00:00Patuloy na pinag-aaralang mabuti ng pamahalaan ng mga hakbang para maibsan ang epekto ng sigalot sa Middle East.
00:07Ayon sa palasyo, posibleng pag-aralan ang pagbibigay ng ayuda sa mga middle class.
00:14Yan ang ulat ni Clay Salpardilla.
00:20Nothing is off the table. We are looking at everything, everything that we can do.
00:26Pinag-aaralan ng pamahalaan ang lahat ng mga hakbang na posibleng makatulong para maibsan ang epekto ng pagsiritang presyo ng
00:35produktong petrolyo.
00:37Ang tanong, kasama ba rito ang pagpapako sa presyo ng langis ngayong nasa ilalim na ng National Energy Emergency ang
00:45bansa?
00:46Kailangan pang aralin. Dapat aralin. Mabuti. Kasi may maa-apektohan din tayo mga oil companies na nakikipag-usap,
00:56maganda nakikipag-usap, nakikipag-negosasyon sa ating gobyerno. So titignan po, babalansin.
01:01Pero hanggang saan nga ba ang kayang gawin ng pamahalaan gamit ang mga umiiral na batas?
01:07Sa ilalim ng Price Act, otomatikong isa sa ilalim sa Price Freeze ang mga pangunahing bilihin sa oras ng state
01:15of calamity o emergency.
01:18Kabilang ang basic necessities tulad ng pagkain, pero hindi kasama rito ang langis.
01:23Batay naman sa Oil Regulation Law, malaya sa regulasyon ng pamahalaan ang industriya ng langis.
01:30Kaya ang presyo ng gasolina at diesel nakabase sa galaw ng pandaigdigang merkado.
01:37Pinahihintulutan lamang ang gobyerno na pansamantalang i-takeover o pamahalaan ang operasyon ng mga oil company
01:44sa oras ng national emergency para masiguro ang kasapatan ng supply.
01:50Ngunit hindi nakasaad sa batas ang Price Control o Price Freeze sa langis.
01:56Sa ngayon po talaga, kapag may Oil Regulation Law, hindi naman po agad makakapasok at makakapag-interfere ang state.
02:05Maliban lamang po, sabi nga po ni Secretary Garin, kung may bad faith, may abuso,
02:10doon po maaari tayong mag-regulate at para po maiwasan ang pang-abuso ng mga nananamantala.
02:17Ang maaari lamang pong gumawa para, let's say, masuspend ang oil deregulation law, yung provisions doon,
02:26tanging kongreso lamang po ang maaaring magsagawa nito.
02:30Ayon sa palasyo, kabilang din sa posibleng pag-aralan ang pagbibigay ng ayuda sa middle class,
02:37bukod pa sa libreng sakay, diskwento sa tren at mga subsidiyas sa langis.
02:43Tinitingnan din ang ginagawa ng Taiwan na sa ngayon ay pinapasan ang higit kalahati ng dagdag presyo sa gasolina
02:51sa pamagitan ng pagbawas sa kinikita ng state-owned oil company nito.
02:57Isa rin sa posibleng aralin ang wealth tax o pagpapataw ng buwis sa kabuang asset ng mga super-rich o
03:05pinakamayayaman.
03:06Maganda naman ani ang ideyang ito, sabi ng DepDev, pero mahirap ipatupad.
03:12Marami na rin aniang bansa ang sumubok na gawin ito, pero sa huli ay umatras.
03:19Kaleizal Pardilia para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments