00:00Sinampahan ng Bureau of Internal Revenue ng Tax Evasion Case ang mga kumpanya at individual na gumagamit ng ghost receipts para makaiwas sa pagbabayad ng tamang buwis.
00:12Kaya ng ulit ni Louisa Erispe.
00:16Patong-patong na reklamo ang isinampahan ng Bureau of Internal Revenue ngayong araw laban sa mga kumpanya at korporasyon na hindi umanon nagbabayad ng tamang buwis.
00:26Ang sinasabing modus ng mga kumpanyang ito, ang paggamit ng mga peke o ghost receipts para hindi makapag-remit ng tamang halaga ng buwis.
00:35Again, this is pursuant to our program na run after fake transactions dahil malaki ang nawawalang revenue sa ating gobyerno sa mga nandaraya ng buwis sa pamamagitan ng paggamit ng mga ghost receipts.
00:4923 korporasyon, 56 na corporate officers at 17 public accountants ang sinampahan ng reklamong tax evasion.
00:58Ang mga ito ay nasa industriya ng konstruksyon, marketing, food, electronics, entertainment, manufacturing at retail.
01:06Sa kabuuan, aabot sa 1.4 billion pesos.
01:10Nakita ang nawala sa gobyerno.
01:12Lalot na sa 20 taon na rin umanon itong modus ng mga korporasyon.
01:16Maaaring maharap sa parusang pagkakakulong ang mga sinampahan ng reklamo, sakaling mapatunayang sangkot sila sa modus.
01:23Yung kailangan nilang bayaran yung buwis na hindi nila binayaran dyan, that's the first primary, ano naman ng BIR, makakolekta dyan.
01:32Kung ano yung supposedly dapat binayaran mo, sisingilin namin, including penalties, interest.
01:37At pangalawa dyan, of course, dahil kasong kriminal ito, pagka napatunayan yan na talagang may liability sila at nakonvict sila, may pagkakakulong yan, posibleng pagkakakulong pag nakonvict sila ng korte.
01:50Natukoy naman ang BIR ang mga korporasyon na gumagamit ng peking resibo.
01:55Matapos nilang mahuli din ang mga nagbebenta ng ghost receipts at nadiscover nila kung sino ang mga bumibili nito.
02:00Hindi ito ang unang kumpanyang sinampahan ng BIR ng reklamo dahil may mga nakasuhan na sa korte mula nang magsimula ang programa ng ahensya na Run After Fake Transactions Program o RAFT ng BIR.
02:13Ayon naman sa DOJ, sisiguruhin nilang makabubuo ng matibay na kaso laban sa mga korporasyon na inireklamo ng BIR.
02:21As you know, we will be undergoing the normal case build-up to ascertain that there is sufficient documentary evidence and other supporting documents to build a strong case against all of these individuals' respondents in this case.
02:39Bukod naman sa mga korporasyon, sinisilip na rin ang DOJ kung may mga influencers din na umanoy hindi nagbabayad ng tamang buwis.
02:47Luisa Erispe para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.