Skip to playerSkip to main content
Nagsagawa ng live fire drill sa Tarlac ang Philippine at US Marines bilang bahagi ng ‘Kamandag’ military exercises. Kabilang sa kanilang sinanay ang paggamit ng 81-mm mortar.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nagsagawa ng live fire drill sa Tarlac, ang Philippine at U.S. Marines bilang bahagi ng Kamandaga Military Exercises.
00:07Kabilang sa kanilang sinanay ang paggamit ng 81mm mortar mula po sa Kapas Tarlac.
00:13Nakatutog live, si Chino Gaston. Chino!
00:18Emil, yumanig ang lupa at dumagong-dong ang pagsabog ng artillery fire mula sa isinagawang military exercises
00:25sa pagitan ng U.S. at Philippine Marines dito sa Crow Valley sa Kapas Tarlac.
00:34Sa dating bombing range ng mga Amerikanong sa Crow Valley sa Tarlac,
00:38nagsanay sa pagpapaputok ng 81mm mortar ang Philippine at U.S. Marines.
00:43Ang target, ang kulay asul na ito sa gitna ng daanan ng lahar mula mong pinatubo.
00:49Sunod-sunod ang pagbagsak ng mga siyandang mortar at makapal na usok ang nakita kung saan ito tumama.
00:57Sa paligid ng exercise site, nakapuesto bilang security ang mga demachine gun, Amerikano at Pilipinong Marines.
01:04Natawag ng pansin ng mga pagsabog ang mga katutubong etat at ilang residente.
01:08Nagtipon-tipon sila sa tuktok ng burol na ito para manood.
01:12Ang pagsasanay na bahagi ng Kamandag 925, layong paigtingin ang kakayahan ng mga Amerikano at Pilipino sa pagsanib puwersa sa isang military operation.
01:23Bukod sa Philippine Marines, may pagsasanay rin ng mga Amerikano kasama ang Special Action Force ng Philippine National Police.
01:29Sa darating ng linggo, may iba pang live fire exercises na gagawin sa Kamandag 925,
01:34gaya ng Maritime Strike, Amphibious Assault at posibleng paggamit ng Nemesis Missile System sa North Luzon o Palawan.
01:47Emil, mahigit 4,000 mga miyembro ng Philippine at US Marines ang nakatakdang lumahok pa sa mga darating pang mga exercises sa ilalim ng Kamandag 0925.
01:59Kasama ang higit isang daang miyembro ng Japanese Self-Defense Force at mga observers mula sa anim na bansa.
02:06Emil, maraming salamat, Chino Gaston.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended