00:02Mukhang sariwang dugo sa unang tingin.
00:08Pero isang prutas siya na matatagpuan lang sa Palawan.
00:11Never pa ko nakakita ng ganun prutas, kaya sinubukan ko po siya pickman.
00:17Masarap din kayang lantakan?
00:25Ngayon pa panapit ng Halloween,
00:27nadanak na naman ang peking dugo.
00:33Ang prutas nito talaga namang matinik,
00:35na hindi raw ito magpapahuli.
00:37Kapag kasi binuksan,
00:39pulang-pula at parang tugupang texture.
00:44Sa Rizal Palawan, matatagpuan ang prutas na yan.
00:47Ito ang Gakfruit.
00:49Mukha lang siyang parang mga decorations.
00:51Akala ko nung una, akala ko plastic,
00:53akala ko mga bola na ikinabit lang dun sa ceiling.
00:55Pero sinabi mismo nung mga tao po
00:58sa lugar na isa nga po siyang prutas.
01:01Hindi naman madugo ang pagkuha sa Gakfruit.
01:03Isa itong vine o gumagapang na halaman,
01:06kaya kailangan ito ng support tulad ng bakod o trellis na gagapangan.
01:10Medyo matinik siya,
01:11kaya kailangan siyang hawakan ng very gentle lang.
01:14At itong kulay verde na ito,
01:16ay yung pinakahilaw pa.
01:17At ito naman sa likuran ko,
01:19na yellow-orange pa yung kulay niya,
01:21ay malapit ng mahinog.
01:22At itong kulay pula,
01:24yung pwede nang i-harvest,
01:25o pwede nang putulin upang makain.
01:29Ano kaya ang lasa na mukhang dugunan naman na yan?
01:33Tinatawag ang Gak na Superfruit
01:35dahil sa unusually high concentration ito
01:37ng ilang carotenoids.
01:39Lalo na ang lycopene at beta-carotene.
01:41Kilala sila bilang antioxidants
01:42na nagbibigay ng benefits
01:44sa ating eyesight, skin at immune system.
01:46Tinatawag na Superfruit ang isang prutas
01:48kapag marami itong nutritional benefits.
01:50Pero ang Superfruit ay isang marketing term
01:52at hindi isang medical and scientific definition.
01:55Ang dami mong alam, Kuya King.
01:57Mukha mang malambot.
01:59May katigasan din ang Gakfruit.
02:01Kailangan mo muna siyang tusukin
02:02upang mas bumaon yung kutsilyo
02:05at hiwain natin siya sa gitna.
02:16Yung pagkalasa siyang kakao
02:19na parang lasang kamatis,
02:21kaluhalo na yung lasa niya.
02:22May katamisan siya guys.
02:24Pero ang pinakmalapit niya na lasa
02:25is parang dragon fruit.
02:27Ang Gakfruit ay isang tropical na prutas
02:29na kabilang sa pamilya ng Kalabasa,
02:31Ampalaya at Pipino.
02:33Madalas tumakita sa mga bansa
02:34sa Southeast Asia,
02:35lalo na sa Vietnam, Thailand, Laos, Cambodia
02:38at ilang bahagi ng China.
02:40Andami mong alam, Kuya King!
02:42Tatlong taon na raw
02:43ang bahay ng Gakfruit
02:44sa resort na ito.
02:45Nagsimula po siyang mamunga
02:47one year after maitanim po po.
02:48Hindi po mahirap alagaan ang Gakfruit
02:50kasi basta i-prepare mo lang
02:52yung kanyang tataniman,
02:54tuloy-tuloy na po siyang mamunga
02:56at hindi na kailangan diligan
02:57o trim.
02:58Parang self-sustaining po siya.
03:01Kung ang Gakfruit ay nagbulapas
03:02sa ibang bansa,
03:03may isang tindahan namang bibisitahin
03:05si Neil
03:06na puro mga katutubong prutas
03:08ang binibida.
03:09Hi Mami Ann!
03:10Kamusta po?
03:11Welcome sa aming shop sir!
03:13Galing mismo sa kabundukan
03:15ng Rizal Palawa
03:16ng mga prutas na tinitinda rito.
03:18Kung saan araw-araw,
03:20may mga katutubo
03:21na nagbabagsak ng prutas
03:22sa kanilang tindahan.
03:23Hello sir!
03:24Ano po sa inyo?
03:25Maging si Mee Ann,
03:26kinalakihan na raw
03:27ang ilan sa mga ito.
03:28Opo.
03:28Simula nung bata pa kami
03:30ay nahilig na kaming
03:31manguha ng mga wild fruits.
03:33Umaakit kami sa bundok.
03:34Ngayon,
03:35napakarami nang dumagdag.
03:37Iba-ibang fruits na po.
03:38Isa sa mga kapansin-pansing prutas
03:40dito ang kalapi.
03:48Asim!
03:49Kung makikita nyo,
03:50ay napakaganda talaga ng kalapi.
03:52Ginagamit siya unang-una
03:53sa design,
03:54sa pag-design,
03:55table.
03:56Ginagamit ito nila
03:57sa ulam ang kalapi
03:58bilang pampasin.
04:00Ngayon po,
04:01isabay natin yung kalapi
04:02sa paglaga ng tubig.
04:07Durug-durugin lang natin
04:08para lumabas yung katas niya.
04:10Isunod na natin yung mga gulay.
04:16Matapos ang ilang minuto,
04:18pwede na itong ihain.
04:23Asim!
04:24Mas malinam nam yung asim ng kalapi
04:27compare sa normal na sinigang
04:30na ginagamitan natin ng sampalok
04:31at ang iba pang pang paasim.
04:35Ang mga prutas na ating binida,
04:37bakit ba dito sa palawan
04:39ay sagana-sagana?
04:41Biogeographically speaking,
04:43associated yung isla ng Palawan
04:45sa Borneo,
04:46which is one of the centers
04:48of mararaming prutas na edible
04:51tapos palatable siya sa tao.
04:53Nakakatuwang isipin
04:54na sineselebrate ngayon.
04:56Meron tayong mga content creator
04:58na nagchachampion
05:00ng mga halaman
05:02or mga plants,
05:03mga edible fruits ng Palawan.
05:06Ang epekto ng pagsikat
05:07ng mga prutas na ito online,
05:08damang-daman rin daw ni May-Anne.
05:10Dati na hindi pa kilala yung wild fruits,
05:14napakaraming sayang
05:16kasi wala naman talagang bumibili.
05:17Mas malaking impact ngayon
05:19na nakilala kami sa online.
05:21Lumaki po yung market
05:22ng aming wild fruits.
05:23Nakakaabot na po siya sa Manila,
05:25sa iba-ibang lugar,
05:26Cebu,
05:27and sa isang international
05:29na sa Hong Kong na po,
05:31lumaki yung aming kita.
05:33Pero ang paalala ng eksperto,
05:35may kaakibat daw dapat
05:36na pag-iingat
05:37ang pag-share
05:37ng mga pambirang prutas.
05:39Kailangan maging careful tayo
05:41kasi baka naman
05:42magkaroon tayo ng over-exploitation.
05:44Kailangan pangalagaan
05:46at protektahan
05:47ang ating kagubatan,
05:48pati yung mga tao,
05:49mga katutubong tao
05:50na tumitira dito.
05:52Kakaiba man ang itsura
05:53ng mga prutas na ito
05:54sa Palawan.
05:55Tandaan,
05:56don't judge a fruit
05:57by its balap.
05:58Mas mabuti pa rin
05:59na tikman.
06:00At dami mong alam kaya Kim.
06:03Alam di bang may mga damit,
06:04plastic at gulong ng sasakyan
06:06nagbula rin sa langis
06:07na matatagpuan
06:07sa ilalim ng lupa?
06:10Crude oil.
06:13Hindi nga lang daw gasolina, diesel
06:15o jet fuel
06:15ang nakuha mula rito.
06:17Pero ano nga ba
06:18ang crude oil?
06:19At paanong napakaraming produkto
06:21ang pwedeng makuha mula rito?
06:27Kapag tumaas ang presyo ng langis,
06:29ramdam agad natin.
06:30Sa pamasahe,
06:31sa biyahe,
06:32at sa gasto sa pagatid
06:33ng mga produkto.
06:34Kamakailan muling tumaas
06:36ang presyo ng gasolina
06:36at diesel sa bansa.
06:38Kasabay ng pagtaas
06:39ng presyo ng crude oil
06:40sa international market.
06:42Itong mudrasik
06:43na mabinibigaw mo
06:44ng pangalan?
06:45Siyempre!
06:46Anong pangalan niya?
06:47Sniper!
06:48Bakit Sniper ang pangalan niya?
06:51Mandirigma eh.
06:52O nga eh.
06:53Parang galing sa gera?
06:54Ano ba yan?
06:55Ilan taon na yan?
06:56Seven years.
06:57Ano ang nasa loob ng tanke
06:59ng tricycle mo?
07:00Gasolina.
07:01Ano iba pa ang tawag
07:02sa gasolina?
07:03Crude.
07:04Bakit crude ang tawag
07:05sa gasolina?
07:09Isa lang yun eh.
07:11Hindi, magkaiba yun actually.
07:12Pero tama ka,
07:13crude o tawag sa gasolina
07:14dahil ang gasolina
07:15ang galing sa crude oil.
07:17Dami mo ka lang, Kuya Kim!
07:20Ang crude oil
07:21ay isang natural na halo
07:22ng iba't ibang hydrocarbons
07:23na patatagpuan
07:24sa ilalim ng lupa.
07:26Pero hindi ito basta
07:27nabubuhos sa ilalim ng lupa
07:28sa loob ng ilang taon.
07:30Ang organic matter
07:31na na-derive
07:33sa dead plants and animals
07:35ahalo again ito
07:36sa sediments.
07:38Itatransport,
07:39pupunta siya sa dagat,
07:41papatungan,
07:41mababao ng mga sediments.
07:43Sa paglipas
07:44ng napakahabang panahon,
07:46tumaan naman ito
07:47sa matinding init
07:48at pressure
07:48hanggang sa mabuo
07:49ang hydrocarbons
07:50na matatagpuan
07:51sa crude oil.
07:52Magiging konkreto
07:53ang pag-aaral
07:54kung may petroleum prospect
07:55kung dadaanan natin
07:57ng geophysical method,
07:59yung mga seismic
08:00na tinatawag
08:01para malaman
08:02doon ang layer
08:04nasan ba ang source rock.
08:06Mula sa ilalim ng lupa,
08:08kailangan naman itong makuha
08:09sa pamamagitan ng paghubutas
08:11at pagdidrill
08:11sa mga lugar
08:12na may nakatagong
08:13oil deposits.
08:14Pero kapag nakuha na
08:15ang crude oil,
08:16ready na ba itong gamitin
08:17sa ating mga sasakyan?
08:19Hindi pa.
08:20Dahil halo-halo pang
08:21iba't ibang hydrocarbons nito,
08:22kailangan muna itong
08:23painitin
08:24at paghiwalayin
08:25sa refinery
08:26para makuha
08:26iba't ibang mga fraction.
08:28Dito,
08:29pinoproseso muna
08:29ang crude oil
08:30para mapaghiwalay
08:31ang iba't ibang components
08:32dito
08:32at magamit na mga ito
08:34sa iba't ibang paraan.
08:35And from the refinery,
08:36that's where you will
08:38separate
08:39all the
08:41products
08:41ng oil
08:42na madiderive.
08:44Dadaan yan
08:45sa
08:45distillation column
08:46or distillation tower.
08:48Isa sa mga mahaligang
08:49proseso sa refinery
08:50ang fractional distillation.
08:52Dadaan yan sa furnace.
08:55Ipipreheat yan
08:56ng mga 400 degrees centigrade.
08:58Tapos,
08:59pag napreheat yan,
09:00para mag-vaporize.
09:01Pag vaporize niya,
09:02papasok niya sa ilalim
09:03ng distillation column.
09:04Dahil magkakaibang boiling point
09:06ng hydrocarbons,
09:07nagkakaroon ng paghiwalay
09:09sa iba't ibang fractions.
