00:00May paalala naman ang kagawara ng kalusugan para sa mga kababayan nating magsaselebrate ng New Year.
00:06Si Simon Ong ng PTV sa Balitang Pambansa.
00:12Muling nagpaalala ang Department of Health.
00:14Higil sa first aid para sa fireworks related injuries.
00:17Para sa mga nagkasugat o nagkapaso dahil sa paputok.
00:20Huwag baliwalain ang sugat kahit na ito'y maliit.
00:23Agad ugasan ang sugat ng sabon at malinis na tubig.
00:27Pagkatapos ay takpan nito ng sterilized na gaza o bandage.
00:31O kaya naman ay balutin ang malinis na tela.
00:34Kung nagdurugo, diinan ang bahaging may sugat para ito'y tumigil.
00:38At saka dalhin ang biktima sa pinakamalapit na health center.
00:41Para naman sa mga naputokan sa mata, padaluyan nito ng malinis at maligamgam na tubig.
00:47Huwag anilang gumamit ng ice water.
00:49Huwag rin kalikutin o kamutin ang apektadong mata.
00:53At takpan nito ng malinis na tela o gaza.
00:56At dalhin kaagad ang biktima sa emergency room para mabigyan ng kontra-tetanus.
01:00Para hindi na ito lumala dahil ito'y nakamamatay.
01:04At para naman sa mga nakalunok ng paputok, huwag pilitin ang mga biktima na magsuka.
01:09Sa halip, pakainin ang hilong na puti ng itlog o egg white.
01:13Kung saan, 6 hanggang 8 piraso para sa bata.
01:16At 8 hanggang 12 piraso naman para sa matanda.
01:20Samantala, para naman sa mga maglilinis pagkatapos ang salebrasyon,
01:25Huwag kaagad kolektahin ang mga paputok na hindi pa pumutok.
01:29Iwasan ang muling pagsindi ng mga paputok na naunan ang nasindihan.
01:33At buhusan ang tubig, tsaka ito'y tapon ng maayos para sa kaligtasan ng lahat.
01:39As of December 30, umakyat na sa 163 ang total cases ng mga biktima ng paputok.
01:47Mula sa People's Television Network, Simon Ong para sa Balithang Pambansa.
Comments