Skip to playerSkip to main content
  • 2 weeks ago
Mga aksyon ng Chinese Embassy na taliwas sa diplomatic conduct kaugnay ng kanilang pahayag laban sa mga opisyal sa Pilipinas, kinondena ng 15 senador sa isang resolusyon | ulat Patrick de Jesus

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Pinalaga ng ilang senador sa isang resolusyon ng Annelay Tila Paninindak ng Chinese Embassy sa mga opisyal ng Pilipinas.
00:07Samantala isang warship ng China ang namonitor sa unang pagsasanay ng Pilipinas at US ngayong taon sa West Philippine Sea.
00:15Yan ang ulat ni Patrick De Jesus.
00:19Labing nimbang senador ang pumirma sa isang resolusyon na kinukondena ang mga pahayag ng Embahada ng China
00:25laban sa mga opisyal at institusyon sa Pilipinas.
00:28Kabilang dito sina Senate President Tito Soto, Senate Pro Tempore Ping Lakson,
00:34Senate Majority Leader Migs Subiri, Senador Kiko Pangilinan, Senador Erwin Tulfo,
00:39Senador Risa Hontiveros, Senador Rafi Tulfo, Senador Wind Gatchalian, Senador Loren Negarda,
00:46Senador JV Ejercito, Senador Bam Aquino, Senador Camille Villar, Senador Mark Villar,
00:52Senador Jingoy Estrada at Senador Lito Lapid.
00:56Isinaad din sa resolusyon ng mga naturang senador ang pagprotekta sa soberanya at interes ng bansa
01:02alinsunod sa international law.
01:05Sa kanilang privilege speech sa pagpapatuloy ng sesyon sa Senado,
01:09pinalaganin na Senador Hontiveros at Senador Tulfo ang tila paninindak ng Chinese Embassy,
01:14partikular sa usapin ng West Philippine Sea.
01:18Sa totoo lang, mas marami pa akong media landing sa page ng Chinese Embassy kaysa sa mainstream media.
01:27Mapapatanong ka na lang talaga,
01:30official page ba ito ng isang embahada o ng isang troll farm?
01:35Nananawagan ako ng agarang investigasyon sa disinformation network na yan dito sa Pilipinas.
01:45Kapag mga sundalo at official natin ang ginugulo,
01:50usapin na ito ng national security.
01:52If you do not like how democracy works in this country,
01:59then you are free to leave the Philippines.
02:03Get the out!
02:07Mr. President, kung hindi nila gusto kung paano gumagana ang demokrasya sa ating bansa,
02:13malinaw po ang sagot.
02:16Layas!
02:16Pero si na Senador Rodante Marcoleta at Senador Robin Padilla,
02:22humirit na baka naman si Philippine Coast Guard Spokesperson for the West Philippine Sea,
02:26Commodore J. Tariela,
02:28ang may problema,
02:29lalo nang gawa nito ng meme o caricature,
02:32si Chinese President Xi Jinping.
02:35May sagot naman dito si Senador Hontiveros.
02:37Pag sa salita ni spokesperson Tariela,
02:42imbes na po siguro papaliit ang ating problema,
02:45baka lalong lumalaki.
02:47Hindi rin naman po tama na ang isang opisyal natin sa gobyerno,
02:53na isang uniformado pa,
02:55ay gagawa ng katatawanan o caricature ng Presidente ng China.
03:01Ang problema talaga ay sa kondukta ng Chinese government
03:06sa kasulukuyang dynamics.
03:09Ang tawag ko po dyan, Mr. President,
03:11sa ugali ng Chinese government,
03:13gaslighting.
03:13Sila na nga ang gumagawa ng mali,
03:17mamasamain pa nila kapag pinuna ng ating panig,
03:21ng ating gobyerno,
03:23tayo pa ang may kasalanan.
03:25Samantala,
03:27kasunod ng pagsagit ng China Coast Guard
03:29sa mga tripulanting Pinoy mula sa lumubog na MV Devon Bay Cargo Vessel
03:33noong nakaraang linggo sa bisinidad ng Scarborough Shoal,
03:37sinabi ng Philippine Navy,
03:39na hindi nangangahulugan nito,
03:41na dapat na ang may isang tabi
03:42ang ginagawang pangaharas ng mga barko ng China
03:44sa West Philippine Sea.
03:46We do not expect any further announcements
03:50that would highlight such rescue
03:53because it is expected.
03:55Especially so,
03:56if the one conducting the rescue
03:58has a past record of coercive and aggressive actions.
04:02Otherwise,
04:03highlighting such activities
04:04would lose the essence of the rescue itself
04:08and it may even go to mere propaganda.
04:11Tayo ay natutuwa,
04:12naligtas yung ating mga kababayan.
04:15And it is expected for every mariner around the world
04:19to render assistance to fellow mariners.
04:22Sa dalawang araw,
04:23napagsasanay ng Armed Forces of the Philippines
04:25at US Indo-Pacific Command
04:27sa bisinidad ng Bajo de Masinlok
04:29na amataan ang isang Jankai 2-class frigate
04:32mula sa People's Liberation Army o PLA Navy ng China.
04:36Hindi naman ito nakahadlang
04:38sa ikalabing isang Maritime Cooperative Activity
04:41ng Pilipinas at Estados Unidos
04:43kung saan magkasamang naglayag
04:45ang BRP Antonio Luna ng Philippine Navy
04:47at USS John Fee ng US Navy.
04:51Habang lumahok din ang BRP Gabrela Silang
04:53ng Philippine Coast Guard.
04:55Lumipad din ang FA-50 jets
04:57at Super Tucano aircraft
04:58ng Philippine Air Force
05:00at isang US Seahawk helicopter.
05:03Ang MCA ay bahagi ng pag-iit
05:05sa karapatan ng Pilipinas
05:07sa West Philippine Sea
05:08at pagtataguyod sa rules-based international order
05:12kasama ang mga kalyadong bansa.
05:14We report as a matter of
05:17as part of the transparency initiative
05:19of the government
05:20what we monitor in the West Philippine Sea.
05:24Numbers do not lie.
05:25The facts on the ground do not lie.
05:27We don't invent numbers.
05:29We have videos for this
05:30to supplement all our reports.
05:34Hence, we leave it up to the Filipino people
05:36to be the judge.
05:38Patrick De Jesus
05:39para sa Pambansang TV
05:41sa Bagong Pilipinas.
Comments

Recommended