Skip to playerSkip to main content
  • 7 weeks ago
LPA sa loob ng PAR, isa nang bagyo!

Ang Bagyong Pilandok ay posibleng makaapekto sa Habagat, ayon sa forecast ng PAGASA as of 5AM ng Aug. 30. Ibig sabihin, patuloy na ng malalakas na pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon kabilang ang Metro Manila.

Inanunsyo kamakailan ng Malacañang ang mga bagong proyektong gagawin para maibsan ang pagbaha sa NCR.

Anu-ano ang mga ito at paano gumagana ang mga ito? Alamin sa video.

Category

🎈
Fun
Transcript
00:00Kung noong September 26, 2009, 455mm na ulan sa loob ng 24 hours ang ibinagsak ng bagyong undoy sa Metro
00:10Manila,
00:11nitong August 17, 2026, umabot sa 201.7mm ang ulan sa NCR sa loob lang ng limang oras.
00:22Ibig sabihin, halos kalahati na ng ulan ng undoy ang dinanas ng Kamaynilaan nang wala pang kalahating araw.
00:30At dahil 239mm lang ang kapasite ng drainage sa Metro Manila ayon sa MMDA, ito ang naging risulta.
00:40Alam niyo bang 1970s o mahigit 50 years ago na nang matapos ang malaking bahagi ng drainage system sa NCR?
00:48Dahil kakaunti pa lang ang populasyon noon sa Maynila, sapat ang maliliit na tubo at makikipot na daluyan ng tubig.
00:56Pero syempre, iba na ang panahon ngayon.
00:58Mas marami na ang tao, nagsisulputan na ang sandamakmak na estruktura.
01:05Idagdag pa riyan ang climate change.
01:07Tila nag-volt in ang problema sa basura, na simentong mga daluyan ng tubig, at mas malalakas na pagulan.
01:17Ang tanong, bakit hindi nalang i-upgrade ang drainage system sa Metro Manila?
01:22To think that drainage should be solved holistically, dapat buo natin siyang sinusolve rather than patsi-patsi yung pagsisolve.
01:34Due to urbanization, marami na nakatayong building.
01:38Minsan, doon sa edge na noong drainage line.
01:42Minsan, ikukonsider mo na yung cost o pagbubongkal, yung maa-afect ng building near the drainage.
01:50So, sometimes, doon na, nagiging nakakaroon na ng domino effect na mahirap na lalong isolt because of the urbanization.
01:56Sa Quezon City pa lang, 27 billion pesos na agad ang pondong kakailanganin para mabuo ang isang drainage master plan
02:05ayon sa LGU.
02:07Mahigit kalahati na yan ang taunang budget ng lungsod na 40.5 billion pesos.
02:14Paano na kaya kung drainage ng buong Metro Manila ang aayusin?
02:19Pero may ikinakasa ang gobyerno na mas mura at efektibo umanong solusyon sa krisis sa baha.
02:26Ano kaya ang mga bagong itatayong flood control projects sa Metro Manila?
02:34Batay sa anunsyo ng Malacanang, 39 sites sa NCR ang posibleng pagtayuan ng mga proyekto,
02:40kabilang ang bioretention areas o detention ponds, river floodplains, at constructed inland wetlands.
02:49May mga ilog ding pinag-aaralang isa-ilalim sa river renaturation.
02:54Ang detention pond ay isang pasilidad kung saan pansamantalang maiipon ang tubig ulan para maiwasan ang pag-agos nito sa
03:02mabababang lugar.
03:03Ang kalupaan natin is merong mataas na lugar, may mababang lugar.
03:07Yung ulan na dumaloy mula sa mataas na lugar, bubulusok yun sa mababang lugar.
03:12The purpose of the detention basin is sasaluhin niya yung baha na yun so that mapipigilan niya na bumuhos yung
03:20baha na yun further downstream.
03:21So, yung pag-prevent ng certain volume at a certain duration is importante rin po para maiwasan lang.
03:30Sa isang lugar na highly urbanized, binakamainam na solusyon daw sa baha ang detention pond.
