Skip to playerSkip to main content
Mga pasaherong aalis ng Metro Manila ngayong long weekend, inaasahang daragsa; International Media Center para sa ASEAN Summit, binuksan ngayong araw;
INTERVIEW: DOE-OIMB DIR. RINO ABAD: Extradition warrant of arrest laban kay KOJC founder Pastor Apollo Quiboloy at 2 iba pa, inilabas ng Makati RTC; Ilang estudyante, nag-walkout sa klase para iprotesta ang pagbisita ni U.S. Pres. Donald Trump sa bansa; 17-anyos na lalaking sinaktan umano ng isang pulis, nagsumbong sa NAPOLCOM; Dating Bulacan 1st District Engineer Henry Alcantara, isinalang bilang testigo ng prosekusyon sa bail hearing ng kaso ni Sen. Jinggoy Estrada; Shuvee Etrata at Baus Rufo, nag-share ng tips tungkol sa online content creation sa National Student PR Congress; CBB: Giant Christmas tree na may candy-themed ornaments, pinailawan 




Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.          

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app. Download now on Google Play and App Store. Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AgI_UbY4C1GhwFZ5CQL3N5c


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de 


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanew
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Early bird ang eksena ng ilang uuwi sa probinsya para sa long weekend.
00:04Pinili raw nilang bumiyahe ng maaga para makaiwa sa dagsa ng mga pasahero.
00:09Sa isang bus terminal sa Maynila, fully booked na po ha ang mga biyahe papuntang Apari at Tugigaraw, Cagayan at
00:16Tabuk, Kalinga, simula mamayang alasais ng gabi.
00:20Tumatanggap pa rin daw sila ng walk-in sa posibilidad na maging chance passenger.
00:25Sa Cubao Bus Terminal, mamaya ang hapon o bukas ang inaasahang dagsa ng mga biyahero.
00:31Idiniklara ng Malacanang ng Special Non-Working Days ang lunes hanggang Merkules sa Metro Manila habang idinaraos ang 49th ASEAN
00:39Summit.
00:42Update po tayo sa paghahanda sa 49th ASEAN Summit and related summits na opisyal nang magsisimula sa linggo.
00:50May ulat on the spot si Maris Omali.
00:57Conny, formal na nga binuksan itong International Media Center dito sa World Trade Center dito sa Pasay City
01:03na magsisilbing local o itong central hub ng mga local and foreign media journalists na magko-cover sa 49th ASEAN
01:15Summit.
01:18Mga tradisyonal na sayaw mula sa iba't ibang rehyon ng bansa ang bumati sa mga delegado at mamamahayag na dumalo
01:25sa forma na pagbubukas ng IMC.
01:27Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Lino Cayetano, magiging bintana itong IMC sa kagandahan at kultura ng Pilipinas.
01:35Sa November 14, pangungunahan ni Foreign Affairs Secretary Maria Teresa Lazaro ang huling pagpupulong ng ASEAN Foreign Ministers ngayong taon.
01:43Magkakaroon din ng 32nd ASEAN Political Security Community Council Meeting at 39th ASEAN Coordinating Council Meeting.
01:50Isa sa mga pinakamahalagang usapin sa summit ang pagkakaroon ng Code of Conduct o COC sa South China Sea.
01:56Ayon kay ASEAN Affairs Postperson Dax Imperial, nasa 70% na ang mga progress sa negosasyon para sa COC.
02:05Pero nilino ni Imperial na hindi ito nangangahulugang 70% na na mga talata o provisions ng kasunduan ang napagkasunduan
02:13na.
02:13Apat naman ang pangunahing usaping inaasahang magbubunga ng desisyon at karagdagang hakbang sa summit na may direktang epekto sa mga
02:20mamamayan.
02:21Kabilang dito ang energy security, lalo na ang mga hakbang para matugunan ang epekto ng krisis sa Middle East, sa
02:27supply at presyo ng enerhiya,
02:29pangalawa ang food security o siguridad sa pagkain, pangatlo ang pagpapalakas ng paglaban sa transnational crimes at online scams,
02:36at pangapat ang pagprotekta sa karapatan at kapakanan ng migrant workers, lalo na ang mga Pilipino nagtatrabaho sa ibang bansa.
02:43Sa ngayon, Connie, hindi pa maibigay ang mga detalye ng mga nakatakdang engagement ni U.S. President Donald Trump sa
02:51November 18,
02:52pero kinumpirma na magkakaroon ng press conference sa pagtatapos ng summit na pangungunahan mismo ni President Bongbong Marcos.
