00:00Binahana naman ang ilang bahagi ng Mindanao dahil sa malalakas na ulan mula pa nitong weekend.
00:06Nakatutok si Rafi Tima.
00:10Nagmistulang dagat ang kalsada sa barangay Ribocon, Dumalinaw, Sambuanga del Sur,
00:14matapos bumuhos sa ulan pasado alas 8 na umaga kahapon.
00:19Binaharin ang isang vocational high school.
00:22Sa ulat ng Dumalinaw Public Information Office,
00:24tatlong purok ang apektado ng pagtaas ng tubig dahil sa nakabarang mga debris sa isang tulay.
00:30Kumupa naman ang bahang matapos ang isinagawang de-clogging operation.
00:34Nitong weekend, binalot ng makapal na putik at mga bato mula sa bundok
00:38ang bahaging ito ng highway sa barangay Cabantian, Don Marcelino, Davao Occidental.
00:43Time check, alauna sa hapon.
00:45Ang mga residente, tulong-tulong sa pagtutulak para ligtas na maidaan ng motorsiklo.
00:50Nagsagawa ng clearing operations ang engineering office ng LGU at MDRRMO.
00:55Sa barangay Binawangan sa Mako, Davao de Oro,
00:58binahangil ang kalsada matapos bumuhos ang malakas na ulan.
01:02Sa kuwang ito ng isang residente, makikitang pinasok na ng tubig ang kanilang bahay.
01:07Ang ilan naman ay lumabas at nagbantay sa mga dumadaang sasakyan para hindi mahulog sa kanal.
01:13Romespund rin ang mga otoridad sa mga pamilyang naapektuhan ng baha sa ilang barangay sa bahagi naman ng mabini.
01:19Pansamantala silang nanatili sa malabatuan gym hanggang sa humupang baha.
01:23Sa Sultan Kudarat, tatlo ang nasawi sa magkahihwalay na insidente ng pagkalunod sa Libak at Kalamansig.
01:30Nakahanda na ang tulong pinansyal mula sa lokal na pamahalaan para sa naiwang pamilya ng mga biktima.
01:36Ilang pangunahing kalsada naman sa Davao City ang nalubog sa baha na nagpabagal sa daloy ng trapiko.
01:41Ayon sa Davao City Disaster Risk Reduction and Management Office, light to moderate to heavy rains ang naranasan sa Turil, Baguio, Tugbok, Talomo, Poblasyon at Agdao Districts.
01:54Malakas na ulan din ang naranasan sa barangay Tibungko dahilan ng pagbaha sa highway.
01:58Kaya nahirapang makasakay ang mga pauwing residente.
02:02Nakabantay ang CDRRMO sa mga ilog na posibleng umapaw kapag maulan.
02:05Ayon sa pag-asa, epekto pa rin ng Intertropical Convergence Zone o ITZZ ang naranasang mga pagulan sa Mindanao.
02:13Para sa GMA Integrated News, Rafi Tima Nakatutok, 24 Horas.
Comments