00:00Naitala ngayong araw ang malakas na pyroclastic density current o uzon mula sa Bulcang Mayon
00:05kaya't patuloy ang FIVOX sa pagpapaalala sa publikong maging alerto at sumunod sa mga abiso.
00:12Yan ang ulat ni Paul Happen ng Radyo Pilipinas Albay.
00:17Makikita sa video na ibinahagi ng FIVOX ang patuloy na aktividad ng Bulcang Mayon
00:22matapos makabuo ng malakas na pyroclastic density current o uzon
00:26bandang alas 10.35 ng umaga kanina.
00:30Umabot ito hanggang humigit kumulang apat na kilometro pababa ng biisigali
00:34na nagdulot ng ashfall sa ilang barangay ng kamalig at ginubatan albay.
00:39Bilang tugon sa nararanasang makapal na abo na mahagi ng face mask ang lokal na pamahalaan ng kamalig
00:44sa pamamagitan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office.
00:48Kaya naman ang mga taga-kamalig lubos ang pasasalamat lalot kailangan nila ng proteksyon ngayon mula sa ashfall.
00:54Samantala, patuloy ang paalala ng FIVOX sa publiko na manatiling alerto at sumunod sa mga abiso,
01:18lalo't sinabayan pa ng sama ng panahon ang pagkangmayon.
01:22Dahil nananaig po ang amihan at ngayon po ay meron tayong nananaig na shear line dito po sa ating bayan at sa probinsya,
01:34ay kailangan po ay manatili po tayong handa sa pag-agos ng lahar
01:38at lagi po tayong nakatoon sa pinakahuling updates po mula po sa pag-asa patungkol po sa ating klima at panahon.
01:48Sa ngayon, nananatili pa rin sa alert level 3 ang bulkang mayon kaya mahigpit na'y pinagbabawal
01:54ang pagpasok sa loob ng 6 na kilometrong permanent danger zone.
01:58Pagtitiyak ng provincial government, patuloy silang naka-alerto para agad na matugunan ang pangangailangan ng mga residente dito.
02:05Alinsunod na rin sa utos ni Pangulong Ferdinand Marquez Jr. na tiyakin ang kaligtasan ng lahat lalo na tuwing may kalamidad.
02:11Mula sa Albay para sa Integrated State Media, kasama si Diana Mendez, Paul Happy ng Radyo Pilipinas, Radyo Publiko.