02:59At yan ang pinakasariwang balita mula rito sa IMC. Balik sa iyo, Connie.
03:02Maraming salamat, Maris Umali.
03:06Kaugnay sa napipintong panibagong rollback sa mga produktong petrolyo,
03:10kausapin natin si Department of Energy Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad.
03:14Magandang tanghali po sa inyo.
03:16Magandang tanghali sa programa ninyo at sa ating mga kababayan.
03:21Ano pong pangunahing daylan dito sa panibagong round ng oil price rollback sa susunod na linggo?
03:27Well, tuloy-tuloy lang ho.
03:30Yung repricing ng premium, ng risk premium, no?
03:35Sa naging magandang risulta dun sa assessment or expectation ng oil market na mukhang hindi mag-e-escalate.
03:45Sa panahon na ito, even after the U.S. midterm election,
03:51eh hindi na nga nag-e-escalate dahil nga mukhang humina, in short,
03:57ang momentum ng Trump presidency dun sa kawalan niya na ngayon ng control dun sa Congress.
04:05So yan ho ang pinanggagalingan at mainly na pinanggagalingan ng premium repricing, no?
04:13Repricing lang ho ang event na ito.
04:15So ang basihan nito ay yung expectation.
04:17Wala pa ho tayong diplomatic development, paving to peace agreement
04:25at siyang mag-re-resulta talaga ng pagkakaroon ng normalization ng supply sa Persian Gulf.
04:32Pakilinaw nga po kasi kung binili ng mga oil companies ito sa isang halaga
04:37at pagkatapos ay magkakaroon ng repricing,
04:40papano ho yung kalakaran ho ba rito?
04:42So kasi ang sinasabi nung iba, mahal binili o kaya mas murang binili at ibibenta habang nandito na yung supply
04:49sa bansa.
04:49Papano ho ba ginagawa po ito?
04:51Well, ganun lang ho ang naging arrangement kasi in vice versa, no?
04:56Nang binili nila ng mura at biglang tumaas, nangyari na ho yan in the previous five weeks or so,
05:04may increase tayong one week na umabot ng almost 13 pesos.
05:09Yan ho ay in-implement ho natin kasi ginagamit nga ho natin yung recovery pricing.
05:16Kung ano ho yung tingin nyo ay dapat ma-recover nyo para may puhunan kayo para sa replenishment,
05:24e ganun din ho ang inyong ipaprice.
05:28At the same time, kung bumaba naman yan, e dapat ibaba nyo dahil dati tinaas nyo yan,
05:35ngayon bumaba, dapat ibaba nyo rin.
05:36Alangan namang pwede lang kayo magtaas, hindi kayo pwede magbaba.
05:40Mm-hmm. Pakilinaw din po yung komento online dahil na ibang nagsasabi na dahil lang daw po sa ASEAN,
05:45kaya bumaba itong presyo ng langis?
05:49Ay, wala hong nikatiting na relasyon ang nangyayari sa ASEAN,
05:55sa nangyayari sa pricing, lalo na sa international market, no?
06:00Yung mga benchmark na yan, like Dubai Crude, Minogplatz, Singapore,
06:07wala hong relasyon dun sa kahit anong nangyayaring mga meetings in different parts of the world.
06:15At posible po kaya magtuloy-tuloy pa itong rollback hanggang sa matapos ng taon?
06:20Well, may quotient kasi yung expectation-based na repricing, no?
06:25Pag mag-evaporate yung expectation na yan dahil hindi nga nasundan ng totoong peace agreement
06:34at hindi nasundan ng pag-normalize ng supply,
06:39eh magiging tight pa rin ang supply at any event na magkukos nung pagka wala nung expectation na yan,
06:48na wala nang escalation o military conflict, eh paano kung mag-escalate?
06:55O, yun mo, ay babalik uli yan.
06:57Kaya ang tawag pa rin ho natin ngayon sa period na to ay yung tinatawag na contested recovery.
07:03May mga attempt lahat gusto mag-attempt na mag-recover at mag-normalize,
07:08pero contested kasi mayroong napakataas na maritime risk.
07:14So, ngayon, yung risk na yan bumaba dahil lang dun sa expectation na humina yung authority ni Trump.
07:25Kasi nga, nanggaling na nga dun ang kanyang siguro,
07:28malaking bagay yun yung pagkatalo nila dun sa midterm election
07:34dahil dun sa hindi na gusto ng U.S. population yung kanyang policy.
07:40At primarily, ang policy niya na sikat na sikat ay yung nangyayaring gulo at conflict with Iran.
07:47Sana po magkaroon na ng final peace agreement para mas lalo pang bumaba yung presyo ng langis.
07:52Maraming salamat po sa oras na binahagi niyo po sa balitang hali.
07:55Opo, magandang tanghali ulit sa lahat.
07:57Yan po si Direktorino Abad ng DOE.
08:02Mainit na balita, inilabas na ng Makati Regional Trial Court
08:05ang extradition warrant of arrest laban kay Kingdom of Jesus Christ founder, Pastor Apolo Kibuloy.
08:11Ayon sa DOJ, nakitaan ng Korte ng probable cause ang hiling nila
08:14kaya nag-issue ng extradition warrant laban kay Kibuloy at dalawang iba pa.
08:19Nag-issue rin ng Korte ng hold departure order laban sa tatlo.
08:23Nitong lunes, nang-iahain ng DOJ ang extradition request sa Makati RTC.
08:29Nahaharap si Kibuloy at dalawang iba pa sa patong-patong na kaso sa Amerika,
08:33kabilang ang international human trafficking, sex trafficking, conspiracy at bulk cash smuggling.
08:40Una lang sinabi ng DOJ, ang extradition process ay hindi nangangulugang guilty si Kibuloy.
08:45Lilitisin pa siya sa Korte sa Amerika.
08:48May 15 calendar days sa mga extradayte para mag-hahain ng verified answer.
08:53Wala pang komento ang kampo ni Kibuloy, kaugnay, sa extradition warrant of arrest.
08:58Nakakulong siya ngayon sa Pasig City Jail para sa mga kasong child and sexual abuse
09:02at qualified human trafficking na dati na niyang itinanggi.
09:07Nakikilos protesta ang ilang istudyante para kundinahin ang pagbisita sa bansa
09:12ni U.S. President Donald Trump.
09:14May ulot on the spot si Ian Cruz.
09:16Ian?
09:17E-bookout na mula sa kanilang mga klase ako at sigabi ng UPD Liman.
09:23Ngayong nga umaga, di lang sa insinigil nila.
09:26Si U.S. President Donald Trump.
09:29Ayon si Ian Cruz.
09:32Silica.
09:38At Administrasyong Marcos, ang kontroversyal na playa sa Pax Silica.
09:42Hindi umano kayang sapatan ang sinasabing kita sa Pax Silica ang masisira at mawawala ng mga tirahan lalo na sa
09:49kanay ng mga katutubo.
09:50Kaysa rin ng mga estudyante si Kabataan Rep. René Coe na nagsabing hindi well sa bansa.
09:57Kapag natuloy raw ang Pax Silica, magbukalin ang ating lupa.
10:01Sa samang talahin ang mga mga magagawa, paalisin ng mga katutubo at magsasaka para ma-set up lamang ang nasabing
10:07proyekto.
10:07Abang nangyayari ko rin ang walkout sa Unisiman, nagsasagawa rin ang walkout mula sa kanilang mga sulit-karagan.
10:14At in-menyo, de Manila University.
10:22Ian, babalikan ka namin.
10:28Maya-maya lamang, Ian, para sa iyong report, nagkakaroon lang tayo ng technical difficulties.
10:35Isang binitilyo na nakaranas umano ng pagmamalupit sa isang pulis ang nagsumbong sa National Police Commission ng ngayong araw.
10:41May ulap on the spot si Oscar Oida.
10:44Oscar?
10:45Yes, Rafi, dumulog nga sa tanggapan ng Nampolcom ang isang 17 anos na binata at ang kanyang ama upang isumbong
10:51ang anilay naranasang pangumalupit ng minor de edad.
10:54Saka may pamandin umano ng isang pulis.
10:56Kwento ng binata, gabi nitong October 31, nagmamaneho siya ng motorsiklo ang kasangkanyang tsuwin sa may baliwag punilan bypass road
11:05nang madaanan daw niya ang isang grupo ng mga pulis.
11:08Nang matapat daw siya sa isa sa mga pulis, ay bigla na lang umano siyang hinampas ng mahabang baril sa
11:14kanang balikat.
11:15Kalaunan, ay din nalapa umano sila sa istasyon at in-impound ang kanyang motorsiklo.
11:20Ayon sa binatilyo, wala namang mga signages para isipin niyang may nagaganap na checkpoint sa lugar.
11:25Ang ama niya, napaiyak na lang kanina sa sobrang sama umano ng loob.
11:30Hindi ron yung maatimang sinapit ng anak.
11:32Dalawang linggo na daw siyang di nakakapasok sa trabaho, bunso na nangyari, pagkat siyang nag-aalaga sa anak.
11:38Tutuloyan daw nila ng reklamo ang nasabing pulis at di daw siya papaareglo.
11:43Ayon kay Napol Compromision na Rafael Kalanisan, nakikipag-unay na sila sa baliwag pulis kaugray nito.
11:49Panalagutin daw nila ang pulis na nanakit sa minor de edad.
11:52Posible din ang manong madamay ang iba pang kasamahan nito kung mga patunayang nagsagawa ng mga ito ng checkpoint o
11:58improper checkpoint.
12:00Base kasi sa kwento ng bata, mukha daw na di nasunod ang mga panuntunan sa pagsagawa ng isang dehitimong checkpoint
12:08kung checkpoint man daw itong nangyari.
12:11Rafi?
12:12Maraming salamat, Oscar Oida.
12:20Isinalang ng prosekusyon si dating Bulacan 1st District Engineer Henry Alcantara sa bail hearing ng kasong plunder ni Sen. Jingoy
12:27Estrada.
12:28Sa kanyang kastimonya sa Sandigan Bayan 5th Division, sinabi ni Alcantara na nakatanggap ng 200 million pesos na commitment o
12:35kickback si Estrada.
12:37Mula raw yan sa budget ng mga proyekto sa DPWH Bulacan 1st District Office at pondo ng 3rd District Engineering
12:44Office.
12:45Dagdag ni Alcantara, si dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo ang nagpahatid ng pera sa basement parking ng isang hotel noong
12:522025.
12:53Wala pang pahayag kaugnay nito ang kampo ni Estrada.
12:56Dati nang itinanggi ng senador ang mga parata.
13:06All about online content creation. Yan ang tinalakay sa De La Salle College of St. Peniel.
13:13Guest speaker sa event sina Sparkle star Shuvie Etrata at Kapuso Baos Ruko kung saan nagbigay sila ng tips sa
13:20mga estudyante.
13:21To all the younger generation, I think it's important to know who you really are kasi hindi madali ang mundong
13:28ito.
13:29So sana prepared kayo sa haharapin ninyo and I believe you can make it as long as you believe in
13:35yourself.
13:36Binigyan diin naman ni Baos ang kahalagahan ng life outside social media.
13:42Importante rin na meron kang buhay outside social media. Know your village, know your tribe.
13:48Kasi diba pag napapagod ka sa criticism o sa pag-chase ng engagement or validation na importante sa trabaho natin.
13:55Kailangan alam mo pa rin kung sino ka without the social media.
13:59Higit sa lahat, dapat daw mag-spread ang content creation ng positivity online.
14:06Ayon sa head ng National Student PR Congress, layo ng pagtitipon na maturuan ang mga estudyante na maging ethical at
14:14responsable sa kanilang public relations.
14:16Our goal is basically to bring the industry closer to the students because of course we want to prepare them
14:27for the future of the profession.
14:29And we also want to bridge the gap between the academia and the industry.
14:35Certified body goals, si Kapuso First Lady of Primetime, Sanya Lopez, as the cover girl sa comeback issue ng isang
14:43men's lifestyle magazine.
14:44Showing her sultry and sexy side si Sanya, sotang black and white two-piece set.
14:50Kita ang toned body ni Sanya sa pagbabalik sirkulasyon ng men's lifestyle magazine.
14:56Na-achieve daw niya yan dahil sa preparation ng aktres.
15:00Nung nabalitaan ko siya parang mga two weeks before this shoot, so ang kaya ko lang gawin nun, siguro mag
15:07-workout lang ako sa bahay, bilang busy rin tayo sa mga shootings.
15:11And then sauna lang, diet, todo diet.
15:16Tampok din sa comeback issue ng magazine si Kapuso Stars, Lizelle Lopez, Ara San Agustin, Tay Lorenzo, Annalyn Baro at
15:25Vanessa Peña.
15:27Sexy man ang kanilang poses, all for women empowerment and healthy bodies daw ang intensyon ng Kapuso Ladies.
15:35Nelson Canlas, nagbabalita para sa GMA News.
15:41Happy Long Weekend po sa ating lahat.
15:43Yan po ang may init na balita ngayong tanghali.
15:44Ako po si Connie Sisa.
15:46Rafi Tima po.
15:47Ito po ang GMA News.
15:48Walang kinikilingan, walang pinoprotektahan.
15:50Noon at ngayon, serbisyong totoo.
15:52.
15:53.
15:53.
15:56.
15:56.
15:56.
15:57.
Comments

Recommended