Skip to playerSkip to main content
  • 7 weeks ago
All About You! | Ano ang dapat gawin kung nagkakaroon ng suicidal thoughts? Alamin ang mga payo ni Millennial Psychologist Riyan Portuguez

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00...na para pag-usapan ng mga bagay na unique sa'yo.
00:03Alamin natin ng mga payong ng ating Millennial Psychologist dito lang sa All About You.
00:13Magandang araw! This is Rian Portuguese, your Millennial Psychologist,
00:17at welcome sa episode ng All About You, kung saan ito ang safe space mo at pag-uusapan natin ng
00:23tungkol sa'yo.
00:24So, bago po tayo magsimula, sisimula na po natin yung trigger warning,
00:28dahil alam kong umaga ngayon pero kailangan natin itong pag-usapan
00:32dahil marami sa mga kabataan din natin ngayon ay nakakaranas nito.
00:37Actually, kahit di lang kabataan eh, kahit mga nasa age ng adult at kahit anong age,
00:43common din siyang nangyayari.
00:45So, para dito sa ating letter sender, hindi siya nagpakilala.
00:49At ang question niya ay, natatakot ako sa sarili ko.
00:54Kapag ba iniisip kung gusto ko na lang maglaho,
00:57ibig bang sabihin nito ay pwedeng mangyari sa akin ng suicide?
01:01Isa sa misconception ng suicide at saka ng suicidal,
01:05o yung pagiging suicidal ng isang tao ay,
01:08talagang kapag pinag-usapan daw to,
01:10natatakot sila na baka lumala yung sitwasyon.
01:13Actually, opposite po ito sa mga pag-aaral.
01:16The more na pinag-usapan natin yung mga pinagdadaanan natin,
01:19kung suicidal tayo, at minsan meron tayong intention ng suicide,
01:23may tendency na mas matutulungan natin yung isang tao
01:25para hindi mangyari yun sa kanya.
01:28So, doon tayo ngayon sa mga pupwede ninyong tingnan
01:30kung kailan natin siya kailangan i-watch out.
01:32Siyempre, kapag paulit-ulit yung ganitong klase yung naiisip,
01:36at the same time, yung mismong what if,
01:38biglang napapansin mo,
01:39nagsesearch ka na sa Google ng mga plano, etc.
01:41Maganda na yan na mas mabilis na tayo mag-focus doon sa solution,
01:44which is yung mag-create tayo ng safety plan.
01:47Paano ba mag-create ng safety plan?
01:49Sa safety plan, minimake sure natin na okay yung mismong paligid natin.
01:54So, i-make sure natin na hindi tayo laging mag-isa sa bahay.
01:58Hayaan mo sarili mong mag-open up sa kaibigan mo,
02:00kahit through online,
02:01mag-video call ka, tawagan mo siya,
02:04huwag mong hayaan na kinikip mo lang siya sa sarili mo.
02:06Bukod doon, kasama sa safety plan din natin,
02:08dapat meron tayo laging contact numbers.
02:11Kasama na rin dito,
02:12meron din dapat tayo na number,
02:14like hotline crisis,
02:15na pupwedeng makita ninyo sa ating screen.
02:18Sunod doon,
02:19nandito din dapat yung plano natin na mag-seek ng consultation
02:22sa psychologist,
02:24sa guidance counselor,
02:25o kaya naman sa psychiatrist.
02:27Sunod din dito,
02:28dapat na papractice din tayo ng self-care.
02:30So ano-ano ba yung mga bagay na makakatulong sa'yo
02:33para mas gumaan yung nararamdaman mo kapag stressed out ka?
02:35Kasi may times,
02:36pupwedeng lumalabas yung ganitong klaseng thoughts natin
02:39kapag sobrang stressed out din tayo.
02:41Kaya i-observe mo din yung pattern.
02:43At syempre, yung pinakahuli,
02:45kapag may ganito tayo yung naiisip,
02:47importante na hindi naman automatically
02:49pakikinggan kagad natin siya at gagawin natin siya.
02:53Kasi ang thoughts ay hindi naman facts.
02:55Ang emotions ay hindi naman din facts.
02:58So hayaan din natin sila na nag-a-appear sa mind,
03:01nire-recognize,
03:02ina-identify,
03:03nagre-reflect.
03:05Tapos titignan natin kung sa papaanong paraan natin
03:07mas ma-address siya.
03:09So maraming maraming salamat, Anon,
03:12sa mismong question mo.
03:13Dapat naman talaga wala ng shame
03:15pagdating sa ganitong klase ng usapin.
03:17So ayun, kung meron kayong ganitong klase ng mga questions,
03:21huwag niyong kalimutan na
03:22mag-send kayo ng mismong question ninyo sa email na ito
03:26na makikita ninyo sa screen.
03:27So this is Rian Portuguese,
03:29your Millennial Psychologist,
03:30at maraming maraming salamat.
03:31Sana marami kayong natutunan ngayong araw natin.

Recommended