00:00Siyem na araw, bago ang Kapaskuhan, mas magandang travel experience sa Naia Terminal 3,
00:05ang aasahan ng mga biyahero sa holiday season.
00:08Sa katunayan, ilang bagong pasilidad ng paliparan ang pinasinayaan ni Pangulong Ferdinand R. Marquez Jr.,
00:15tulad na lamang ng Biometric Immigration E-Gates.
00:19Ang mga yan, silipin sa sentro ng balita ni Denise Osorio.
00:23Ilang mga bagong facilities at upgrades sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3,
00:32ang formal ng inilunsad ni Pangulong Ferdinand R. Marquez Jr.,
00:35kasama si First Lady Lisa Araneta Marquez,
00:38para sa pagpapabuti ng Philippine Gateway System at Customer Service,
00:42hindi namang para sa mga turistang darating sa Pilipinas,
00:45kundi pati na rin para sa mga Pilipinong bumabiyahe at umaalis ng bansa.
00:49Ayon sa Pangulo, mahalaga ang pagbabago sa paliparan,
00:52dahil ito ang unang nakikita ng mga biyahero at sumasalamin sa antas ng serbisyong nabibigay ng bansa.
00:58Ang komentary namin ni First Lady,
01:02habang naglalakad kami all the way through the different parts of the airport,
01:06ang sabi ko sa kanya,
01:08it looks like a real airport, finally.
01:11Because it looks like the airports that we go through when we travel in other places.
01:16And to finally see the airport at least functioning,
01:22like a modern airport,
01:24the importance is,
01:27the multiplier effect of this efficiency is quite massive.
01:31Kabilang sa mga inilunsad ang mga bagong biometric immigration e-gates
01:35na layong pabilisin ang proseso ng pagpasok at paglabas ng mga pasahero,
01:40kasabay ng pagpapabuti ng seating areas,
01:43cooling systems, free wifi, restrooms, at baggage handling systems.
01:48Dahil sa mga reformang ito at sa mas maayos na koordinasyon ng mga ahensya,
01:52nakapagtalaga ang paliparan ng mas mataas na on-time performance
01:56at mas maayos na serbisyo para sa mga pasahero.
01:59Hindi lang, hindi lang, sabi-sabi na atin-atin lang na sinasabi natin
02:05ang ganda na ang ganda na ang airport ay kahit na.
02:09Yung mga nag-aaral tungkol sa kakondisyon ng mga iba't-ibang airport
02:13ay sinabi na maganda na nga ang airport dito sa Manila.
02:17It only shows that the Philippines can meet global standards.
02:21Ayon sa Pangulo, patunay ang international accreditation ng Airports Council International
02:26na kayang makipagsabayan ng Pilipinas sa global standards
02:30habang nananatiling nakasandig sa serbisyong may malasakit at pagkapilipino.
02:35Bukod sa mga pasilidad para sa mga biyahero,
02:37tinututukan din ng pamahalaan ang mga isyo na direktang nakakaapekto
02:41sa mga overseas Filipino workers.
02:43Inihayag ng Pangulo na sinimulan na ng Bureau of Customs
02:46ang proseso ng pagpapabalik sa mga may-ari ng humigit kumulang 130,000 balikbayan boxes
02:53na matagal nang nahold sa mga bodega
02:55dahil sa hindi nabayarang bayarin ng mga forwarders.
02:59More or less 130,000 balikbayan boxes na nakatinga lang dyan
03:05na kaantay hindi alam ang gagawin.
03:07Now we will send them back to their owners.
03:10Yung mga iba rito, pinadala parang pang Christmas gift nung nakaraang taon.
03:14Kaya sa wakas, pipilitin natin matanggap naman nila
03:18bago dumating naman ang Pasko.
03:21Din ng Pangulo, hindi dapat maparusahan ang mga OFW sa kakulangan ng iba,
03:26lalo na ang mga balikbayang box na ito ay padala para sa kanilang mga pamilya.
03:31Denise Osorio, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.
Comments