00:00Magandang gabi Pilipinas!
00:04Bayan Ibnida ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:07Ang pagsulong ng bansa tumo sa isang maaasahan at mas matatag na supply ng enerhya
00:13sa transition ng Pamahala ng Kaliraya, Botokan Kalayaan, Hydroelectric Power Plants
00:19o CBK-HEPP sa Aboytis Group.
00:23Pinagtitibay nito ang kakayahan ng losong grid na makapagbigay ng tuloy-tuloy na daloy ng kuryente
00:29ay inaasahan na mas kaunting power interruptions, mas matatag at murang servisyo para sa mas produktibong ekonomiya.
00:37Ayon sa Pangulo, sa pamamagitan ng privatization ng CBK-HEPP,
00:43mas maraming pondo ang mailalaan para sa edukasyon, kalusugan at infrastruktura.
00:49Yan ang ulat ni Denise Osorio.
00:51Tila isang gambuhalang baterya ng Luzon Grid ang Kaliraya, Botokan Kalayaan o CBK Hydro Complex sa Kalayaan, Laguna.
01:01Sa kakayanan nitong mag-imbak at maglabas ng kuryente depende sa pangangailangan ng Luzon Grid.
01:07Ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., matutulak nito ang energy system na maging mas maasahan at mas handa sa pangangailangan sa mga susunod na taon.
01:17Kinilala rin ng Pangulo ang papel ng pumped storage technology sa pagpapanatili ng grid stability,
01:23lalo habang dumarami ang intermittent renewables tulad ng solar at wind.
01:28With this privatization completed through the successful bid of over P36.27 billion,
01:35the government is able to unlock significant resources while ensuring the continued operation of a strategically important energy asset.
01:45In doing so, the government can invest where it matters most, in our people.
01:51Particularly, these resources can be directed towards the immediate needs of the public,
01:56such as for classrooms, for roads, and for hospitals.
01:59Dagdag ng Pangulo, mababawasan ang makakaranas ng brownout at bababa ang antas ng abala sa serbisyo sa mga paaralan at ospital.
02:07Isang 797-megawatt hydroelectric power complex ang CBK na binubuo ng tatlong pasilidad sa Laguna,
02:15ang Caliraya HPP, Botocan HPP na siyang pinakamatandang hydro plant sa Pilipinas,
02:20at ang pinakamalaki, ang Kalayaan Pump Storage Power Plant na kinomisyon noong 1984 at unang pump storage facility sa bansa.
02:29Kapag mababa ang demand, gumagamit ang pumped storage plant ng kuryente para ipump ang tubig mula Laguna, Debay, paakyat sa Lake Caliraya.
02:38At kapag mataas ang demand, ibinababa naman ang tubig para magpaikot ng turbines at tumutulong sa peak shaving at frequency regulation.
02:46Binigyang din ni Department of Energy Secretary Sharon Garin na mahalaga ang CBK sa national power grid,
02:52lalo kapag tumataas ang konsumo at kailangan ng extra support para sa reliability.
02:57For sure, CBK will be a big help kung may kulang tayo.
03:01Kasi ito nga yung ano natin eh, pang-regulate natin, pang-reserva natin.
03:05Ito lang actually ang nag-iisa sa buong bansa na pump storage natin.
03:11So talagang this is a national treasure.
03:13Dagdag pa ng DOE, habang dumarami ang demand tuwing tag-init at sabay na may seasonal constraints ang ilang hydro,
03:20mas nagiging kritikal ang mga pasilidad na mabilis mag-respond para mapanatiling stable ang supply.
03:26Nangako ang avoidance power na aalagaan nila ang CBK at mag-iinvest para mas mapahusay at ma-maximize ang operations.
03:34Dito sa apat na transformer na ito, tatlo lang ang kasalukuyang gumagana.
03:39Target ng avoidance power na maayos yung isang sirang transformer sa loob ng tatlong buwan mula ngayong araw
03:46para tuluyang magamit ng full force ang apat na generator para masuplayan ng maayos ang buong Pilipinas on demand o pag kinakailangan.
03:55Hindi rin kasi ito tulad ng ibang mga renewable energy tulad ng solar na nakadepende sa liwanag ng araw o ng hangin na nakadepende sa lakas ng hangin.
04:06Pwede rin kasi nitong kontrolin ang paglikha ng energy.
04:10Ipinaliwanag naman ni avoidance power President Danel avoidance na sa spot market may trade-off sa pagitan ng off-peak at peak periods
04:18at doon pumapasok ang pump storage para bawasan ang sobrang taas na presyo sa peak hours.
04:24So off-peak at like 3 in the morning, 4 in the morning, if your western price is at say 2 pesos, this will make it 2.10, 2.20.
04:32Sa peak naman, if your peak prices are like 10, 12 pesos, this will bring it down to 6.
04:37You are taking excess off-peak supply when it's not priced and you're adding generation to the peak.
04:47Dagdag pa ng avoidance group of companies, strategic asset ang CBK dahil nagbibigay ito ng flexibility, stability at resilience para masalo ang peak demand,
04:58suportahan ang reserves at makatulong sa pag-integrate ng mas maraming renewables nang hindi naaapektuhan ang reliability.
05:05Binigyang diin din ng avoidance power na energy security is economic security,
05:10kaya't ang mga pasilidad na tulad ng CBK ay mahalaga para sa reliable at resilient power para sa mga Pilipino.
05:18Denise Osorio, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.
Comments