Skip to playerSkip to main content
  • 1 day ago
Pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo, inaasahan ayon sa DOE; paggamit ng mga alternatibong paraan, itinutulak | ulat ni Denisse Osorio

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Aabot pa sa halos dalawang buwan ang supply ng produktong petrolyo sa bansa, ayon yan sa Department of Energy.
00:07Pero inaasahan pa rin ang pagtaas ng presyo nito, bunsod ng efekto ng tensyong nangyayari sa gitnang silangan.
00:13Si Denise Osorio sa report.
00:17Malayo pa ang Pilipinas sa sitwasyon ngayon sa tensyon sa Middle East,
00:21kumpara noong kasagsaga ng Ukraine-Russia conflict na umabot ng 80 kada litro ang presyo ng produktong petrolyo.
00:28Yan ang pagtitiyak ng kalihim ng kagawaran ng enerhiya na si Sharon Garin.
00:33Anya, bagamat hindi pa makakapagbigay ng pagtaya kung magkano ang posibleng dagdag sa presyuhan sa darating ng mga linggo
00:40at kung maipapatupad na ang utay-utay ng pagtaas ng presyo.
00:44Binigyang diin rin ni Garin na wala itong gaanong efekto sa presyo ng kuryente.
00:48Petroleum product consumption is for transport.
00:54Power generation is 3%.
00:57So, that's why I was saying na hindi siya ganun ang impact niya on electricity.
01:05Rather, it has the impact yung pamasahin natin, shipping.
01:11On other industries actually, because shipping vegetables from one island to Luzon,
01:19may impact yan na si that's transport.
01:22Patuloy na tinutulak ng DOE ang paggamit ng mga hybrid, plug-in o battery electric vehicles
01:29para mabawasan ang pagdepende sa fossil fuels.
01:31Pinapaalalahanan din ang tamang pagmenting ng sasakyan para mas maging responsable sa paggamit ng petrolyo,
01:38lalo na sa mga susunod na linggo.
01:40Hinihikayat rin ang karamihan na gumamit ng public transportation
01:43para na rin hindi masyadong malaki ang gasto sa araw-araw na pagbiyahe.
01:48Samantala, aminadong kalihim na posibleng may efekto sa presyo ng produktong petrolyo
01:52ang pagsasara ng Hormuz Strait kahit pa hindi direktang galing sa Iran ang langis.
01:57So they refine it there, they sell it to us, but they buy it from the Middle East.
02:03That is the impact of the closure of the Strait of Hormuz.
02:11If they cannot deliver from there, they cannot deliver from the refineries of Japan, Korea, or China,
02:18then they might not be able to sell it to us because they have nothing, no crude oil to refine.
02:24Dagdag pa ng DOE, 98% ng crude oil na iniimport ng bansa
02:30ay nanggagaling sa ibang Middle Eastern na bansa tulad ng Saudi Arabia,
02:34United Arab Emirates, Iraq, Kuwait, Oman, at Qatar,
02:39at ang 2% ay nanggagaling sa ASEAN countries tulad ng Brunei at Malaysia.
02:44Para sa refined oil naman, mga produktong petrolyo,
02:4797% ay karaniwang nanggagaling sa Asia tulad ng China,
02:51South Korea, Singapore, Japan, at Malaysia,
02:55at 3% ay nanggagaling sa Estados Unidos at Australia.
02:59Giyit ni Secretary Garin,
03:00sobra-sobra ang supply ng produktong petrolyo sa Pilipinas
03:04na aabot pa ng halos dalawang buwan.
03:07Pero kahit na mayroong surplus,
03:09hindi pa rin maiiwasan ang pagtaas ng presyuhan sa petrolyo
03:12kung kaya tinitignan ang posibilidad ng nauna ng mungkahi
03:16na pa-utay-utay na pagtaas ng presyo
03:18imbis na isang bagsakan kada linggo.
03:20It will be, all will be staggered.
03:23Kahit 2 pesos lang yan,
03:25we're asking them to stagger it
03:28so that the impact is not as,
03:31at least mapakonti-konti lang siya.
03:34Denise Osorio, para sa Pambansang TV,
03:37sa Bagong Pilipinas.
Comments

Recommended