00:00Itinuturing na karangalan ni Philippine Coast Guard Commodore J. Tariella
00:04kung sasama ang mag-amang Marcoleta na bisitahin ang Kalayaan Island Group
00:09kasunod ng kanilang mga naging pahayag tungkol sa West Philippine Sea.
00:13Iyan ang ulat ni Patrick De Jesus.
00:17Sa Joint Air Patrol noong nakaranglinggo sa Luzon Street at West Philippine Sea
00:22kung saan magkasamang lumipad ang dalawang B-52 bomber aircraft ng Estados Unidos
00:28at dalawang F-850 jets ng Pilipinas.
00:31Kinumpirma ng Philippine Air Force na ilang radio challenges
00:34ang ipinadala ng Chinese forces sa lugar kung saan isinagawa ang pagsasanay.
00:39Hindi lang natin alam kung sa Coast Guard, sa Navy, pero it's from them.
00:45It was telling us that we are approaching a Chinese territory
00:49and nire-request tayo to turn back.
00:52Pero it was broadcasted over the international frequency
00:58na narinig naman ang lahat doon sa training area.
01:01But we are within our exercise box.
01:06Hindi naman na ito pinansin ng mga piloto ng Pilipinas at US
01:10at may pagpatuloy ang mga pagsasanay gaya ng air defense senaryo
01:14at pagpapalaka sa airspace coordination.
01:17Ayon naman sa PLA Southern Theater Command ng China,
01:21nagsagawa rin sila ng naval at air routine patrol
01:23sa kaparehong araw na pagsasanay ng US at Pilipinas
01:27na kanilang inalmahan at itinuring bilang pag-uudyok ng gulo
01:31at pagsiraan nila sa kapayapaan sa rehyon.
01:35Sabi ng PAF, wala silang namonitor na ibang aircraft
01:39sa gitna ng US-Philippines Joint Patrol.
01:41Iginiit din nilang legalang aktividad ng makalyadong bansa
01:45sa loob ng horisdiksyon ng Pilipinas.
01:48Sila yung nagkukos ng instability nga
01:51because of those statements that they have
01:57they have this illegal presence in our EED
02:01and nakikita natin doon sa coercive and aggressive actions nila
02:05against our aircraft and even our ship sa ground.
02:09Yung patrols natin, these have been coordinated,
02:13these have been pre-approved,
02:14and this is within our territory and jurisdiction.
02:18Samantala, matapos ang kontrobersyal na pahayag
02:22ni Sen. Rodante Marcoleta,
02:24inimbitahan na rin ni PCG spokesperson for the West Philippine Sea,
02:28Commodore J. Tariela,
02:30ang anak ng Senador na sisagi party list,
02:32Rep. Paulo Marcoleta,
02:34na bisitahin ang Kalayaan Island Group.
02:37Ito'y kaugnay ng sinabi ni Congressman Marcoleta
02:40na dapat anyang manguna o ibala sa kanyon
02:43ang tagapagsalita ng PCG at iba pang Senador
02:46kapag nagkaroon ng gera
02:47na tinawag pa niyang mga traidor
02:49dahil sila raw ang naglalagay sa alanganin sa mga Pilipino.
02:53Tugon naman ni Tariela,
02:55bakit kailangan magbanta
02:56sa pamagitan ng walang respetong mga pahayag
02:59para pahinain ang karapatan at soberania sa West Philippine Sea?
03:03Isa namang karangalan anya na magkaroon ng banding
03:07sa magamang Marcoleta
03:08para bisitahin ang KIG kabilang na ang Pag-asa Island.
03:13Sinabi rin ni Sen. President Pro Tempore Ping Lakson
03:16na hindi nararapat ang ad hominem na pahayag
03:19ni Congressman Marcoleta
03:20na hinamon din niyang bisitahin ang KIG.
03:24Sagot naman ni Senador Marcoleta
03:25sa imbitasyong KIG Tour,
03:28magkaroon muna ng friendly debate.
03:30Magkita-kita muna rin para sa isang friendly debate.
03:36Bago ba yung pagpunta to,
03:38para sa ganun maayos natin,
03:40para sa nang paanan natin.
03:43Sa gitna ng mainit pa rin na bangayan
03:45hinggil sa West Philippine Sea,
03:47tiniyak ng palasyo na hindi nagbabago
03:50ang paninindigan ng administrasyon
03:52para protektahan ang karapatan
03:54at soberania ng Pilipinas.
03:57Ganun pa rin po ang posisyon ng Pangulo.
03:58Wala pong anumang bahagi ng teritoryo natin
04:02o anumang interes
04:03ang isosurrender sa anumang foreign power.
04:08Pero dapat din po tayo maging tugma
04:11sa ating ipinapahayag.
04:12May kasabihan nga tayo,
04:14ang magtanim ng hangin,
04:16bagyo ang aanihin.