00:00To be continued...
00:31...Maya-maya pa, makikita ang pagdating ng polis ng HPG nang biglang, nako, sumalpok ang isang puting SUV sa polis.
00:42Dire-diretso lang ang SUV habang sumemplang at nagpagulong-gulong naman ang polis at ang kanyang motrosiklo sa gilid ng
00:50kalsada.
00:51Nakatayo rin kalauna ng polis na nagtamo ng minor injuries ayon sa PNPHPG.
00:56Samantala, pinaghahanap naman ang driver ng SUV na bumangga sa polis.
01:02Pag-usapan natin ang insidente niyan, ask me, ask Atty. Gabby.
01:09Atty. ayon sa LTO, mukhang sinadya ang pagsalpok, ba tapos tinakbuhan pa?
01:16Ano ang sinasabi ng batas tungkol dito?
01:18Well, unang-una, paano kaya nila mapapatunayan kung sadya o hindi, ansalpok na itong nangyari?
01:24Pero mabuti na lang at mayroong kotseng may dashcam na maaaring gamitin bilang siguradong ebidensya tungkol sa identity ng kotseng
01:33involved sa aksidente niyan,
01:34kasama na yung license plate niya, at ang kanyang sadyang pagtakbo mula sa scene of the incident.
01:41Usually yung mga kaso ng mga baggaan na hindi naman mga sinasadya, di ba?
01:45Mga kaso ito ng pagpapabaya o ng kakulangan sa pag-obserba o pagsunod sa rules on driving.
01:52Yung mga hindi pagsunod sa speed limit, hindi pagtingin sa kaliwat kanan bago mag-change lane,
01:57or yung ito nga yung kaso ng serving.
01:59Ito ang mga usual na dahilan kung bakit nagkakaroon ng aksidente.
02:03At ang sobrang pagpapabaya na yan ay napaparusahan sa kasong reckless imprudence resulting in physical injuries or damage to property
02:12or posibleng homicide pa depende sa resulta ng insidente.
02:17Kapag mapatunayan ito ay sadya pala, halimbawa, may girian na pala bago nangyari ang salpukan.
02:24Of course, hindi na po reckless imprudence ang ifafile na kaso.
02:27Yung pananadya o yung deliberate na attempt or intensyong manakit
02:32ay magre-resulta sa kaso ng homicide or murder, halimbawa, kung namatay ang biktima.
02:38Posibleng kaso ng either serious, less serious, or slight physical injuries
02:43kung hindi naman namatay ang biktima at nasaktan lamang.
02:47Magkaiba ang penalty, syempre, kung sadya ang insidente.
02:50Halimbawa, kung namatay isang tao dahil sadya itong binanga,
02:53ang penalty ay reclasyon temporal or 12 years and 1 day to 20 years.
02:58Kung hindi ito sadya at reckless imprudence o pagpapabaya lamang,
03:03ang penalty ay hamak na mas mababa.
03:05Ito ay 4 months and 1 day to 4 years and 2 months.
03:09So definitely, talagang mas mababa ang penalty kung hindi sinasadyang insidente.
03:14Pero tandaan, hindi rin dapat iwan ang scene of the incident kung kayo ay nakabanga ng tao.
03:20Ang isang hit and run ay magre-resulta sa mas mataas na penalty ng kulong
03:25by one whole degree ang madadagdag.
03:27Kaya't huwag na huwag iiwan ang inyong biktima,
03:30kalma lang. Ano ba ang dapat gawin?
03:32Kalma. Itigil ang sasakyan.
03:35I-secure ang sarili at ang mga kasama kung meron.
03:37At siguraduin na walang nasaktan o nangangailangan ng pangunahing luras.
03:42Pag nakababa na kayo, take pictures of the damage.
03:45Secure ang dashcam footage kung meron man.
03:48Makipag-usap ng maayos sa kabilang partido at kunan din ng litrato
03:52ang driver's license ng kabila, pati na rin ng kotse,
03:57yung license plate, ORCR, yung damage to the cars.
04:01Kailangan din kumuha ng police report.
04:04Kakailangan din ito lalo na kung magpa-file kayo ng claim sa insurance.
04:08Pero huwag na huwag tatakbuhan ang mga maling ginagawa sa buhay.
04:13Ang mga usaping batas, bibigyan po nating linaw para sa kapayapaan ng pag-iisip.
04:18Huwag magdalawang isip.
04:20Ask me, Ask Attorney Gallo.
Comments