Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Nangunguna sa Bicol Region ang probinsya ng Kamarinesur sa flood control projects kung contract cost ang pag-uusapan,
00:06base po yan sa datos na nakalat ng GMA Integrated News Research mula sa Sumbong sa Pangulo website.
00:12Pero may isang flood control project sa Kamsur ang hindi pa natatapos at inabandona.
00:17Questionable rin umano ang kalidad ng nasabing proyekto.
00:21Balita ng atid ni Mark Salazar.
00:22Ganito ang itsura ng flood control project na ito sa barangay San Francisco, Baaw, Kamarinesur.
00:32Mahigit limang kilometrong kalsada dapat na may riprap sa gilid bilang panangga sa baha tuwing tag-ulan.
00:38Ang riverbank at road project na ito ay protection sana ng baaw sa baha kapag umapaw ang baaw lake.
00:45At connectivity sana para sa mga far-flung barangay na may akses sila sa kabayanan ng baaw.
00:51Pero nakita nyo naman, ang proyektong ito ay abandonado, nakatiwangwang, nasisira ng hindi napapakinabangan.
00:59Nang manalanta ang bagyong Christine noong isang taon, lampas tao ang baha sa barangay San Francisco.
01:06Hindi naman daw talaga sila umasa na poprotektahan sila ng flood control project dahil hindi nga ito tapos.
01:12Kailan ang huli pang may gumawa rito sa proyektong ito?
01:15No nga, no, di pa nagbabagyo ng Christine.
01:18May nagagawa dyan.
01:192024, mayroon pa?
01:23Oo, mayroon pa.
01:25Ngayon, wala na.
01:26Ang backhoe na ito ng kontratista ay parang naglalarawan ng kanilang proyekto dito sa lugar na ito.
01:33Abandonado na.
01:34Sabi ng mga taga rito, huli raw nilang nakitang nagtrabaho ang backhoe na ito buwan bago sila sinalanta ng bagyong Christine.
01:42Hindi na nga tapos, ang mismong reprop kay questionin ng kalidad kahit hindi engineer ang makakita.
01:52Nagiging powder o.
01:53Yung buhos ng simento, nagiging buhangin.
01:59Wala nang nakapaskil na project board para makita ng publiko ang halaga ng proyekto, sino ang kontratista at kailan ito sinimulan at natapos.
02:09Sa DPWH 5th District Engineering Office ng Kamarinesur sana malalaman ang mga detalyeng ito na aming sinadya, ngunit hindi kami hinarap.
02:19Wala rin gustong magsalita mula sa Mayor's Office ng Baaw o kayay ng Municipal Engineer.
02:25Ang mga opisyal ng barangay San Francisco ang nagsasalita para ireklamo ang anilay balahurang trabaho ng kontraktor sa kanilang flood control project.
02:35Sabi ko nga noon, yung unang nag-report dyan, ako magagalitan ang engineer ng DP.
02:43Ganyan ang ginagawa nyo.
02:44Kauntong, ano, tapal.
02:48Bato.
02:49O, bato.
02:50Tapal.
02:50Tapal.
02:51Kami nga nagsasabi sa kanila, dapat paganday niyo yung programa niyo.
02:56Para kami naman, mga taga San Francisco, baka hanggang buhay pa yan.
03:02Ma-protectahan sana.
03:06Dumulog na raw sila sa nakataas, wala munisipyo hanggang probinsya, pero walang nagbago.
03:12Magbabantay kami doon.
03:13Kaya lang, wala naman kayo.
03:15Wala kami magawa.
03:17Ang amunong kontratista.
03:20Tapos sumusami, pag nagsasalita kami, ipaalam ko kay boss.
03:26Sinong boss nila?
03:27Dapat kami, sa Barangay Council, bigyan nilang pag-asikaso.
03:35Kahit sanay na raw silang binabaha ang baaw, hindi pa rin daw nilang masabaya ng paghahanda ang pataas ng pataas na level ng baha taon-taon.
