00:03Pina-target ng Department of Health na wala nang mamamatay sa dengue pagdating ng 2013.
00:09Ito ang inaerang ni Health Secretary Ted Herbosa sa ikalawang Dengue Summit.
00:13Ano yung makakamit ang zero dengue death kapag mapababa ba ang mga bagong kaso ng dengue?
00:19Sa ngayon, pinaiira ng DOH ang patakaran sa outbreak response.
00:23Pagpapadala ng Rapid Response Team, pagbili ng test kits at fluids.
00:27Ganon din ang dengue fast lane.
00:30Hinihikayat rin ang DOH ang pakikipagtulungan sa mga LGU para makabili ng mas maraming vector, controlled insecticide, adulticide at larvicide.
00:39Sa ngayon, naitala ang 111,000 kaso ng dengue nitong Mayo.
00:46Umabot na sa 85,000 persons deprived of liberty ang pinalaya simula June 2024 hanggang May 2025 ayon sa Department of Interior and Local Government.
00:5711,000 PDL ang nabigyan ng Good Conduct Time Allowance, 8,000 ang pinalaya sa pamamagitan ng probation, 23,000 ang parol at mahigit 8,000 ang nakapagpiansa.
01:11Mahigit sa 7,000 PDL naman ang na-acquit, mahigit 16,000 ang pinalaya matapos silang makumpleto ang kanilang sintensya.
01:19Tatlong daan ang nagsagawa ng community service at 3,000 ang pinalaya dahil sa patuloy na nagpapakita sa korte.
01:27Habang ang ibang PDL saman ay inilipat sa nasa 15,000 sa Bureau of Corrections, Provincial Jails, Drug Treatment Centers at Youth Detention Facilities.
01:37At yan ang mga balita sa oras na ito. Para sa iba pang update, i-follow at i-like kami sa aming social media sites sa atPTVPH.
01:47Ako po si Nayumi Timurcio para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.