09:10Sa itaas,
09:11ang mga magkagaang
09:12refinery gases
09:13tulad ng LPG.
09:14Sunod ang napta
09:15nasa 70
09:17hanggang 100 degrees Celsius.
09:18At gasoline
09:19na nasa 40
09:20to 150 degrees Celsius.
09:21Pagkatapos kerosene
09:22o jet fuel,
09:23nasa 150
09:24hanggang 250 degrees Celsius.
09:26Diesel at gas oil
09:28nasa 250
09:28hanggang 350 degrees Celsius.
09:30At sa pinakailalim,
09:32ang pinakabibigat
09:33na residues o bitumen
09:34na lampas
09:35450 degrees Celsius.
09:36Sa side ng
09:37distillation column,
09:38meron mga
09:39collecting pipes yan.
09:40Tapos iko-collect na yun,
09:41pupunta na yan
09:42doon sa mga kanilikan
09:43yung bezel.
09:44At dito,
09:45nagiging mas malapit
09:45sa ating pang-araw-araw
09:46na buhay,
09:47ang crude oil.
09:48Isa sa mga produktong
09:49makukuha
09:50at pinuproseso
09:51mula sa crude oil
09:52ang gasoline.
09:53Ginagamit ito
09:54bilang fuel
09:54ng maraming sasakyan,
09:55kabilang ang mga kotse
09:56at motorsiklo.
09:58May diesel naman
09:59na ginagamit
10:00ng maraming bus,
10:01jeep,
10:01truck at iba pang
10:02diesel-powered vehicles
10:03at equipment.
10:05May petroleum products
10:06din na ginagamit
10:07bilang aviation fuel.
10:09Kaya may connection din
10:10ng crude oil
10:11sa pagpapalipad
10:11ng mga eroplano.
10:13Kapag binroseso
10:15ang crude oil,
10:16hindi lang gasolina,
10:16diesel at jet fuel
10:17ang makukuha.
10:19May mga mas mabibigat
10:20na fractions
10:21na maaaring gamitin
10:22sa paggawa ng lubricants
10:23at asphalt.
10:25The other term for asphalt,
10:26by the way,
10:27is bitumen.
10:27Yung ginagamit natin
10:28sa mga roads,
10:30dinadagdagan na lang natin
10:31ng aggregates yan.
10:32No?
10:33Para talagang
10:34naanda dun yung
10:35para ma-strengthen
10:38yung asphalt.
10:39Pero may iba pang bahagi
10:41ng crude oil
10:41na baka hindi agad
10:42natin may isip.
10:44Nakagawa rin tayo
10:45ng mga plastic materials
10:46from oil.
10:47Hindi man direct
10:48ang nagiging plastic
10:48ang crude oil,
10:50may mga fraction ito
10:51na pwedeng gamitin
10:51feedstock
10:52sa petrochemical industry.
10:55Dumataan pa ang mga ito
10:56sa iba't imang proseso
10:57para makabuo
10:58ng chemicals
10:58na ginagamit
10:59sa plastics,
11:00synthetic fibers,
11:01at iba pang materials.
11:03Sa paligid natin,
11:04marami pa ng bagay
11:05na may koneksyon
11:05sa crude oil.
11:06Isipin niyo
11:07ang mga moment na ito.
11:09Isang araw
11:09sa buhay
11:10ng delivery rider.
11:12Sa biyahe,
11:13papunta sa trabaho,
11:14hanggang sa eskwela.
11:15It's almost everywhere,
11:17no?
11:17Halos,
11:18kung sakakatumingin,
11:19merong product
11:20ang oil dyan.
11:22Kaya kapag pinag-uusapan natin
11:23ang langis,
11:24hindi lang presyo
11:25ng gasolina ang pinag-uusapan.
11:26Mula sa crude oil,
11:28nakukuha
11:28at napoproseso
11:29ang iba't ibang petroleum products
11:31at raw materials
11:32na ginagamit
11:32sa transportasyon,
11:33industriya,
11:34at sa ating pang-araw-araw
11:35na buhay.
11:36ang gazelle,
12:19Transcription by CastingWords