00:00Ang piso mo, katumbas na lang ng 75 centavos?
00:05Bakit kumina ang purchasing power ng mga Pilipino?
00:12Kung marami ang nabibili ng 1,000 pesos mo noong 2018,
00:18pagdating ng March 2026, mas kaunti na lang ang kasya sa pera mo.
00:24Ang halaga kasi ng 1 peso noong 2018, katumbas na lang ng 75 centavos pagdating ng March 2026,
00:34ayon sa Philippine Statistics Authority o PSA.
00:38Ibig sabihin, humina ang purchasing power ng Philippine peso.
00:43Ang purchasing power ay tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyong kayang bilhin ng isang unit ng pera,
00:51depende sa epekto ng inflation.
00:53Ito ay nakasalalay sa Consumer Price Index o CPI.
00:58Ang CPI ay numerong kumakatawan sa pangkalahatang presyo na mga bilihing karaniwang kinukonsumo ng bawat pamilya.
01:08Sinusukat nito kung gaano na kamahal o kamura ang karaniwang bilihin.
01:14Para maintindihan ang CPI,
01:16isipin mong may isang market basket kung saan nakasilid ang mga produkto o serbisyong binabayaran ng isang pangkaraniwang Filipino household.
01:26Sinusukat ng CPI ang presyo ng basket na ito ngayon kumpara sa presyo nito noong 2018 o ang tinatawag natin
01:34na base year.
01:36Ang CPI sa base year ay 100.
01:39Ayon sa PSA, ang CPI natin ngayong maso ay umabot sa 133.
01:45Ang ibig sabihin niyan,
01:48mas mataas ng 33% ang presyo ng kaparehong basket ngayong March 2026 kumpara sa presyo nito noong 2018.
01:57Ang CPI ay ginagamit para makwenta ang purchasing power ng consumers.
02:03Simula 2018, taon-taong humihina ang purchasing power ng mga Pilipino.
02:10Yung purchasing power of peso natin kasi inversely related yan sa inflation rate.
02:16So siyempre pag tumataas yung inflation, bumababa yung ating purchasing power.
02:21Ang inflation rate ay ang bilis ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
02:264.1% ang inflation rate para sa March 2026 mula sa 2.4% noong February.
02:34Ito ang pinakamabilis na pagtaas ng presyo ng mga bilihin mula noong July 2024.
02:41At ito rin ang pinakamataas na inflation rate ng bansa sa loob ng halos dalawang taon.
02:49Ayon sa PSA, pangunahing dahilan nito ang labis na paglobo ng presyo ng produktong petrolyo mula February hanggang March 2026,
03:00bunsod ng krisis sa Middle East.
03:03Dati na rin sinabi ng PSA na posible rin magpabilis sa inflation ang paghina ng piso kontra dolyar
03:10dahil ilan sa mga produktong nasa consumer price index ay binibili gamit ang dolyar, gaya na lang ng produktong petrolyo.
03:19Nitong March 2026, walong beses na nag-record low ang piso kontra dolyar.
03:27Tuwing mataas ang inflation rate, kadalas ang itinataas ng Banko Sentral ng Pilipinas o BSP
03:34ang interest rates para pabagalin ang economic activity, kagaya ng spending sa bansa.
03:41Nakakatulong ito na mapababa ang inflation rate.
03:44Sa madaling salita, kapag mas mataas ang interest rates, mas mahal ang umutang, kaya mas kaunti ang gumagastos at bumibili.
03:54Sa pagbagal ng demand, hindi rin masyadong tumataas ang presyo ng mga bilihin.
03:59Pero ang nararanasang inflation ngayon ay bunga raw ng supply shock,
04:05kaya wala raw masyadong magiging epekto ang monetary policy, gaya ng pag-adjust ng interest rates.
04:12Kaya pinag-iisipan daw ng BSP na ulitin ang regulatory relief, gaya ng ginawa nila sa kasagsagan ng COVID-19
04:20pandemic.
04:24Kaya pinag-iisipan dawBagabia nil sam piece koAL, kaya ng ng ating investing saestlyche.
04:30Hei ao freewaar ng hust Piom.
04:33Kaya pinag-iisipan dawBag na us if in-
04:49Kaya pinag-iisipan dawBag na us if in-
Comments