Senado, tiwalang ‘on time’ na maipapasa ang proposed 2026 national budget sa kabila ng ‘deadlock’ sa bicam dahil sa pondo ng DPWH | ulat ni Louisa Erispe
For more news, visit: ►https://www.ptvnews.ph/
Subscribe to our DailyMotion Channel: ►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated
Subscribe to our YouTube channel: ►http://www.youtube.com/ptvphilippines
Like our Facebook pages: ►PTV: http://facebook.com/PTVph ►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas
Follow us on Twitter: ►http://twitter.com/PTVph
Follow us on Instagram: ►https://www.instagram.com/ptvph
Watch our livestream on: ►http://ptvnews.ph/livestream/ ►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines
Watch our News Programs, every Mondays to Fridays
Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm | 6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm PTV Sports - 8:00 - 9:00 am Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm
00:00Una sa ating mga balita, tiwala ang Senado na on time pa rin na maipapasa ng Kongreso ang panukalang pambansang pondo sa susunod na taon.
00:11Ito'y sa kabila ng pagkakaantala ng pagtalakay ng Bicameral Conference Committee dahil sa hindi pa napagkakasundoang pondo ng DPWH.
00:20Si Luisa Erispe sa Sentro ng Balita.
00:22Naon siya mi kahapon, ang dapat sanay ikatlong araw ng Bicameral Conference Committee meeting, ito'y dahil para sa Senado, suspendido muna ang Bicameral Conference Committee.
00:34Deadlock na kasi ang diskusyon sa budget ng DPWH. Gusto nila mapag-aralan muna ito.
00:41We can call it deadlock on that aspect kasi ang Senado very firm na ayaw namin ng overpriced items.
00:49Postpone muna yung Bicam today para ma-resolve ba itong issue with the House and also with DPWH.
00:56Ang issue, gusto ng DPWH maibalik ang tinapihas ng Senado na 45 billion pesos na budget pambili ng materyales sa ilang proyekto ng ahensya.
01:07Katwira nila, may mga proyekto kasing underfunded o kulang na sa pondo dahil sa budget cut.
01:14Soportado ng Kamara ang DPWH pero ang Senado, nagtataka. DPWH naman mismo ang unang pumayag na babaan ang presyo ng mga materyales base sa isinumitin nilang Construction Materials Price Data o CMPD.
01:30Hindi kami nagkamali dahil naggaling sa kanila yung computation. Inapply lang namin. Kampante ka pe na yung application namin ay naayon sa dokumento na ibinigay sa amin ng DPWH.
01:45Kaya naman, aaralin muna ng Senado ang inilatag ng DPWH.
01:50Kausap na nga raw ni Sen. Sherwin Gatchalian si Sekretary Vince Dizon para plansyahin ito.
01:56Pero naghahanap tayo ng solusyon. Ako, committed ako maghanap ng solusyon. Sabi ko nga, makikipagtrabaho ako with DPWH para makita natin kung ano yung solusyon dito.
02:09Kailangan ko maintindihan talaga kung ano ba yung kanilang sinasabi na hindi ma-implement yung project.
02:15Pero ayon kay Sen. President Vicente Soto III, dapat umamin si Dizon na siya ang nagkamali kaya nagkaroon ng budget cut.
02:23Hindi pala pwede ang CMPD na pagbasihan sa lahat ng proyekto sa buong bansa.
02:29Pero sa Senado, si Dizon na mismo ang pumayag na gamitin ito across the board.
02:35Kaya hanggat hindi maayos, deadlock ang buy cams sa budget ng DPWH.
02:40Pero positibo pa rin naman si Gatchalian, mapaplansya pa ang gusot sa DPWH budget.
02:46At mapapasa pa rin ang panukalang pondo para sa 2026 bago matapos ang taon.
02:52Of course, lumiliit but I'm optimistic kaya naman matapos.
02:56But yung siyempre nakakain na ngayon namin yung mga buffer days, pero kaya naman.
03:02Sa kabila naman na naging usapin at suspensyon ng buy cam kahapon sa parte ng Senado,
03:07naniniwala silang maganda pa rin ang pagtutulungan ng Kamara at Senado para mapasa ang panukalang batas.
03:14Anya, natural lang ang diskusyon at debate.
03:17Sadyang, bago lang ang proseso ng buy cam kaya kailangang masinsinan itong gawin.
03:23Luisa Erispe para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Be the first to comment