na ang pangunguna ng pampolitikang impeachment na yan.
02:16Pero sa kabilang banda, bakit inuurong nang inuurong yung impeachment?
02:22Tanggapin ninyo, talo na ang impeachment.
02:25Yun lang yun.
02:26Kahit ngayon, kahit sa Hulyo pa, talo na.
02:30Dismayado naman si outgoing Senate Minority Leader Coco Pimentel
02:34na binago ni Senate President Cheese Escudero ang impeachment calendar.
02:38Noong February 2025,
02:41nagpalabas na ng impeachment calendar si SP.
02:45Ay, di ba dinibati natin dati yun na fourth week?
02:49Dapat nga, hindi mo na hinihintay ang June 2.
02:51Pero siya na ang nasunod kasi lumipas na yung panahon.
02:55Dagdag ni Atty. Domingo Cayosa,
02:57tina dinidribol ng Senado ang impeachment ni VP Sara.
03:00Even if you look at the rules of the Senate itself,
03:04malinaw naman na pag may impeachment,
03:06it takes precedence over the ordinary legislative work.
03:11After pinangakuha niya ang taong bayan,
03:15nung nagpo-complain na bakit dinidribol niya ito,
03:17pinapatagal niyo, dapat ito sa lalong madaling panahon,
03:21ayon sa Constitution.
03:22Mahalaga raw na marinig ang magkabilang kampo,
03:25lalo't mabibigat ang paratang laban sa vice.
03:28Sana raw, hindi na umabot pa sa puntong makialam ang Korte Suprema.
03:31Kahit we will say merong impeachment,
03:34at kung madi-delay na naman yung prosesos,
03:36it's not fair to the accused,
03:38it's not fair to the prosecutors,
03:41it is not fair to the Filipino people.
03:43Bukod sa isyo ng schedule,
03:45sabi ni dating Senate President Tito Soto,
03:47kailangan ding linawi ng Senado
03:49kung paano ang gagawin sa mga re-electionist.
03:51Manunumpa na kasi sila bilang Senator Judge sa June 11,
03:55pero magtatapos ang termino nila sa June 30.
03:57Si Pia Cayetano, member siya ngayon.
04:01May re-election siya.
04:03Okay.
04:03Nasabihin niya, continuing ba siya?
04:05Hindi.
04:06June 13, tatapos yung term niya.
04:08June 13 ng alas 12 na tanghali,
04:10bagong Senador ulit siya.
04:12Oo, ang daming questions nga.
04:14Oo, yun ang ano nun eh.
04:16Yung ang sitwasyon nun.
04:17Kaya justice civil talaga.
04:18Hindi pwedeng sabihin na,
04:19hindi, ano yan eh,
04:21incumbent niya niya.
04:22Oo, hanggang June 13, incumbent.
04:24Oo, okay.
04:25July 1, bagong Senador ulit siya,
04:27bagong term ulit siya.
04:28Pero convening, July 28 pa.
04:30Ang continuing yung labindalawang 2028 pa natapos.
04:35Hinihingan pa namin ng tugon si Senate President Escudero.
04:38Mav Gonzalez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
04:47Mga kapuso, paalala pong muli,
04:49huwag hong babaliwalain ang rabies
04:51dahil ito po ay nakamamatay.
04:53Ang mga gusto ng babakuna kontra rabies
04:55dagsasa San Lazaro Hospital sa Maynila
04:58ngayon pong lunes ng umaga.
05:00Paalala ng pamunuan ng ospital,
05:02meron ding libleng rabies vaccine
05:04sa mga local government unit.
05:06Dapat daw taasan na mga LGU
05:08ang dami na mga nababakunahan kada araw.
05:11Dapat din daw makontrol na mga LGU
05:13ang populasyon na mga pagalagalang aso at pusa
05:17at bakunahan ang mga ito.
05:19Sa tala ng Department of Health,
05:21mahigit apat na raan ang naitalang kaso
05:23ng rabies noong 2024.
05:2597% na mga kasong yan ay dulot
05:28ng hindi bakunadong hayo.
05:31100% ang fatality rate
05:33o lahat ng pasyente ay namatay.
05:3655 naman ang naitalang kaso ng rabies
05:38mula January hanggang March 1
05:41ngayon pong 2025.
05:43Kung kayo po ay nakagat o nakalmot,
05:45hugasan agad ang sugat sa dumadaloy na tubig
05:48sa loob ng 10 minuto.
05:50Linisan ito ng alkohol o povidon iodine
05:54at pumunta agad sa Animal Bites Center at hospital
05:58para matingnan po kayo ng doktor
06:01at kayo ho ay mabakunahan.
06:03Mahalagang kumpletuhin ninyo rin
06:05ang susunod pang doses ng rabies vaccine
06:08para mas maging epektibo ito.
06:13Nagbabala ang Department of Health
06:14sa pagkalat ng mga peking balita
06:16o impormasyon kaugnay ng mga bagong kaso
06:18ng monkeypox o mpox sa bansa.
06:21Itong weekend,
06:21inilunsad naman ang ahensya
06:22ang kampanya kontra Yossi at Vape.
06:25Narito po ang aking report.
