00:00Hindi mapapahinto ng anumang impeachment complaint si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagtatrabaho.
00:07Yan ang naging pahayag naman na kanyang kasabay ng pagtitiyak na handarin ng Pangulo
00:10na makipagtulungan sa Kongreso kung sakaling may hingin kaugnay sa isinampang reklamo laban sa kanya.
00:17Yan ang ulat ni Kenneth Pashende.
00:21Iginagalang ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga naging development sa inihaing impeachment complaint laban sa kanya.
00:28Sinabi ng Malacanang na hindi manghihimasok ang presidente sa kung ano man ang dapat gawin ng Kamara sa naturang mga reklamo.
00:35Tugon niya ng Malacanang matapos mairefer ng House of Representatives ang mga reklamo sa House Committee on Justice.
00:42Iginagalang po ng Pangulo kung ano man po ang mga activities ginagawa at mga decision po ng House of Representatives.
00:49So hayaan po natin ang proseso na umandat na naaayon sa batas.
00:53Sinabi rin ng Palacio na pag-atake ito sa administrasyon, lalo pat imahe ng buong bansa ang nakataya.
00:59Gayunman sinabi nito na anuman ang mga hihingin ng Kongreso, handang makipagtulungan ng Pangulo.
01:05Pero giit ng Malacanang na hindi ang mga reklamong ito ang magpapahinto sa Pangulo sa kanyang pagtatrabaho.
01:10In a way, yes. Dahil sabi po natin ang anumang pagsasampa ng impeachment complaint ay hindi lang ang Pangulo maapektuan,
01:18kundi mismo ang bansa at ang ekonomiya.
01:21Unang-una po, itong mga impeachment complaint na naisampa laban sa Pangulo ay hindi po mapapahinto,
01:27hindi po mapapatigil ang Pangulo sa patuloy niyang pagtatrabaho para iangat ang buhay ng bawat Pilipino.
01:33Kung kinakailangan po at sinasabi na dapat na magbigay ng anuman dokumento, muli ang Pangulo po ay gumagalang sa proseso.
01:43Pinuri naman ng palasyo ang naging hakbang ni House Majority Leader Sandro Marcos na nag-inhibit sa lahat ng impeachment proceedings.
01:50Nagpapakita lamang anya ito ng character at decency ng mambabatas sa kung ano ang dapat gawin.
01:56Hindi po nakikialam ang Pangulo sa mga anumang aksyon na gagawin ng kanyang anak dahil ang alam po niya,
02:01kailangan lamang puntumpad ng kanyang anak sa mandato.
02:04Bilang public servant, alam po ni Congressman Marcos kung ano po ang sinasabi ng batas at ano po ang dapat niyang gawin.
02:12Samantala, hindi na rin pinatulan pa ng Malacanang ang naging pahayag ni Batangas 1st District Representative Deandro Leviste
02:18na nagsabing nasa ilalim umano ng de facto martial law ang bansa.
02:22Ipinunto rin ang palasyo na walang panggigipit na ginagawa sa mga kritiko nito.
02:26Kung may mga kritiko, makikita naman po natin panay-panay ang pag-akusa,
02:33pagbibigay ng mga masasakit na salita na walang katotohanan kay Pangulo.
02:37Pero ang Pangulo mismo ay hindi po nagsasampan ng kaso.
02:41Kung lumalabag po sa batas ang sino mang mga nagsasalita o may ginagawang aksyon,
02:46nararapat lamang po na sila ay makasuhan dahil po may batas na umiiral sa atin.
02:51Kenneth Pasyente, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.
Comments