Skip to playerSkip to main content
Kumbinsido ang hepe ng AFP na target talagang salpukin ang barko ng Philippine Coast Guard sa banggaan ng dalawang barko ng China sa Bajo de Masinloc.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Kumbinsido ang hepe ng AFP na target talagang salpukin ang barko ng Philippine Coast Guard.
00:05Sabanggaan ang dalawang barko ng China sa Baho de Masinluc.
00:09Nakatutok si Chino Gaston.
00:17Kung hindi nakaiwas ang BRP Suluan ng Philippine Coast Guard,
00:21tiyak na malaki ang pinsalang tinamo ng mas maliit na barko.
00:24Triple ang laki ng Chinese Warship 164 na may habang 135 meters kumpara sa BRP Suluan na 44 meters lang ang haba.
00:33Higit doble naman ang laki ng Chinese Coast Guard sa haba na 90 meters.
00:38Hindi raw masabi ng PCG kung may tangka talaga ang mga Chinese na panggain ang barko ng PCG
00:44na maghahatid sana ng tulong sa mga mangingis ng Pinoy sa Baho de Masinluc bago harangin at buntutan ng dalawang barko ng China.
00:52You can just imagine the impact kung sakaling ang maliit na barko natin.
00:59I don't want to speculate that the real intention of the PLA Navy Warship was to intentionally ram the Philippine Coast Guard vessel.
01:09I still stick with our initial assessment yesterday na there was only a miscalculation
01:17on the part of the PLA Navy Warship kung kaya't nagkaroon ng collision.
01:22Pero si AFP Chief General Romeo Bronner Jr. kumbinsido na may balak talagang banggain ang BRP Suluan ng mga Chinese.
01:31Ang assessment natin doon ay yung PLA Navy ship ay talagang ang pakay niya, ang objective niya ay i-ram yung ating Philippine Coast Guard.
01:41Mabuti na lang at mabilis yung ating Coast Guard na iwasan niya yung PLA Navy at yung Chinese Coast Guard.
01:48Sa lakas ng impact, kitang napipi ang nguso ng China Coast Guard ship.
01:53Ang Chinese Navy ship naman naggaroon ng malalalim at mahahabang gasga sa tagiliran.
01:59Makikita rin na bago sumalpok sa mas malaking Chinese warship, may apat na CCG personnel na makikitang nagbababa ng bumper sa harapan ng kanilang barko.
02:10Matapos ng impact, hindi na sila nakikita sa harapan ng barko.
02:14Hindi malinaw kung ano ang nangyari sa kanila.
02:17Pero sa isang punto ay nag-deploy ang mga Chino ng inflatable boats na tila may hinahanap sa paligid.
02:24Bagamat nagpapasalamat ang PCG na walang lasaktan sa kanilang mga tauhan,
02:28nag-aalala naman sila sa sinapit ng apat na China Coast Guard.
02:32Ilang minuto pagkatapos ang salpukan, nag-alok rin daw ng tulong ang BRP Suluan sa China Coast Guard
02:38nang makita na matindi nitong pinsala.
02:41Prior to the departure of BRP Suluan, we saw that some of the Chinese Coast Guard vessels
02:47who were also in the vicinity launched their own Widget Hall inflatable boat
02:52and they appeared to be searching for something or somebody.
02:58So we assumed that there was a search and rescue that was conducted yesterday.
03:03Our thoughts and prayers are still for those Chinese Coast Guard who were injured dahil dito sa insidente.
03:10Wala pang kumpirmasyon mula sa Chinese government kung may mga nasaktan o namatay na Chinese Coast Guard.
03:16Sa huling impormasyon ng PCG, sinubukang kumpunihin kahapon ang harapan ng barko
03:21bago ito sinimulang hatakin papuntang mga artificial island ng China.
03:25Kaninang umaga, binigyang parangal naman ng PCG sa pangunguna ni Admiral Ronnie Gavan
03:31ang crew ng BRP Suluan, partikular ang kapitan nito na si Joe Mark Angge.
03:36Para sa GMA Integrated News, chino gasto na katutok 24 oras.
Comments

Recommended