00:00Mas mabigat na parusa ang inilatag ng Department of Education
00:05laban sa bullying at anumang klase ng karasan sa paaralan.
00:09Nakapaloob ito sa Guidelines on Ensuring a Safe and Motivating Learning Environment
00:14na pinaiting pa ng DepEd.
00:16Sa ilalim ng Department Order para sa minor offenses,
00:20ang bully ay bibigyan ng written reprimand.
00:22Ipagbibigay alam ito sa magulang at magkakaroon ng guidance counseling
00:26Para naman sa serious offenses, gaya ng paulit-ulit na bullying o online harassment,
00:32pwedeng masuspindi ng hanggang limang araw ang bully at referral sa DSWD.
00:38Ang paulit-ulit na bullying ay pwede rin mauwi sa non-readmission at kick-out sa pangatlong paglabag.
00:47Mas mabigat naman ang parusa sa mga high-risk acts,
00:50gaya ng matinding pananakit, pagdadala ng armas, bomb threats at mapanganib na hoaxes.
00:56Dahil bukod sa non-readmission, ay pwede nang kasuhan ang bully.
01:01Inilabas ni Education Secretary Sani Angara ang Department Order
01:05kasunod ng insidente ng umano'y bullying sa Siriyako L. Icamina Senior National High School
01:10sa aklan kung saan ginulpi di umano ng anim na lalaki ang kaklasi nilang babae.