Nakalabas na ng bansa ang Bagyong Tino pero lugmok pa rin ang maraming nasalanta dahil sa pinsalang iniwan ng kalamidad. Sa isang piggery sa Cebu, mahigit 70 baboy ang inanod ng baha. Wala raw nagawa ang may-ari kundi umiyak at sumigaw ng saklolo habang nilalamon ng tubig ang babuyan.
Sa Talisay City naman, may nakakikilabot na nakita sa baha ang mga residenteng na-trap sa kanilang mga bahay.
Be the first to comment