03:44Sa datos na nakalap ng GMA Integrated News Research sa Sumbong sa Pangulo website, sa Bicol Region, nangungunang kamarinesur sa flood control projects kung contract cost ang pinag-uusapan.
03:57Meron ditong 250 proyekto na nagkakahalaga ng 17.5 billion pesos.
04:04Ang buong Bicol Region ay may 866 na proyekto na aabot sa 49.61 billion pesos, ikatlo sa pinakamataas sa bansa, kasunod ng Region 3 at NCR.
04:18Katumbas ito ng nasa 9% ng kabuang bilang at halaga ng flood control projects nationwide.
04:25Mark Salazar, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
04:35Bukod po kay Herbert Matienzo na nag-resign bilang Executive Director ng Philippine Contractors Accreditation Board,
04:41may dalawa pang direktor ng tanggapan ang nagbitiw sa pwesto.
04:45At may ulot on the spot si Oscar Oida.
04:47Oscar?
04:52Yes, Connie, kinumpirma nga ni DTI Secretary Maria Cristina Roque
04:56na nagtalaga na sila ng kapalit ng nabakanting posisyon ni PCAB Executive Director Herbert Matienzo
05:04na kamakailan ay nagbitiw dahil umunod sa personal na dahilan.
05:08Bagamat sa mga sandaling ito ay di muna pinangalanan ni Roque ang nasabing kapalit.
05:13Ayon pa kay Roque, bukod kay Matienzo ay may dalawa pang director ng PCAB ang nagbitiw.
05:18Sa ngayon, mismong si Roque daw ang directang mamahala ng Construction Industry Authority of the Philippines o CIEAP
05:25at ang mga implementing board nito, kabilang na ang Philippine Contractors Accreditation Board o PCAB.
05:31Nakaparinam natin si Secretary Roque sa factory visit ng Department of Trading Industry
05:35sa isang steel plant dito sa Maykawayan, Bulacan.
05:38Layo ng aktibidad na ito na ipakitang committed ang DTI sa maygpit na pagsusulong ng product certification
05:44upang matiyak na ang mga produkto ay laging umaayon sa technical regulations ng Philippine National Standards.
05:52At yan ang latest mula dito sa Maykawayan, Bulacan. Balik muna sa iyo, Connie.
05:55Maraming salamat, Oscar Oida.
05:58Kaugnay sa mga resignations sa PCAB, kausapin natin si Trade and Industry Secretary Christina Roque.
06:03Magandang tanghali at welcome po sa Balitang Hali.
06:06Yes, magandang tanghali, Rafi. At salamat siya po.
06:10Opo. Nakausap niyo po ba ng personal si Atty. Matienzo nang mag-resign siya?
06:15May kinalaman ba ito sa investigasyon sa flood control projects?
06:19Actually, hindi ko po siya nakausap ng personal.
06:22Nagbitaw siya ng pwesto last September 3 and we also accepted his resignation on September 3 also.
06:31Paano po makakapekto yung kanyang resignations sa mga sinasagawang investigasyon?
06:35Hindi naman po nakakapekto yung resignation because there are other people also in the department.
06:41At nakapag-assign na rin kami ng OIC for the PCAB Executive Director.
06:48Sino pong OIC ngayon?
06:50Ibibigay po namin yung pangalan.
06:53Okay.
06:54Yeah, within the day.
06:56Okay. May dalawa ding PCAB Directors po na nag-resign.
06:58Ano pong naging paliwanag nila?
06:59Yes. May dalawang PCAB board members na nag-resign.
07:05Of course, yung una, they stated the personal reasons.
07:10And second one, kasi actually nag-hold over lang siya.
07:15So nag-expire na po yung ano niya.
07:18So he was just a holdover.
07:20So he just pursued this recipe.
