• 9 months ago
DepEd at LGUs, lumagda ng MOA para sa pagpapatayo ng sillid-aralan nationwide | ulat ni Denisse Osorio

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Kinaasahang mas mabilis ng mapupunan ang malaking kakulangan sa mga silid-aralan
00:05dahil magkatuwang na itong tutugunan ng Education Department at mga lokal na pamahalaan.
00:10Yan ang ulat ni Denise Osorio.
00:14Hindi lang pagpapabilis ng pagpapatayo ng mga silid-aralan ang tinutukan ng Malacanang,
00:19kundi pati ang maayos at may pananagutang paggamit ng pondo ng bayan para sa mga proyektong pang-edukasyon.
00:25Lumagda na ng Memorandum of Agreement ang Department of Education
00:29at mga city government mula Luzon, Visayas at Mindanao para sa Nationwide Classroom Building Program.
00:35Sa ilalim ng kasunduan, mas pinalalaki ang papel ng mga lunsod sa pagpapatupad ng mga proyekto
00:41habang nananatiling na sa national standards ang mga ito.
00:45Ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.,
00:47bahagi ito ng tuloy-tuloy na pagtitibay at pagpapalakas ng Estado ng Edukasyon ng Bansa.
00:52Nasa 145,000 mga silid-aralan ang kulang pa sa buong Pilipinas
00:59at direkta itong nakaka-apekto sa pagtututo ng mga mag-aaral at sa pagtuturo ng mga guro.
01:05Inilahad din ng Pangulo kung paano mapapasaayos ang paggamit ng pondong inilaan na 85 billion pesos
01:12para sa pagpapagawa ng mga classroom sa buong bansa.
01:15Alam naman natin na ang pondo ng taong bayan ay kailangan ingatan
01:20kaya malinaw din ang pananagutan sa sistemang itinayo natin dito.
01:25Ilalabas ang pondo sa tatlong bahagi o tatlong tranche
01:29kaya na kailangan ang hiwalay na trust account para lamang dito sa proyektong ito.
01:35May obligasyon din na mag-submit ang LGU ng buwanan at quarterly report sa DepEd
01:42para malaman naman natin kung nagkakaproblema, kung maayos ang patakbo.
01:47At ang mahalaga, walang final turnover o final payment na mangyayari hanggat na-validate na ng ating DepEd.
01:56Ibig sabihin, titiyakin muna na pasado sa standards ng DepEd ang mga naitayong silid-aralan
02:03bago i-release ang kabuuang bayad sa mga proyekto.
02:06Bukod dito, pinalalakas din ng pamahalaan ang iba pang paraan para mapabilis ang classroom delivery.
02:13Kabilang ang public-private partnerships o PPP upang mas marami pang learning spaces
02:18ang maihabol sa mga susunod na taon.
02:21Pero malinaw ang panawagan ng Pangulo sa mga lokal na pamahalaan.
02:25Siguraduhin hindi masasayang ang bawat sentimo ng pondo.
02:29Binigyang din ng Pangulo na hindi lang sa pagpapatayo at pag-aayos ng mga silid-aralan
02:35nagtatapos ang pag-improve sa estado ng edukasyon sa bansa.
02:39Tiyakin natin hindi maantala ang mga proyekto.
02:43Tiyakin natin di kalidad ang ating maputatayo na silid-aralan.
02:47Tiyakin din natin na ang bawat sentimo na pinaghirapan ng ating mga kababayan
02:52ay gagamitin sa tama.
02:54Target ng DepEd at ng mga LGU na pabilisin ang classroom construction sa ilalim ng iisang sistema.
03:01Inaasahang mas bibilis ang koordinasyon sa pag-prioritize ng mga paaralan
03:05at na mapupunta sa dekalidad na silid-aralan ang mga mag-aaral.
03:109.8 billion pesos ang nakalaan para sa pagpapatayo ng humigit-kumulang na 4,000 silid-aralan
03:17habang merong karagdagang 5.96 billion pesos para sa additional na 1,700 pa.
03:24Denise Osorio para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.

Recommended