00:00Pasado sa ikalawang pagbasa sa Senado ang panukalang ipagpaliban ang barangay at SK Elections.
00:05Tinutulan niya ng ilang senador dahil ma-e-extend ang termino ng mga kasalukuya komensyal.
00:11Kabilang ang ilang umano'y sangkot sa katiwalian, nagbabalik si Sandra Aguinaldo.
00:19Sa November na ang barangay at sangguni ang kabataan elections pero gumugulong sa Senado
00:25ang isang panukalang batas na magpapahaba ng termino ng barangay at SK officials sa limang taon
00:32at magpapaliban sa eleksyon.
00:35Kung maisa sa batas ito, mananatili sa pwesto ang kasalukuyang BSKE officials ng dalawa pang taon
00:42o hanggang sa eleksyon na gagawin sa November 2028.
00:46Pero ilang senador ang nagpahayag ng pagtutol sa pagpapaliban ng BSKE elections.
00:52Ayon kay Senador Tito Soto, paglabag ito sa karapatan ng mga botante na pumili ng mga leader ng kanilang barangay.
01:01The establishment of a five-year term for our BSKE officials is valid and can be done prospectively
01:11without the need to postpone the November 2026 elections.
01:16The Constitution provides that sovereignty resides in the people and all government authority emanates from them.
01:27Thus, the right of suffrage.
01:29Sabi pa ni Soto, may mga pagkakataong na postpone na ang barangay elections
01:34kaya kung ipagpapaliban na naman, baka raw isipin ang publiko na hindi ito pinapahalagahan.
01:41Yung huling extension ay ipinatupad doon lamang nakaraang taon
01:45at pinalawig sa apat na taon ang termino ng BSKE officials.
01:50Hinit ni Soto, marami daw barangay officials ang may kaso
01:53at may mga SK officials din umano na sangkot sa katiwalian.
01:58Eh pati raw yung mga members nung sangguniang katandaan,
02:04ay I mean sangguniang kabataan,
02:08eh meron daw mga nangihingi ng 25%.
02:11Naiinis yung mga taga-barangay.
02:15Itong pagkakataon nilang mapalitan eh.
02:18Pagkakataon nilang iahalal yung mga magatitino at magagaling
02:22at ilisin yung mga bulok o kurap.
02:26Hiniling ni Soto sa kanyang mga kasamahan na pag-aralan muna itong mabuti.
02:31Nauna ng sinabi ni Escudero,
02:33ang sponsor ng Senate Bill 2387
02:35ng pag-e-extend ng termino ng barangay at SK officials
02:40ay paraan para magkaroon ng mas mahabang panahon
02:43sa pagpapatupad ng programang makatutulong sa mga komunidad.
02:48Ito po ay pinapanukala base sa kaisipan
02:52at pinagkakaisang kaisipan ng Kongreso, Kamara at Senado.
02:56Kung ito ay papasa po,
02:57pero ang sinasabi ko nga po palagi,
02:59sana'y mapagpasahan natin ito one way or the other
03:02sa lalong madaling panahon para po hindi masayang
03:04anumang paghahandang balak na sanang gawin ng COMELEC
03:07sa bandang katapusan po ng buwan na ito
03:09na doon na papasok yung sunk cost
03:12na sinasabi ng ating Senate President
03:14na hindi na po natin mababawi.
03:16Nakapasa sa second reading ang panukalang batas.
03:20Sa Kamara, nakapasa na sa third and final reading
03:23ang katulad na measure.
03:26Nauna nang sinabi ng COMELEC
03:27na handa silang magsagawa ng BSKE elections
03:30ngayong Nobyembre.
03:32Sandra Aguinaldo na Katutok, 24 Horas.