Skip to playerSkip to main content
Lalong umigting ang mga panawagang suspindehin ang excise tax sa petrolyo, lalo’t posibleng sumirit ang presyo niyan dahil sa pagsadsad ng halaga ng piso kontra dolyar.


Suportado ng liderato ng Senado at ng ilang grupo ang panawagan pero may kondisyon. #24Oras


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Lalo umigting ang mga panawagang suspindihin ang excise tax sa petrolyo.
00:07Lalo't posibleng sumirit ang presyo niyan dahil sa pagsadsad ng halaga ng piso contra dolyar.
00:13Suportado ng liderato ng Senado at ng ilang grupo ang panawagan.
00:18Pero may kondisyon. Nakatutok si Maki Pulido.
00:2522 liters ang pinakakargang gasolina kada araw ng ride-sharing driver na si Silvestre Oliveros.
00:31Kung masuspinde ang excise tax sa gasolina, makakatipid siya ng 220 pesos kada araw.
00:3710 pesos per liter kasi ang excise tax sa gasolina, 6 pesos naman sa diesel.
00:42Para kay Silvestre, katumbas na ng 4 na kilo ng bigas ang matitipid niya kada araw.
00:47Napakalaki po ma'am hanggang sa araw-araw.
00:50Sa ilalim ng train law, maaaring suspindihin ang excise tax sa petrolyo kung humigit sa US$80 per barrel ang
00:57krudo ng tatlumpung araw.
00:59Bagay na nangyari na dahil batay sa monitoring ng GMA News Research mula noong September 4 pa,
01:06hindi na bumaba ng US$100 per barrel ang krudo.
01:09Sabi ni Senado President Winda Chalian,
01:11Dahil na-breach na ang 30-day average na higit sa US$80 ang kada bariles,
01:18sinusuportahan niya ang pansamantalang suspensyon sa excise tax sa gasolina at diesel.
01:22I would advise and call for the suspension of excise tax.
01:28Dahil ito makakatulong sa pagbaba ng presyo ng langis at presyo ng diesel and gasolina.
01:38Dahil kung prolonged na siya at hindi na rin kaya kasi ibigay yung pantawidpasada,
01:45dahil mas mahaba na yung kailangan ibigay natin pang tawidpasada.
01:51So doon na papasok talagang isuspend na yung excise tax.
02:04Sa patuloy na paghina ng piso,
02:06inaasang lalo pang magmamahal ang presyo ng produktong petrolyo.
02:10Kaya sabi ng ekonomistang si Emanuel Leico,
02:12malaking tulong daw sa kapasidad ni Juan de la Cruz na mamili
02:16kung masuspindi ang excise tax sa gasolina at diesel.
02:19Pagka mas marami pang mga negosyo ang nagsara
02:23at mas marami pang mga consumer ang hindi na maka-abot doon sa kanilang mga pangangailangan
02:31dahil talagang kapos na kapos na ang kanilang pera.
02:35Mas malaking tax revenues ang mawawala sa pamahalaan.
02:40Kaya mas mahalaga na protektahan ang pamahalaan,
02:45ang purchasing power ng consumer.
02:48Sabi ng Federation of Philippine Industries,
02:50makakatulong talaga ang suspensyon.
02:52Pero kung sakali man, dapat pansamantala lang.
02:55Yes, makakatulong siya.
02:57Pero this will be temporary relief.
02:59And it tends to be temporary and targeted also.
03:02And time-bound.
03:03So hindi siya forever.
03:04Hiningan namin ng pahayag ang Malacanang pero hindi pa ito tumutugon.
03:08Mula ng sumipa ang presyo ng krudo dahil sa gera sa Middle East,
03:12dalawang beses nang sinuspindi ng Pangulong excise tax.
03:15Pero sa parehong pagkakataon, ito ay para lang sa LPG at kerosene.
03:19Pinakahuli niya noong September 25 sa visa ng EO-125.
03:24Makipulido na katuto, 24 oras.

Recommended