07:22Bagamat nag-resign po ang mga ito at umalis niya sa PCAB,
07:25hindi naman po nanganguhulugan na pwede silang maabsuelto na
07:28or maapektuhan yung investigation po sa kanila kung sakali.
07:31No, not re-apekto. Hindi po.
07:34Opo.
07:35Sabi po ng abogado ng mga diskaya,
07:37a-appela sila matapos yung decision ng PCAB
07:39na i-revoke yung lisensya ng SHAM sa kanilang construction companies
07:42dahil may violation daw po ng due process.
07:45Ano pong reaksyon niyo dyan?
07:46Yes. Of course, they can appeal if they wish to appeal.
07:50Pero on our side, we will take the PCAB
07:53to the PCAB that they revoke their license.
07:59The PCAB decision to revoke their license.
08:02Pero nangkot lamang po ito na magkaroon ng Senate investigation,
08:05wala ho bang sinasagawang motopropia investigation
08:08ng DTI patungkol po rito?
08:10Meron. Meron kaming fact-finding body inside DTI
08:14to investigate, of course, the department itself
08:18and, of course, yung mga contractors natin.
08:22Mm-hmm. So, posibleng may ibang contractors pa po
08:24na posibleng matanggalan ng lisensya mula sa PICAB?
08:27Yes, definitely. Meron. Meron yan.
08:30Mm-hmm.
08:30We will update. We will update once we have the names again.
08:34Okay.
08:35Continuous investigation po ito.
08:38Sige po. Asahan po namin at maghihingi po kami ng update sa inyo.
08:41Maraming salamat po.
08:42Ah, sandalera.
08:43Go ahead po.
08:44Pinalipat namin yung PICAB, CIAP, at saka CIAC sa Office of the Secretary
08:48para talagang matutukan ito.
08:51So, we will really, we will really strictly monitor all of this
08:56as well as yung mga, ano natin, yung mga permits ngayon, licenses,
09:00will pass through the Office of the Secretary
09:02before we give it to the PICAB board for the final approval.
09:05Pahabon na lamang po, yung mga aprobado na pong mga kontrata,
09:10i-review nyo po ba ang mga ito?
09:12Again, again?
09:13May mga re-review po ba kayo?
09:15Yes, definitely. Mag-re-review po kami talaga.
09:20Okay. Sige po. Maraming salamat po sa oras na ibinahagi nyo sa Balitang Halim.
09:23Sige, maraming salamat po sa oras na ibinahagi nyo sa Balitang Halim.
09:23Sige, maraming salamat po. Thank you. Okay, bye-bye.
09:25Yan po si DTAY, Secretary Cristina Roque.
09:30Mainit na balita sa asampahan ng National Bureau of Investigation
09:33ng Reklamong Anti-Graft and Crop Practices Act
09:36si dating Bambantarlak Mayor Alice Guo.
09:38Kaugnay po yan sa hindi pagbabayad ng tamang buwis
09:41at inigal na land conversion ng Pogo Hub sa bayan.
09:45Ayon sa NBI, may halagang 3.9 billion pesos
09:49ang halos 8 hektaryang lupa ng Pogo Hub.
09:52Pero 10,000 piso lang daw ang kanilang binayarang buwis.
09:57Bukod kay Guo, kasama rin sa reklamo
09:59ang 35 iba pang dati at kasalukuyang opisyal ng Bamban LGU.
10:04Wala pa silang pahayag.
10:11Another milestone unlock
10:13para kay Sparkle Artist at Encantadia Chronicles Sangre Star,
10:18Rocco Nasino.
10:19Sa asabak si Rocco sa kanyang professional wrestling debut this month.
10:24Makakatapat niya sa wrestling arena si Tiago The Gym Bro Santiago.
10:28Rocco, kilala ang aktor sa kanyang pagiging sporty.
10:32Mapag-golf, pickleball, tennis o jiu-jitsu man,
10:36hindi yan uurungan ni Rocco.