03:37Pero hindi ito basta-basta lang paguhukay ng lupa dahil kailangang ikonsidera ang drainage system ng isang lugar.
03:44What if it turns out on the ground na yung palang say, let's say, itong lugar sa portion ng Elsa,
03:55naka-drain pala,
03:57may tinap pala yung drainage sa bandang Pobaw.
04:01Yung isa naman, tinap yung drainage banda sa papuntang Marikina River.
04:06So, challenge po yun.
04:07So, kasi ang konsepto, dapat itatak mo sila leading all the way to one location, doon nga sa detention pond
04:13mo.
04:14Ang river floodplain naman ay patag na lupa sa tabi ng isang ilog.
04:19Nagsisilbi itong parang sponge na sumisipsip sa tubig kapag umaapaw ang ilog,
04:24para hindi dumiretsyo ang baha sa mabababang lugar.
04:28Bukod dyan, nakakatulong din ang floodplain sa pagsipsip ng excess nutrients gaya ng phosphorus at nitrogen
04:35na may negatibong epekto sa mga ilog.
04:38Malaking tulong din ito sa wildlife.
04:41Kidneys of the earth naman kung ituring ang inland wetlands,
04:45dahil ang naiipon ditong inland wastewater ay napupurify at nafifilter bago ito dumaloy sa dagat at iba pang anyong tubig.
04:55Kaya nitong iabsorb ang malaking volume ng tubig ulan,
04:58kaya nababawasan o naiibsa ng pagbaha.
05:02Bonus na pwede pa itong panlaban sa tagtuyot.
05:05Di nahayaan mo siyang maging basa on a certain time.
05:10It serves also as a storage of rainwater or flood bago siya mag tumaloy doon sa downstream portion ng pagbaha.
05:20Sa river renaturation, ang artificial o sirang waterway ay ibabalik sa natural nitong forma at function.
05:27For example, sa Marikina River, may mga portion doon na obviously when you look at the map, malapad dapat siya.
05:33Pero on the current state, mapapansin mo, ito lang yung portion na may tubig.
05:38But looking at the map, mapapansin mo naman according to its topography na it should be white.
05:44So binabalik mo sa ilog yung dapat niyang labat.
05:49And then yung dapat niyang karakteristik, let's say it should have trees on the riverbanks, may mga damo.
05:58Binabalik po natin yun.
05:59Kasi yung paglalagay ng mga greenery, let's say mga grasses in the riverbanks, that also helps reduce flooding.
06:10Plano rin ang gobyerno na magdagdag ng green spaces at green corridors o mga lugar na tatamnan ng maraming mga
06:17puno at halaman para mapangalagaan ang biodiversity.
06:22Nasa listahan din ng Malacanang ang paglalagay at rehabilitasyon ng mangrove forests.
06:27Ayon sa eksperto, in theory, maganda ang layuni ng mga proyekto.
06:32Pero para sa isang lugar gaya ng Metro Manila, medyo challenging daw ang plano ng gobyerno.
06:38So, expensive kasi nga po, a-acquire ka ng land, yung iba, kumatanggi, kasi nga po, yung mga may-ari
06:46ng property, they are supposed to develop that.
06:49Talagang babalik tayo dun sa konsepto ng land use planning.
06:53Na dapat magkasundo lahat ng mga city, kailangan magkaroon ng coordination lahat ng lugar sa Metro Manila
07:01to share their drainage plans na accurate para mapag-isipan, mapagplanuhan na dapat tama yung location
07:09at inline yung konsepto dun sa actual na nandun sa drainage system lahat.
07:16Ayon naman sa Malacanang, ang mga site na tatayuan ng proyekto ay tinukoy na ng Dutch engineering consultancy firm na
07:24Haas Koning.
07:25Natapos na raw ang kanilang preliminary study at tinututukan na nila ang detalyadong engineering plans.

Recommended