00:00Maagandang gabi Pilipinas, Bayan abot kamay na ang mura pero mas tinabilis na internet connection saan mang sulok ng bansa.
00:13Ito'y matapos sa aprubahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kauna-unahang digital connectivity plan ng bansa.
00:21Tututukan ito ang infrastructure investment katuwang ang public-private partnerships.
00:27Yan ang ulat ni Clayzel Bardilia.
00:30Mas Mabilis, Abot Kaya, at Maaasahang Internet Access
00:36Layunin niya ng pinakaunang National Digital Connectivity Plan
00:41na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:45Magsisilbi itong gabay sa pagsulong ng digitally connected na bansa.
00:49Target itong mapalawak, mapabilis, mapamura, gawing ligtas at maasahan ang internet sa bansa.
00:57Ayon sa Presidential Communications Office, gagawin niyan sa pamamagitan ng pagpapatatag sa mga regulatory framework
01:06na magbubukas sa mas maraming kumpanya at magihikayat ng kompetisyon.
01:12Tututukan din ang infrastructure investment katuwang ang public-private partnership.
01:17Itatayo ito sa mga pinakamalalayo at liblib na lugar at gagawing climate resilient
01:23o matibay sa sakuna at banta sa cyber security.
01:28Giit ni Pangulong Marcos, makatutulong ito para makahabol ang Pilipinas sa mga karating bansa sa Southeast Asia
01:36na ginawa na ang kaparehong hakbang sa nakalipas na sampung taon.
01:41Tiwala naman ang Presidente na makakasabay ang Pilipinas sa bilis,
01:47lawak ng koneksyon at halaga ng internet sa tulong ng National Digital Connectivity Plan.
01:53Kalaizal Pardilia para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments