- 9 minutes ago
- #gmanews
- #serbisyongtotoo
- #breakingnews
2 motorcycle rider na walang suot na helmet, ilegal na nagkarera; Isabela, Basilan RTC presiding judge Joseph Wee Sit, patay sa pamamaril sa Zamboanga City; Cleanup drive, isinagawa sa isang eskwelahan kasunod ng pagkamatay ng 2 mag-aaral dahil sa dengue; Netizens, hooked sa mala-world class at level up animation ng GMA Pictures film na "Ella Arcangel: Awit ng Pangil at Kuko"; Bagong signages, ikinabit sa EDSA-Makati southbound lane; ilang bangketa, pininturahan; Taxi driver, tinangkang tagain ang nakaalitang motorcycle rider; isa pang rider, tinangka rin daw niyang saktan; Tinderong nahuli-cam na nagbebenta umano ng ilegal na droga, arestado; wala siyang pahayag; Mahigit P200,000 na dinner sa Japan na binayaran gamit ang credit card ni Atty. Mans Carpio, inusisa; Suspek sa pagpatay sa 42-anyos na pharmacy attendant, arestado; tumangging magbigay ng pahayag; Naomi Cesar, nakakuha ng silver medal sa Women's 800m final sa Dakar 2026 Youth Olympic Games
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app. Download now on Google Play and App Store. Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AgI_UbY4C1GhwFZ5CQL3N5c
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanew
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app. Download now on Google Play and App Store. Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AgI_UbY4C1GhwFZ5CQL3N5c
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanew
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Patay sa pamamaril sa Zamboanga City ang isang judge ng Isabella Basilan Regional Trial Court.
00:05Naglaan ng 2 million pisong pabuya ang mayor ng Zamboanga City para sa ikaaresto ng mga salarin.
00:12Balitang hatid ni June Veneracion.
00:17Biglang tinabihan at nag-overtake ang isang motosiklo sa isang SUV habang binabagtas ang tumaga Putik Road sa Zamboanga City.
00:25Hindi na nakunan pero binaril na pala ng mga demotorsiklong salarin ang driver ng SUV.
00:32Nasaksihan ng isang residente ang crimen.
00:34Dito parang tatlong putukan niya tayo tapos nasigundahan ng apat mayroon.
00:41Basta estimate ko mga pito, walo parang motor na kasubaybay.
00:45Ang biktima, kinilalang si Judge Joseph Wissett, presiding judge ng Regional Trial Court Branch 2 sa Isabella City, Basilan.
00:55Rumisponde ang mga operatiba ng Zamboanga City Police Station 7 sa crime scene at nadala pa si Judge Wissett sa
01:01ospital.
01:02Pero namatay din kalaunan.
01:05He sustained 6 gunshot wounds and it was perpetrated by 2 unidentified as of now suspects riding in tandem na
01:16motorcycle.
01:18Magkakadikit na tama ng bala ang makikita sa driver's side na bintana ng SUV.
01:23Walong basyo ng bala ng .45 caliber pistol ang narecover sa crime scene.
01:28Maring kinundin na ng Zamboanga City Police Station ang krimen.
01:31Bumuo na ng Special Investigation Task Group ang Police Regional Office 9.
01:36Activated the Special Investigation Task Group to ensure the immediate, thorough and focused investigation of the case.
01:45The PNP is employing all available resources.
01:50Ipinaguto sa Sabuanga City Police Office na paigtigin ang manhunt operations laban sa dalawang at large na sospek.
01:57Hinikayat din nila ang publiko na kung ma-informasyon sa kinaroroon na ng mga sospek, agad ipagbigay alam sa pinakamalapit
02:05na police station.
02:05Sisiya sa atin kung may kinalaman sa magpatay ang mga hawak na kaso ng 38 ayos na hukom na residente
02:13ng Zamboanga, bagaman naka-assign sa basilan.
02:16According to the family, they have received no threats.
02:19So we are looking at all the possible motives regarding this incident.
02:24Nakikipagugnahin na ang Korte Suprema sa mga law enforcement agencies para sa isinasagawang investigasyon.
02:29Ang Office of the Judiciary Marshal sa inatasang makipag-usap sa PNP para mapanagot ang mga nasa likod ng krimen.
02:38Inatasang Chief Justice Rodile Zalameda, ang Office of the Court Administrator na personal na makapagunayan sa naulilang pamilya na Judge
02:46Uwisit para sa anumang tulong na kanilang kakailanganin.
02:50June Venaracio, nagbabalita para sa GMA News.
02:56Nag-clean-up drive kontra dengue sa Tabunok Central Elementary School sa Talisay, Cebu.
03:02Kasunod po yan ang panibagong kaso ng dengue sa nasaming eskwelahan.
03:06Dalawang estudyante na ang iniulat na namatay.
03:08Isinailali muna sa Modular Distance Learning ang mga mag-aaral.
03:13Nagsagwa na rin po ng misting ang Talisay Dengue Task Force.
03:16Sa Iloilo City, umabot na sa mahigit 800 ang dengue cases mula Enero hanggang nito pong November 7 ayon sa
03:25Iloilo City Health Office.
03:27Halos 50% na mas mataas po yan kumpara sa parehong panahon noong isang taon.
03:33Syam na ang nasawi sa Iloilo City dahil sa dengue ngayong taon.
03:36Sa buong bansa, mahigit 230,000 na ang dengue cases mula January 4 hanggang nito pong October 31 ayon sa
03:46Department of Health.
03:47Payong muli sa publiko, gawin ang apat na T, taob, taktak, tuyo at takit para mapanatili ang malinis at ligtas
03:55na komunidad laban sa mga sakit mula sa lamok.
03:59Magpakonsulta agad sa doktor kapag nakaranas ng mga sintomas ng dengue gaya po ng rashes at lagnat sa loob ng
04:05dalawang araw.
04:31Yan ang patikim ng full trailer ng obra ng GMA Pictures
04:36GMA Public Affairs, 20 Manila and Rocket Sheep Studio na Ella Arcangel, Awit ng Pangil at Kuku.
04:44Featuring kapuso Prime Gem, Bianca Umali bilang boses ni Ella at kapuso comedy genius Michael V. Asmi Neal.
04:52Trailer pa lang, hook na ang netizens sa mala world class at level up na animation ng pelikula.
04:58Mapapanood na ang Ella Arcangel, Awit ng Pangil at Kuku bilang opening film sa Q Cinema International Film Festival.
05:06After their successful Lalapalooza 2026 performance, muling ibabandera ng P-Pop Kings SB19 ang Filipino music sa global stage.
05:17Nakatakdang magperform ang grupo sa second day ng Iconic Music and Arts Festival sa Amerika na Coachella sa April 2027.
05:26Mixed emotions ang boys dahil pangarap lang nila dati ang magdebut sa Coachella stage.
05:32Chika ni SB19 leader Pablo, dinededicate nila ang opportunity na ito sa 18 na hindi tumigil maniwala sa kanila since
05:40day one.
05:41Nelson Canlas, nagbabalita para sa GMA News.
05:47Tinipensahan ng Malacanang ang puna ng ilang grupo sa P22.9 billion pesos na pondo para sa 49th ASEAN Summit.
05:54Humingi naman ng pasensya si Pangulong Bongbong Marcos sa mga naabala sa pagkahanda at iginit na may mas malaking benepisyo
06:01para sa Pilipinas ang ASEAN Summit.
06:03Balitang hatid ni Chino Gaston.
06:09Bilang pagkahanda sa ASEAN Summit, suspindido ang number coding sa Metro Manila mula lunes hanggang miyerkules.
06:17Nagkabit ng bagong signages tulad sa Edza Makati Southbound Lane.
06:21Sa kabilang lane, inaapura na mga tauhan ng DPWH ang pagpipintura sa bangketa.
06:27Ilang motorista na rin ang 30 minutong pinahinto.
06:30Ito ang stop and go system para magbigay daan sa mga dumaraang delegates ng ASEAN Summit.
06:38Traffic na sa ilang bahagi ng Metro Manila.
06:41Na traffic pati ilang senador.
06:43Kaya begtado pati roll call ng impeachment trial.
06:47To afford some of the senator judges facing heavy traffic given the season and perhaps pre-ASEAN preparations to be
06:56able to arrive at a later time.
06:58We shall call the roll at 11 a.m.
07:04Let the journal and the record reflect that intention and that intention of the presiding officer.
07:14So ordered.
07:15Batid ni Pangulong Bongbong Marcos na may mga naaabala dahil sa mga paghahanda para sa ASEAN Summit.
07:21Pansamantala namang ito, kaunting pasensya lang.
07:25Di ako na mas matimbang pa rin ang mga benepisyong matatamasa natin mula sa mga polisiyang mapagkakasunduan at sa mga
07:33trabahong malilikha.
07:35Mga kababayan, ayon sa Pangulo, nakikinabang sa iba't ibang pagditipon ng ASEAN ang mga lokal na industriya gaya ng paghahabi
07:43at local food manufacturer.
07:46Pati mga hotel, transport provider at maging ang gumagawa ng mga souvenir para sa mga event ng ASEAN.
07:54Pagkakataon din ito para manghikayat ng mga delegado na bumalik sa Pilipinas bilang turista.
08:00Mas malalim pa sa pagiging visa-free natin sa mga ASEAN countries ang dalang benepisyo ng ugnayang ito.
08:08Lalong-lalo na sa panahong ito na marami tayong krisis na hinaharap mula sa pagtaas ng presyo ng langis,
08:15tapos ang ating mga security concerns, tapos itong parating na El Niño ay kailangan buo ang paggalaw ng buong ASEAN.
08:24Kaya sa kabila ng pambabatikos ng ilang grupo sa P22.9 billion na budget na inilaan para sa pag-host
08:32ng ASEAN Summit,
08:33ayon sa palasyo, sulit ang gasto sa pondo na bubuksan din naman daw sa audit.
08:39Kaugnay naman ang mga inilagay na barrier na inilagay para takpan ang mga ilog at karinderiya
08:45sa mga bangunahing kalsada papuntang airport, sabi ni Palace Press Officer Claire Castro.
08:51Sa akin nakita, meron tayong nakita ang mga arts na ginawa.
08:55Ito ay pagmamalaki na rin kung ano ang kakayahan ng mga kinikilala nating mga artists sa Pilipinas.
09:03Sinagot din ang palasyo ang mga nagsasabing vanity o yabang lang ng Pangulo ang paghahanda sa ASEAN Summit.
09:10To suffer because of the vanity of the President?
09:16Bakit? Ang Pangulo ba nagpapaganda sa sarili niya?
09:18Ano ba ang pinapaganda natin? Hindi ba ang Pilipinas?
09:23Chino Gaston nagbabalita para sa GMA News.
09:33Habang nasa loob ng taksi, pagalit na iwinasiwas ng taxi driver na yan sa Iloilo City ang hawak niyang itak.
09:40Hindi tinamaan ang katabi niyang pasahero maging ang kausap na motorcycle rider na kaaway niya.
09:45Ayon sa pulis siya, nag-ugat ang road rage dahil sa pagharang umanoos ng motorsiklo sa taxi na ikinagalit ng
09:51driver.
09:52Bukot sa nahuli kam, may isang rider pa rao na tinangkang tagain ang taxi driver na nakaiwas naman.
09:58Sabi ng driver sa pulis siya, dala niya ang itak para sana ipahasa.
10:03Nagkaareglo na ang taxi driver at isa sa mga tinangkanyang saktan.
10:07Inagpapaliwanag na rin siya ng Land Transportation Office Region 6.
10:11Ayon sa kumpanya ng taxi, nire-review nila ang nangyari at dedesisyonan kung sususpindihin o tatanggalin ang driver.
10:21Arestadong isang tindero sa Marikina Public Market na nahulihan sa umano yung sideline o nahuli kam sa umano yung sideline
10:29na pagbibenta ng iligal na droga.
10:31Ang mainit na balita, hatid ni Gabriel Gonzalez.
10:38Alas 10 ng umaga nitong November 8, nakuha na ng CCTV ang lalaking ito na may iniaabot sa isang lalaki
10:46sa computer shop sa Marikina Public Market.
10:48Inabot niya rin ito sa isa pang lalaki.
10:51Nakita ng may-ari ng computer shop ang abutan at dahil kilala o manaw na tulak ng droga ang mga
10:57nag-aabot, pinaalis niya ang mga lalaki.
11:10May iniaabot paumanong pera ang isang lalaki bago nag-alisan.
11:14Nag-post ng CCTV footage sa social media ang may-ari ng computer shop kaya na-alerto ang pulisya.
11:20Nakita po natin yung viral na video po na yun. So immediately po we directed our SDU personnel para po
11:28ipuntahan po yung lugar na nasabi at makipagugunayan po sila doon sa nag-upload po nung video na yun po.
11:34Nagsagawat po tayo ng by-bust operation.
11:36Kinabukasan na arresto sa by-bust operation ang lalaking nag-abot ng umanoy droga sa video na isa palang tindero
11:44ng gulay sa palengke.
11:46Nakuha sa kanya ang may git anim na gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng may git 45,000 pesos
11:52at 500 pisong by-bust money.
11:55Ayon sa pulisya, parokyano ng mga sospek ang iba pang mga tindero, pahinante at biyahero sa palengke.
12:02Baka inisip nila na sa palengke ay baka hindi sila mapapansin. Unang-una maraming tao. Iba naman po isipin nila
12:09na baka pag nag-aputan lang doon ay isipin ng iba ay hindi droga yung kanilang inaabot po.
12:14Nakakulong na sa Marikina Police Custodial Facility ang sospek na maaharap sa reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of
12:222002.
12:24Tumangging magbigay ng pahayag ang sospek. Hinahanap na rin ang pulisya ang ibang mga nakatransaksyon ng sospek.
12:30Gabriel Gonzalez, nagbabalita para sa GMA News.
12:41Sa November 19, Huwebes na itutuloy ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
12:47Maagang natapos ang Day 43 kahapon, kasunod ng pagbawi ng depensa sa karamihan na mga ipinatawag nilang testigo ngayong linggo.
12:54Sa dalawang isinalang na testigo ng depensa kahapon, kinwestyon ng prosekusyon kung naaayon ba sa konstitusyon ang paraan ng pamumuhay
13:02ni Atty. Man Scarpio bilang asawa ni Vice President Sara Duterte.
13:06Balitang hati ni Sandra Aguinaldo.
13:12Mahigit 200,000 pesos para sa isang kainan? Yan ang kinwestyon ng prosekusyon sa ika-apat na putatlong araw ng
13:21impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
13:24Sa pagharap ng defense witness na si Atty. Anel Martin Antero para tumestigo tungkol sa paggastos ng asawa ni Vice
13:33President Duterte na si Atty. Man Scarpio sa Japan,
13:36binusisi ang mahigit 200,000 pisong binayaran ni Scarpio sa isang kainan gamit ang kanyang credit card noong May 2023.
13:44Paano niyo po alam kung magkano yung bill, sir?
13:49Natatandaan ko po quite vividly yung bill namin kasi sa toon lang na nagulat po ako kami in general dahil
13:57hindi po namin akalaing ganun po kamahal yung babayaran po namin.
14:01Sino yung nagbayad ng bill niyo, sir?
14:03Kampi po ang nagbayad. Nagambag-ambag po kami. It's just so happy na yung credit card po ni Atty. Man
14:10Scarpio yung nagamit po sa pagbayad.
14:12Ayon kay Antero, bukod sa kanila ni Carpio, ay kasama nila ang siyam nilang kaibigan.
14:18Ipinahimay ng prosekusyon kung ano ang binili nila sa 200,000 pesos.
14:23Just so we will have an idea, how do we spend 200,000 pesos sa isang upuan? What did you
14:31order?
14:34To my recollection po, generally mga Japanese food po, may tempura, may mga seafood po.
14:41Dahil sa halaga ng gastos, kinwestiyon ang prosekusyon kung alinsunod ba sa saligang batas ang klase ng pamamuhay ni Carpio
14:48bilang asawa ng bise.
14:50The issue in this case is whether 200,000 pesos is an ostentatious kaya po ba ng ating mga kababayan
15:00na kumain sa isang upuan gagasto ng 200,000 pesos.
15:09Is that leading a modest life council?
15:13You asked me to explain, I'm just explaining, you are getting to play.
15:17It's not already the explanation, Your Honor.
15:19This is grandstanding.
15:21Atty.
15:30Iniharap din ang depensa si Chadrin Parian, ang kanilang testigo kaugnay sa mahigit 250,000 pesos na gastos ng second
15:39gentleman sa Malaysia.
15:40Kwento ni Parian, kasama sila ni Carpio at iba pang mga magulang para dumalo sa isang basketball tournament sa Kuala
15:48Lumpur na nilahukan ng kanilang mga anak.
15:51Pagkatapos po na nag-champion yung mga bata, ano po yung nangyari?
15:54Siyempre, bibigyan mo ng doing for their, they're doing a good job.
15:59Ipapasyal namin yung mga bata kasi yung mga iba doon po sa amin, first time lang po bumiyahe.
16:04Ayon kay Parian, habang namamasyal ay nagkayayaan ang mga bata na tumingin ng mga sapatos.
16:10Kalaunan, pumili na ang mga bata na binayaran anaya ni Carpio.
16:14I was near the counter when it happened, when he made the purchase.
16:20At ano po yung ginawa nyo nung nakita nyo yun?
16:23Natuwa po ako kaya kinunan ko yung foto.
16:25Sabi ni Parian, binilhan din ang sapatos ni Carpio pati mga magulang at guardian ng mga bata.
16:32Muling giit ng prosekusyon.
16:34Sa ating saligang batas mismo, nakalagay doon, section 1 ng article 11 ng konstitusyo na
16:41public officers and public employees are supposed to lead modest lives.
16:46Objection, Your Honor.
16:47Pumalma ang ilang senador saan nila'y pinatutunguan ng prosekusyon.
16:52Prosekusyon, I'm warning you.
16:55I will not hide my disdain. I will not. I cannot.
16:59You seem to want to give the impression that as a law-abiding citizen,
17:05that I should not put my kids in sports because mapupuna ako.
17:09You are shaking your head but that is exactly what you are making it appear.
17:14At nakakahiya pala pagka ipasok ko sa sports yung mga anak ko dahil yung sapatos nila ipapansinin.
17:20At pag nagmalasakit ako, as I have.
17:24Diyan po sa kamera, meron po ba dyan mga nakakotse na mga halagang 16 million to 22 million?
17:36Siguro po dapat una natin tingnan yung mga kasama natin dahil may kasabihan nga po tayo.
17:42Tingnan muna natin yung mga kasama natin bago tayo kumahol.
17:45Nabawasan naman ang mga testigo ang iyaharap ng depensa,
17:49partikular ang ibang bank official na kanilang ipinasabpina.
17:53Kaya sa loob ng apat na araw, ubus na ang 24 testigo inilista at pinasabpina ng depensa.
18:00It only manifests how the defense is now panicking.
18:06They're trying to re-strategize again their initial, probably initial attempt to attack the case of the prosecution.
18:14Ayon sa depensa, ayaw na nilang sayangin ang oras ng korte, prosecution pati na ng mga witness.
18:21It's dispensing with their testimonies because kung sa tingin naman namin,
18:25we will just prolong the proceedings, so pwede namang i-stipulate na lang or i-authenticate na lang.
18:31Wala na tayong problema.
18:32Wala naman sir siyang parang implication on the strength or weakness of your...
18:35No, no, no, no, because these are all documentary lang naman.
18:38Sandra Aguinaldo nagbabalita para sa GMA News.
18:46Itinuturing ng case closed ng polisya ang Anilay Crime of Passion na ikinimatay ng isang pharmacy attendant sa Cebu City
18:53nitong Martes.
18:54Yan ay matapos mahuli sa Toledo City ang 37-anyos na sospek na dating karelasyon at katrabaho ng 42-anyos
19:03na biktima.
19:03Nakuha sa sospek ang baril na ginamit sa krimen.
19:06Ayon sa polisya, inamin ng sospek.
19:09Ang pamamaril na nag-ugat daw sa pakikipaghiwalay sa kanya ng biktima.
19:13Tumangging magbigay ng pahayag sa media ang sospek.
19:16Nahaharap siya sa reklamong murder.
19:25May dalawang medalya na ang Pilipinas sa Dakar 2026 Youth Olympic Games.
19:30Nakuha ni Naomi Cesar ang silver medal sa women's 800-meter final sa loob ng 2 minutes and 9.34
19:36seconds.
19:37Nakuha naman ang pambato ng Ethiopia ang gintong medalya habang bronze ang nakuha ng Morocco.
19:43Nakuha naman ni Pai Wangkay ang bronze medal sa men's 200-meter final sa loob ng 21.355 seconds.
19:50.004 seconds lang ang lamang ng pambato ng Guyana na nakakuha ng silver medal.
19:56Nakuha naman ang pambato ng Zimbabwe ang gold medal.
20:00Congratulations, Naomi at Pai!
Comments