Skip to playerSkip to main content
Bukod sa mismong gastos ng organizing committee ng 2019 Southeast Asian Games, naungkat din ang gastos sa sports complex sa New Clark City na ginamit noon.

Naniniwala ang isang dating senador na dapat maimbestigahan ulit ang isyu na naputol dahil inabutan ng pandemiya.

Pero kung pakinabang lang naman, binisita iyan ng GMA News para malaman kung nasasayang ba ang pasilidad na ginastusan ng mahigit P10 bilyon.

24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Bukod sa mismong gastos ng Organizing Committee ng 2019 Southeast Asian Games,
00:06naungkat din ang gastos sa sports complex sa New Clark City na ginamit noon.
00:12Naniniwala ang isang dating senador na dapat maimbestigahan ulit ang issue na naputol dahil inabutan ng pandemia.
00:21Pero kung pakinabang lang naman, binisita yan ng GMA News
00:25para malaman kung nasasayang ba ang pasilidad na ginastusan ng mahigit 10 bilyong piso.
00:34Nakatutok si Marie Zumali.
00:39Nasa sentro muli ng kontrobersya ang New Clark City Sports Complex sa Kapas Tarlac
00:44na ginamit ng i-host ng Pilipinas ang 30th Southeast Asian Games noong 2019.
00:49Kasunod yan ang anunsyo ni NBI Director Melvin Matibag
00:53na pa-iimbestigahan niya ang umano'y irregularidad sa naging gastos noong 2019 SEA Games.
00:58Sabi ngayon ni Matibag, ipapasagpina niya sa lunes
01:01ang Board of Directors ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee o FISGOC.
01:06Pero hindi raw kasama rito si Nuoy House Speaker
01:09at ngayon Senador Alan Peter Cayetano na Chairman ng FISGOC noong 2019.
01:13Papasagpina na po natin si Ramon Susara, yung po yung Chairman noong 2019.
01:19Yung iba pong incorporate, yung mga directors na nakalagay dito.
01:25Kasama rito po yung CFO nila, si Dexter Estacio at yung Corporate Secretary na si Lester Brinso Seso.
01:35Meron lang akong nanotis dito, nakakapagtaka, nung binanggit natin na iimbestigahan natin ito,
01:41bakit kaya nag-react si Sen. Cayetano, Alan Peter Cayetano,
01:47eh wala naman po yung pangalan niya rito.
01:49So ito po yung isang katanungan natin sa manding sabwina natin itong sinasusara
01:54to explain what is the role of Sen. Cayetano.
01:57Sinusubukan pa namin makuha ang panig ni Cayetano at ng iba pang binanggit ni Matibag.
02:02Kanina sinabi rin ng Office of the Ombudsman na kanilang sisilipin ang files ng reklamo noon
02:07kaugnay ng New Clark City Sports Complex.
02:10Matatandaang na-dismiss ang reklamo laban kay nooy BCDA Chairman at ngayon DPWH Secretary Vince Dizon.
02:17Just this morning, I asked my staff to get the whole file from 2021
02:26to see and to look at the possible violations of law.
02:36We're opening it up again. Bubuksan namin yan.
02:39Sinisika pa namin makuha ang panig ni Dizon.
02:42Taong 2018 na itayo ang New Clark City Sports Complex
02:45na ginastos na nang aabot sa 10 billion pesos.
02:48Ito pong athletic stadium and track na tinatayuan ko
02:51ay bahagi ng New Clark City Sports Complex
02:53na itinayo sa loob lamang ng labing walong buwan.
02:56Sakto para sa pagdaos na 30th Southeast Asian Games noong October 2019.
03:03Bukod sa athletic stadium na ito,
03:05meron ding aquatic center, athletes village at iba pang pasilidad.
03:08Bukod pa ang kontrobersyal na cauldron na ito
03:11na nagkakahalaga ng 45 million pesos na pinunan na noon ng mga senador.
03:15Ang mahiwaga at pinakabalaking kaldero sa buong mundo sa ating kasaysayan ng ating bansa.
03:25Naging pangamba rin noon kung paano magagamit ang mga pasilidad
03:28oras na magtapos ang 2019 SEA Games.
03:31The country may have been left with a gigantic white elephant in central zone.
03:36Binalikan namin ang New Clark City Sports Complex na ganito ang itsura ngayon.
03:41Matatagpuan na ngayon dito ang National Academy of Sports.
03:44Ang mga pasilidad, ginagamit ng kanilang student-athletes para sa kanilang mga pagsasanay.
03:50Nito lang July 14 mismo si Pangulong Bombong Marcos ang pumunta rito sa New Clark City
03:55para bisitahin ang mga nagda-training ng mga student-athletes.
03:59Gamit na gamit po ito ng student learners natin here in the Academy
04:02for our students to be able to use these kinds of facilities
04:06that directly impacts the quality of their training.
04:09Every day po namin ito ginagamit, lalo po pag may competition po kami.
04:12It helps us to reach our dreams kasi it's a really nice facility po.
04:16Training this facility helped me qualify for Palaro, Palaro Pambansa,
04:20and it also helped me qualify for the Junior Philippine National Team.
04:26Pero hindi biro ang gasto sa pag-operate at pag-maintain ng pasilidad.
04:30Noong 2022 at 2023 audits sa ahensya,
04:34inihayag ng COA na mas malaki ang ginagastos ng BCDA
04:38sa annual maintenance ng sports facilities kumpara sa kinikita nito.
04:41Noong 2022, gumastos ang BCDA ng lagpas 51 million pesos
04:46para sa operations at maintenance ng NCC.
04:48Dahil 39.8 million pesos lang ang adjusted rent income ng ahensya,
04:53lumabas na lugi ang BCDA ng 11.39 million pesos.
04:58Noong 2023 na lugi ang BCDA ng 5.77 million pesos.
05:03Sinusubukan pa namin makuha ang panig ng BCDA ukol dito.
05:06Pero dati na nilang sinabi na nakapag-host sila ng iba't-ibang mga events
05:10sa New Clark City Sports Complex.
05:12Patunay raw na thriving ang pasilidad at hindi isang white elephant.
05:16Sabi ni Nuoy, Senate Blue Ribbon Committee Chairman Richard Gordon,
05:20nagsimula silang investigahan noon ang New Clark City Sports Complex
05:23pero hindi na natuloy dahil inabutan ang pandemic.
05:27Naniniwala siyang dapat ituloy ang investigasyon dito ngayon.
05:30We found that there seem to be a lot of anomalies.
05:33Pag may kaso sa ombudsman, within 10 years, you can still investigate.
05:39So they will have to open up because this involves billions.
05:42Maris Umali, Nakatutok, 24 Horas.
Comments

Recommended