10:38Sa kanyang vlog last April na share ni Rocco
10:41na gusto niyang pasukin ang professional wrestling.
10:44Kaya bilang birthday gift sa sarili,
10:46nag-crack siya sa wifey na si Melissa
10:48nang sumali siya sa isang wrestling match.
10:52Priceless naman ang reaksyon ni Melissa
10:54sa stage birthday drama ng kanyang hubby.
10:58I-dinaos ng Tourism Promotions Board
11:03ang kauna-unahang Creative Tourism Conference sa bansa.
11:08Kabilang sa mga naging event speaker,
11:10si GMA Network Senior Vice President,
11:13Attorney Annette Gozon Valdez.
11:15Tinalakay niya ang kahalagahan ng mga Pinoy drama shows
11:18sa pagsusulong ng Philippine Tourism.
11:20Gaya ng mga Kapuso Series na Pulang Araw,
11:23Maria Clara at Ibarra, Legal Wives,
11:26at Indai Will Always Love You.
11:29Naipakita raw kasi sa mga ito
11:30ang mga ipinagmamalaking lugar sa bansa,
11:34pati na rin ang ating cultural pride.
11:36GMA has always had the effort to promote tourism.
11:42Makikita natin sa mga shows natin dati,
11:45ang locations natin,
11:46di ba, sa Cebu, sa Sorsogon,
11:49para mapakita yung mga tourist spots natin.
11:51And not only that,
11:52we make it a point to show our culture.
11:56Dumalo rin sa event si
11:57Huwag Kang Titingin star, Michael Sager,
12:00na tinalakay naman ang
12:01influencer-driven tourism.
12:03One glowing Virgo baby
12:08si Master Cutter star, Max Collins,
12:11sa kanyang back-to-back
12:1233rd birthday bash
12:14with her family and friends.
12:16Narito ang latest hatid
12:17ni Maring Athena Imperial.
12:22Twice nag-celebrate ng birthday
12:24si Max Collins
12:25kasama ang kanyang loved ones and friends.
12:28Nagkaroon siya ng birthday bash
12:30sa isang Brazilian-Japanese resto
12:32and bar sa Taguig City.
12:34The first was a birthday party
12:36with all of my friends from the industry.
12:38That was so much fun.
12:40The other celebration was in Palawan.
12:43Despite the rainy season,
12:44sabi nga,
12:45it's always summer somewhere.
12:47And Max enjoyed the good weather
12:49during her stay there.
12:51I did another trip to El Nido
12:53just to relax, you know,
12:55as I age a year older.
12:57I love being by the beach kasi.
12:59It makes me super happy.
13:00Nakaschedule si Max
13:02na magpunta sa France
13:03on the first week of October
13:05for work and vacation.
13:07I'll be in Paris Fashion Week.
13:08I have a few brands lined up
13:10so I'm excited.
13:11I've made a few friends in Paris
13:13so I'm excited to see them,
13:15have some fun.
13:16Her schedule is also jam-packed
13:18with tapings
13:19para sa new TV series sa GMA.
13:21I have a new show.
13:22It's called Master Cutter.
13:24So it's with Ding Dong,
13:25yeah,
13:25and Shuvie,
13:26and Joe Berry,
13:27and marami po pong iba.
13:29Athena Imperial
13:30nagbabalita
13:31para sa GMA Integrated News.
13:34At ito po ang balitang hali.
13:36Bahagi kami ng mas malaking misyon.
13:38Ako po si Connie Cesar.
13:39Rafi Tima po.
13:40Kasama niyo rin po ako,
13:41Aubrey Carampelle.
13:42Para sa mas malawak
13:43na paglilingkod sa bayan.
13:44Mula sa GMA Integrated News,
13:46ang News Authority
13:47ng Pilipino.
13:48Sous-titrage ST' 501
14:09депển.
14:10Bye bye bye.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended