00:00Hawak na ng militar ang umano'y wanted na rebelde na sangkot sa pag-atake sa ilang base ng militar
00:05at pulisya.
00:06Ang maaksyon at high-tech na operasyon laban sa kanya.
00:10Panuorin sa aking eksklusibong pagtutok.
00:16Nagpalipad ng drone na may kamera ang militar para live na mamonitor ang operasyon nito
00:21laban sa isang leader ng New People's Army na nagtatago-umano sa isang barangay sa San Pedro, Laguna.
00:27Kita sa drone video ang pagpasok sa Eskinita ng nakasibilyang mga sundalo.
00:32Maya-maya, maririnig na ang tinig ng drone operator
00:36habang binabatuhan nito ng instruction sa radyo ang mga sundalo on the ground.
00:47Nakalusot ang suspect ng unang ma-penetrate na mga sundalo ang target area.
00:57Pero hindi nagtagal.
01:06Nadakip din ang militar.
01:09Si Kabem.
01:11Ayon sa militar, wanted ang umano'y rebelde dahil sa pagkakasangkot-umanon nito
01:16sa mga pag-atake sa mga base ng militar at pulisya sa Bicol at Southern Tagalog.
01:20Nag-laylo siya doon sa kanilang grupo sa Sorsogon para sana ay magtago.
01:27Subalit may mga impormasyon tayong nakalap at sa pakikipagugnayan sa ibang ahensya
01:32ay natuntun natin ang kanilang tinarorokanan at nahuli natin siya.
01:36Halos kasabayan ang pagkakahuli kay Kabem.
01:39Napasuko na rin ang militar sa Labo Camarines Norte,
01:42ang mag-asawang sina Alias Pots at Alias Sab.
01:46Para patunayan yung sinceridad na kanilang pagsuko ay dinala rin nila
01:52yung pinakamataas na kalibri ng arma sa kanilang inventory,
01:57yung dalawang machine gun, isang M60 light machine gun at isang 30 caliber machine gun.
02:05Commanding officer umano ng kilusan si Alias Pots na responsable umano sa mga combat operation
02:10habang ang misis na si Sab, propagandista umano ng pangkat at recruiter na mga nais na sumapi sa kilusan.
02:17Patuloy naming sinisikap na makunan ang panigang nadakit na rebelde,
02:21gayon din ang mag-asawang sumuko sa mga sundalo.
02:23Para sa GMA Integrated News, Emil Sumangil, Nakatutok 24 Horas.
Comments