06:30Inilunsad ng Department of Health
06:31ang kampanya kontra paninigarilyo
06:33at paggamit ng Vape.
06:34Dito, pinakilala ang mga maskot ng kampanya
06:36si Nayo si Kadiri,
06:38Atheros Eva Lee
06:39at si Vape Sulasok.
06:41Si Eva Lee
06:43at si Vape Sulasok
06:46at si Atherosclerosis.
06:49So, pinapakita nito yung mga sakit
06:52na makukuha sa vaping.
06:54Yung Atheros,
06:55yun yung Atherosclerosis.
06:57Yung Eva Lee,
06:59E-Valley or
07:00E-Cigarette and Vape
07:03Associated Lung Injury.
07:06Mas marami pang chemicals yung vape.
07:09So, very dangerous talaga
07:10na lululon yung mga kabataan sa vaping.
07:14So, yun yung mensahe namin.
07:15Sana talagang masunod yung batas
07:17pag below 18,
07:19hindi magwe-vape.
07:20Humingi rin ng media ng update
07:22tungkol sa mga kaso ng MPOC sa bansa.
07:24Kabila ang tungkol sa mga viral video
07:26na nagsasabing magsuot ng face mask
07:28para maiwasan ang pagkalat ng MPOCs.
07:31Naku, yan ang problema sa ating social media.
07:34Ang daming misinformation.
07:36Kahit nakamask ka,
07:37kung may skin-to-skin contact ka,
07:39magkaka-MPOCs ka.
07:40Sa MPOCs po,
07:42walang tulong yung face mask.
07:45Taliwas sa sinabi ni Health Secretary Ted Erbosa,
07:48ilang LGU at health office na
07:49ang naunang nagrekomendang magsuot ng face mask
07:52tulad sa Davo del Sur,
07:54Cagayan de Oro at Cotabato.
07:56Gatepan ni Erbosa,
07:57hindi dapat mangamba
07:58dahil mild variant lang daw ng MPOCs
08:00ang nasa bansa ngayon.
08:02Hindi rin daw totoong tumataas
08:03ang kaso ng MPOCs sa Pilipinas.
08:05Lahat ng MPOCs na na-detect namin
08:08ay CLADE-2.
08:09Ang Public Health Emergency of International Matters
08:12ay CLADE-1B MPOCs.
08:15Wala pong ganun sa Pilipinas
08:16kahit last year.
08:18In fact,
08:19nung ni-review namin
08:20yung statistics ng MPOCs
08:22last year at this year,
08:24mas mababa po ang cases
08:25ng MPOCs.
08:26So, sa science,
08:27walang increase ng MPOCs.
08:29Nagbabala rin ng DOH
08:31laban sa mga peking Facebook posts
08:32tungkol sa lockdown
08:33bunson ng MPOCs.
08:35Sex, sorry.
08:37MPOCs ka nito.
08:37MPAX ka naman.
08:38Sir, kasi sa online,
08:44yung kumakalat na ano...
08:46Problema natin,
08:47nakikinig tayo sa online.
08:49Itong mga experts...
08:49May lockdown daw po
08:51ng June 10?
08:53Opo.
08:53Wala.
08:54Lockdown does not work
08:56for MPOCs.
08:57Joy,
08:57lockdown does not work
08:59for MPOCs.
09:00Why?
09:01Because it's skin-to-skin contact.
09:02Lalo pag nag-lockdown ka,
09:04lalong mag-skin-to-skin contact.
09:06Kapag ang umaray,
09:09ay kaming nasa mga medical community,
09:12then makinig kayo.
09:13Kung katahimik kami,
09:15ibig sabihin,
09:17wala kaming nakikitang problema.
09:20Ayon sa DOH,
09:21hindi ang kabuoang bilang ng kaso
09:22ang kanilang tinututukan.
09:25Pag tumingin ka dun sa total,
09:27ang magiging impression is
09:28parang ang dami-dami yung kaso na natin.
09:30Simula noong 2024,
09:32911 na.
09:34Tinitignan natin is on a per month basis.
09:37Yung na-detect natin
09:38is less than 50 cases per May.
09:41Nanawagan din ang DOH sa publiko
09:43na iwasan ang mga maling impormasyon
09:45tungkol sa MPOCs.
09:47Patuloy din daw ang kanilang pagbabantay
09:49at pag-iingat na hindi makapasok
09:50ang mas malumang MPOCs-Claid 1B variant
09:52sa bansa.
09:53Rafi Tima nagbabalita
09:55para sa GMA Integrated News.
10:00Ito ang GMA Regional TV News.
10:04May natagpo ang patay na babae
10:08sa isang abandonadong gusali
10:10sa San Fernando, Pampanga.
10:12Sa Embesigasyon ng Pulisya,
10:13isa't kalahating araw
10:14ng patay ang babae
10:15bago nakita ang kanyang bangkay
10:17nitong Webes, May 29,
10:20at wala raw nakikitang foul play
10:21ang pulisya.
10:23May 27 daw,
10:24nang huling makitang buhay
10:25ang babae.
10:26Inaalam pa ng pulisya
10:27ang pagkakakilala ng babae
10:29at sanhi ng kanyang pagkasawin.
10:31Muli'ng pinatunayan
10:38ni Pino-Olympian Ernest John E. G. Obiana
10:40na siya pa rin ang king
10:41of Asian pole vaulting.
10:43Nakakuha ulit ni Obiana
10:44ang ginto sa 2025
10:46Asian Athletics Championships
10:47sa Gumi, South Korea
10:49matapos siyang mak-clear
10:50ang 5.77-meter mark.
10:52Ito na ang 3-peat win ni Obiana
10:54mula na maging gold medalist
10:55sa parehong kompetisyon
10:56noong 2019 sa Dubai
10:58at 2023 sa Thailand.
11:01Sa kanyang Instagram,
11:01shinair rin ni Obiana
11:02ang isang groupie
11:03kasamang kanyang fellow winners.
11:05Silver medalist ang China
11:07at bronze medalist
11:08ang Thailand.
11:14Heartbroken.
11:15Ganyan inilarawan
11:17ni Direk Mark Reyes
11:18ang pagpanaw
11:18ni TGIS star
11:20Rodwick Red Sternberg.
11:23Sa kanyang Instagram,
11:24isinair ni Direk Mark
11:25na nakumpirma niya
11:26ang balita
11:26sa misis ni Red
11:28na si Sandy Sternberg.
11:30Mahala niya
11:30ng TGIS barkada si Red
11:32at binibigyan
11:33ang kanilang kasamahan
11:34ng isang group hug.
11:36Nagpost din
11:36sa kanyang kanilang
11:37social media pages
11:38ng mensahe
11:39ng pakikiramay
11:40ang TGIS co-stars
11:41na si Angelo De Leon
11:43at Michael Flores.
11:45Pumanaw
11:45ang 90s heartthrob
11:47na kilala sa karakter
11:48na si Kiko
11:49sa edad na 50
11:50nitong May 27.
11:52Hindi na
11:52edinitalya ni Sandy
11:53ang dahilan ng pagpanaw
11:55ng kanyang mister.
11:56Sa ngayon,
11:57umihiling muna sila
11:58ng panalangin at privacy
11:59sa panahon
12:00ng kanilang pagluluksa.
12:04Samantala,
12:05iginiit ng kampo
12:06ni Arnie Tevez Jr.
12:07na walang special treatment
12:09para sa dating congressman
12:11habang nakakulong
12:12sa NDI detention facility
12:13sa New Belibid Prison
12:14sa Muntinlupa.
12:16Sabi ng abogado niyang
12:17si Ferdinand Tupasio,
12:18may makakasama si Tevez
12:19sa detention cell,
12:20gagamit ng common toilet
12:22at ventilador.
12:23Unang sinabi ng NDI
12:24na hiniwalay muna si Tevez
12:26sa ibang detainee
12:27para masanay siya
12:28sa kulungan.
12:30Mananatini si Tevez roon
12:31hanggat walang
12:32commitment order
12:33mula sa korte.
12:34Si Tevez ay akusado
12:35sa mga kasong pagpatay
12:37sa Negros Oriental
12:38kabilang po
12:39ang pagiging mastermind
12:40umano
12:41sa pamamaril
12:42kay Nuoy Negros Oriental
12:43Governor Roel De Gamo
12:44at siyam na iba pa
12:45noong March 4, 2023.
12:48Dati nang itinanggi ni Tevez
12:49ang mga akusasyon.
12:53Sabi nga basta estetik
12:58ang lugar
12:58dadayuhin talaga yan
13:00lalo na sa mga
13:01mga Instagrammers
13:02yung mga
13:03mga mabili sa Facebook
13:04is life dyan.
13:05Facebook is life
13:06relate much dyan
13:07Mare
13:07dahil kung ganyan
13:08ang hanap mo
13:09baka bet mo
13:10ang paandar na
13:11flower pasyalan.
13:13Saan ba yan
13:13at nang maidagdag na
13:14sa listahan?
13:15Ito na.
13:17Ipin na sa inyong
13:18virtual maps
13:19ang buwakan
13:20ni Alejandra
13:22ang blooming
13:23cheer spot
13:24sa Balamban, Cebu.
13:26Magaganda ang mga
13:26bulaklak
13:27saan ka man lumingon.
13:29Vibrant ang colors
13:30kaya perfect
13:30sa mga mahilig magpicture.
13:32Lahat ng yan
13:32ma-experience
13:34sa halagang
13:34100 pesos.
13:37Wow na wow!
13:39Ang ganda
13:39pang ano nga yan?
13:40Pang IG.
13:41Ang drama po.
13:41Oo.
13:42Beautiful.
13:43At para po sa inyong
13:44mga kwentong
13:45totoo,
13:46kwentong kapuso,
13:47sumali na sa
13:48YouScoop Plus
13:49Facebook group
13:49at ishare
13:50ang inyong
13:51mga larawan
13:51at video.
13:52Maring mga feature
13:53ang inyong istorya
13:54sa aming newscast.
13:55Gamitin lang
13:56ang hashtag
13:56YouScoop
13:57sa inyong mga post.
Comments