00:00Mga kapuso, kumbaga sa pelikula,
00:02blockbuster ang unang araw ng pagpaparehistro ng mga butante
00:05sa iba't ibang panig ng bansa.
00:07Sa luneta, tiniis ng maraming estudyante ang init ng araw.
00:12Nakatutok si Darlene Kai.
00:17Sa tingin nila, hindi importante yung boto.
00:19Sana bumoto po kayo kasi kahit katiting lang na boto po,
00:23importante po sa Pilipinas.
00:24Yan ang dahilan ni Tricia,
00:26kaya matyaga siyang pumila sa unang araw ng pagbubukas ng voter registration
00:30ng Commission on Elections o COMELEC kanina sa luneta.
00:33Sa sobrang haba nga ng pila, lumiko-liko na ito.
00:36Ang ilan sa lapag na nakaupo kahit tirik na tirik ang araw.
00:41Karamihan sa mga pumunta sa luneta,
00:43mga estudyante ang unang beses magpaparehistro para makaboto sa 2028.
00:48Importante po siya sa akin kasi if we don't elect the right people,
00:52what will happen to our government?
00:53Hindi lang first-time registrants ang pumila rito sa Special Registration Anywhere Program sa luneta.
00:59Dumagsare ng ibang mga magpapareactivate, magpapalipat, mag-aupdate o magtatama ng rehistro.
01:05Si Agnes, salimbawa, magpapalipat na ng rehistro sa Maynila mula ka Marine Sur
01:10dahil dito na siya nagtatrabaho mula 2023.
01:14Magpapatransfer po ako ng pagpagboto po sa sunod na butohan po.
01:19Mahalaga po kasi para kung sino yung dapat mailalang.
01:26Kasama na rin sa servisyo rito ang libreng voter certification.
01:31Sa Lipa City, Batangas at sa Dasmariñas at Baco or Cavite,
01:35blockbuster din ang pila ng mga magpaparehistro.
01:39Ikinagulat daw ng Comilec ang dami ng mga taong dumagsa para magparehistro sa buong Pilipinas.
01:57Sabi ng Comilec, target nilang makapagparehistro ng tatlong milyong bagong butante.
02:03Dagdag sa kasalukuyang rehistrado na mahigit 71 milyon.
02:06Sa aking inisyal na pagtataya, baka mas mahigit sa tatlong milyon,
02:09baka nga abutin pa ng mahigit limang milyon ang mga bago nating butante.
02:13Kinailangan daw tuloy nilang mag-cut off sa pila sa ilang registration sites
02:17kaya may mga taong hindi na naservisyohan at pinababalik na lang sa ibang araw.
02:22Pero pwede silang bumalik anytime at may priority na po sila.
02:25At kung sakali man sa kanilang palagay, nagkulang kami sa aming paghanda, kami humihingi ng dispensa.
02:32Magdadagdag daw ang Comilec ng voter registration sites
02:34para sa inaasahang patuloy na pagdagsa ng mga magpaparehistro.
02:38Hanggang July 30, 2027 ang voter registration sa kanikan niyang Comilec offices,
02:43satellite registration sites at iba pang mga lugar na tutukuyin ng Comilec
02:47sa ilalim ng Special at Register Anywhere Program.
02:50Martes hanggang biyernes mula alas 8 ng umaga hanggang alas 6 ng gabi.
02:54Meron din tuwing Sabado at ibang holiday na itatakda ng Comilec.
02:57Kailangan lang magdala ng isang government-issued ID.
03:01Sa mga estudyante naman, pwedeng dalhin ang school ID.
03:04Bawal na raw ang barangay certification o sedula.
03:08Magparehistro na kayo ngayon kahit marami.
03:10Huwag na natin huwintayin yung last minute para hindi na tayo mahihirapan.
03:16Darlene Kai, Nakatutok 24 Oras.