00:00Ineimbestiga na kung hazing ang ikinamatay ng isang bagong sundalo ng Philippine Army na nawalan ng malay sa gitna po ng reception rights. Nakatutok si Darlene Cai.
00:14Nakaburul na sa Maguindano del Sur at nagihintay na maiuwi ng kanyang pamilya ang mga labi ng 22 taong gulang na si Private Charlie G. Patigayon.
00:23Ka-a-assign pa lang ni Patigayon sa 6th Infantry Battalion sa Maguindano del Sur bilang isa sa mga pinakabagong sundalo ng Philippine Army.
00:31Pero biglao manong nag-collapse si Patigayon habang ginagawa ang mga ehersisyong bahagi ng reception rights o nakaraang Merkules o July 30.
00:39Agad-ani lang dinala si Patigayon sa pinakamalapit na ospital pero binawian din ang buhay kinabukasan.
01:01Kiddy failure ang cause of death ayon sa Philippine Army.
01:03Ang reception rights ay matagal na raw tradisyon ng iba't ibang unit ng Philippine Army.
01:09Pero hindi daw ito bahagi ng pulisiya o opisyal na standard operating procedures ng organisasyon.
01:14These activities kasi no, matagal na natin itong tinatanggal sa ating organisasyon dahil nakita nga natin na wala naman itong kumbaga na ibibigay na mabuti.
01:28Ang nangyari ay kung itong reception rights na ginawa ng unit nila is more on exercises, different stations, mayroong push-up, may sit-up, may takbo.
01:43And yun nga, siguro ang isang natin doon is dahil hindi na kaya nanong katawa ni late private Patigayon kaya nag-collapse siya.
01:52Agad nire-leave ang company commander, platoon leader at 21 enlisted personnel na may direktang kaugnayan sa insidente.
01:59Nasa kusturya na sila ng battalion headquarters.
02:02Patuloy na iniimbestigahan ang insidente.
02:05Isa sa mga tinitingnang anggulo ay kung may hazing na nangyari.
02:08Titignan natin kung ano ba talagang nangyari, kung mayroon bang physical contacts or it might be, kumbaga hindi pa natin talaga marurul out kung ito ay part mayroong nangyaring hazing or just a, hindi na kaya na nung katawan.
02:25Kasama rin sa imbisigasyon kung may underlying medical condition si Patigayon.
02:29Inaayos na raw ng Philippine Army ang pagbiyayas sa mga labi ni Patigayon, pauwi sa Colambugan, Lanao del Norte.
02:35All angles ay tinitingnan natin and definitely ang Philippine Army assures yung family na justice will be served.
02:47Kung may makitang pagkakamali yung immediate superiors ni late private Patigayon and even yung mga inlisted personnels na kasama doon, definitely they'll face appropriate siyang sanctions.
03:02Patuloy na sinusubukan ng GMA Integrated News sa makuha ang panig ng mga kaanak ni Patigayon.
03:08Para sa GMA Integrated News, Narlene Kai nakatutok 24 oras.
Comments