00:00Dinakip sa Matanog, Maguindanao del Norte ang sospek sa iligal na bentahan ng matataas na kalibre ng armas.
00:08Nakatutok si Marisol Abduraman, exclusive.
00:18Tensyonado ang naging pag-aresto ng CIDG Cotabato City Field Unit sa target ng opresyon sa Matanog, Maguindanao del Norte.
00:25Inabot ng dalawang linggo ang pakikipag-usap ng mga nagkunwa rin buyer sa sospek hanggang magkasundo na i-deal ang mga inorder na baril sa halos 300,000 pesos na halaga.
00:39Ito po ang ating subject ay isang alleged na gunrunner po.
00:46Nagsusuplay, nagbibenta ng mga baril sa lugar.
00:50Wala siyang mga warrant of arrest, pero ma'am, inaalam pa po natin ang kanyang mga kaugnayan sa mga threat groups.
00:58Nakuha sa sospek sa isang M14 at isang M16 na baril.
01:02Considering nga po ma'am na magaganda, high-powered, light weapon itong mga baril, inaalam pa po natin kung meron pa siyang criminal network.
01:12Napakadelikado po ma'am na lumabas itong mga loose firearms na ito because these are the instruments of killing.
01:19Madali lang siyang gamitin sa mga violence.
01:23Inaalam pa ng CIDG kung saan galing ang mga baril.
01:26Sinampahan na ng reklamong paglabag sa RA-10591 ang sospek na wala pong pahayag sa ngayon.
01:33Para sa GMA Integrated News, Marisol Abduraman, Nakatuto, 24 Horas.
Comments