00:00Nag-ha-in ng diplomatic protest ang China dahil sa mga pag-atake umano sa kanilang leader ni Commodore J. Tariela ng Philippine Coast Guard.
00:09Ipinatawag din ang China ang Philippine Ambassador sa Beijing.
00:13Git naman ni Tariela, hindi panguudyok ang paglalahad kung sino ang bully at tunay na biktima.
00:21Nakatutok si JP Soriano.
00:22Sa speaking engagement na ito ni Philippine Coast Guard Spokesman for the West Philippine Sea, Commodore J. Tariela,
00:32makikita sa kanyang presentasyon ang mga karikature na ito ni Chinese President Xi Jinping.
00:38Ang naturang slide may titulo na Why China Remains to be a Bully.
00:42Agad itong sinagot ng Chinese Embassy at sinabing sumusobra na raw si Tariela na naglulungsad umano ng malisyosong pag-atake sa leader ng China.
00:53Kasunod nito, nag-ha-in ng diplomatic protest ang China noong nakaraang linggo.
00:57Sinundan ito ngayon ng pagpapatawag ng gobyerno ng China sa Beijing kay Philippine Ambassador Jaime Flor Cruz at nagparating ng protesta.
01:06Pinadalhan namin ng mensahe si Ambassador Flor Cruz pero wala pa siyang tugon sa ngayon.
01:12Sa diplomatic community, may seryosong implikasyon ng ganitong pagpapatawag.
01:17Pero wala pang komento ang Department of Foreign Affairs o DFA na nakakasakop sa ating embahada sa Beijing.
01:24Giit naman ni Tariela sa GMA News Online.
01:26Hindi provocation o panguudyo ang aniyay transparency efforts para ilahat kung sino ang aniyay bully at ang tunay na biktima.
01:35Hindi anya sila masisindak ng banta na patunay lang anya na efektibo ang transparency at mas takot ang China kapag alam ng mundo ang nangyayari kesa sa international law.
01:48Sa social media na inaalmahan ni Tariela ang pagpapakalat ng China ng maling impormasyon at pag-iiba ng China sa mga nangyayari para palabasing Pilipinas pa ang may kasalanan.
02:00Pero ang pag-alma niya, hindi nagustuhan ng China kaya naghahain sila ng diplomatic protest kamakailan.
02:07May tila bantari ng China sa ilang individual sa Pilipinas na tumigil na sa umano'y panguudyo at panglilito saan nila'y tama at mali kung ayaw silang pagbayarin sa kanilang ginawa.
02:18Hindi lang sa Beijing kundi maging dito sa Pilipinas ay itinutulak ng Chinese Embassy ang naratibong may mga pag-atake at fake news na paninira o mano sa kanila.
02:28Sabay sabing hindi sila magiging pasensyoso o mananahimik.
02:33Umalma na dyan si Sen. Risa Onteveros.
02:35Sabay sabing malinaw na ang pahayang ni Tariela at iba pang opisyal ng gobyerno ay paninindigan para sa national interest ng Pilipinas at para protektahan ng karapatan ng bansa.
02:46The Chinese Embassy is being a bad guest here dito sa Pilipinas.
02:51Dapat mas magpakita sila ng respeto sa kanilang host country sa atin.
02:56Ang pag-atake sa kanila ng Chinese Embassy ay paglabag sa Vienna Convention on Diplomatic Relations.
03:04Sumulat na si Onteveros sa DFA para hilingi na aksyonan ang mga ginagawang ito ng China.
03:10Masyado namang paviktim ang pag-uugali ng Chinese Embassy dito sa Manila.
03:15After all, sila po yung umaatake ng lasers at kung ano-ano pa sa ating mga uniform service sa silang nagtataboy sa ating mga manging isda sa fishing grounds ng Pilipinas.
03:29Sagot sa kanya ng Chinese Embassy, ang embahada ay nagsisilbing tulay para sa pagsusulong ng pagkakaibigan at kooperasyon sa pagitan ng China at Pilipinas.
03:39Tumanggi ng magkomento ang DFA sa mga pahayag ni Tariela at Onteveros pero nauna nang sinabi ng DFA na buo ang suporta nila sa mga elected officials at government institutions na ginagawa ang kanilang tungkulin para depensahan ang karapatan ng Pilipinas.
03:55Ang tila mas matapang na pahayag ng Chinese Embassy ay nangyari nang pumasok na ang bagong ambasador ng China sa Pilipinas na pareho lang ang naratibong itinutulak sa isang pagtitipo nitong Martes.
04:07If fake news are spread, if China is defamed or if hatred is incited, we will not remain patient and silent. We will push back firmly without any hesitation.
04:24Para sa GMA Integrated News, ako po si JP Soriano, nakatuto 24 oras.
Comments