Skip to playerSkip to main content
  • 12 minutes ago
Kamara, tiniyak na tututukan ang karagdagang priority bills ng administrasyon ni PBBM | ulat ni Vel Custodio

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Samantala, liderato ng Kamara sinabi na sumasalamin sa pangangailangan ng mga Pilipino ang mga bagong bills
00:06na naising Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na maging prioridad ng Kongreso.
00:12Si Vel Custodio sa Sentro ng Balita.
00:16Pinalawak pa na administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:20ang priority bills ng Legislative Executive Development Advisory Council o LEDAC.
00:26Ayon kay House Majority Leader Sandro Marcos, mula sa dating 48 priority bills,
00:32umabot na sa 52 ang mga prioridad na panukala, matapos idagdag ang apat na bagong panukalang batas.
00:40Ayon kay Representative Sandro Marcos, sumasalamin ang hakbang na ito
00:44para paigtingin ang pagtutok sa economic relief, digital accountability, child protection at political stability.
00:52Isa sa mga bagong ilinagdag sa panukala ay ang House Bill No. 7443
00:58na inihain ang majority leader na naglalayong tuluyang alisin ang travel tax.
01:04Ayon sa kanya, matagal nang napaglipasan ang panahon ang naturang buwis
01:08at nagiging hadlang sa paglago ng turismo at pagbangon ng ekonomiya.
01:12Isinulong naman ni House Speaker Faustino Bojiti III ang pagsasama ng anti-disinformation measure
01:20sa meeting ng LEDAC na pinangunahan ng Pangulo.
01:23Babala ni D, malaking bantana sa mga demokratikong institusyon,
01:27pambansang seguridad at kapakananang mga kabataang Pilipino
01:31ang walang kontrol na paglaganap ng digital falsehood.
01:35Binigyang diin ang House Speaker na ginagamit ang fake news bilang sandata
01:39para wakasan ang tiwala ng publiko,
01:43impluensyahan ang resulta ng halalan at pahinain ang pambansang seguridad.
01:48Aniya, malaki ang negatibong epekto ng digital disinformation sa mga bata at kabataan,
01:54partikular sa kanilang mental health, social development at paniniwala.
01:58Ipinahayag din ni House Speaker D ang suporta ng Kamara sa House Bill No. 2697
02:05na inihain ni House Majority Leader Sandro Marcos
02:08na naglalayang maglatag ng comprehensive legal framework laban sa fake news
02:13at digital disinformation habang pinangangalagaan ng constitutional rights
02:18sa malayang pamamahayag.
02:20Kabilang dito ang pagsusuri ng umiiral na batas gaya ng Cyber Crime Prevention Act of 2012
02:26at promisyon ng Revised Penal Code na ayon sa mga mambabatas,
02:31hindi sapat para tugunan ang lawak at organizadong kampanya
02:34ng modernong digital disinformation.
02:37Ipinahayag naman ni House Committee on Suffrage and Electoral Reforms
02:41Chairperson Congressman Zia Alonto Adyong
02:44ang kanyang pasasalamat kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
02:48matapos isama sa mga priority bills
02:50ang panukalang nagtatakda ng Petsya
02:53para sa kauna-unahang regular na halala ng Barm Parliament.
02:57Ayon kay Adyong, sumasalamin ito sa dedikasyon at distrasyon
03:01na tapusin ang Bangsa Moro Transition,
03:04itaguyod ang Bangsa Moro Organic Law,
03:06at bigyan ng pagkakataon ng mga mamamayan
03:09na pumili ng kanilang mga kinatawan
03:11sa pamamagitan ng regular at demokratikong halalan.
03:15Vel Custodio para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments

Recommended